One

820 17 0
                                    

Sheryn's POV

Few years after...

Tahimik siyang naupo at nakinig sa sinasabi ng pari. She was staring at the urn infront of them- it was made of platinum. Simple lang iyon at walang mag-aakala na abo ng isang multi-millionaire ang laman noon. Tama, one of the richest man in the Philippines, at isa ring kilalang businessman sa buong Asya ay namayapa na.

"I am the resurrection and the life. He who believes in Me, though he may die, he shall live. And whoever lives and believes in Me shall never die..." narinig niyang wika ng pari.

She sadly smiled, gaano man kayaman ng isang tao hindi nito matatakasan ang kamatayan. Totoo iyon sa kaso ng namayapa. And worst, wala siyang nakikitang kapamilya nito na dumalo sa libing. Wala kasi itong kapatid, asawa at anak.

All his life, itinuon ni Don Benedict Aragon Madrigal ang atensyon nito sa negosyo. He was alone his entire life. Ang tanging mga kasama ay ang mga kasambahay. And all of them are grieving now.

Hindi niya masisisi ang mga ito, Don Benedict was a very kind man. Sa kabila ng yaman ay nanatiling nasa lupa ang mga paa nito. He never looked down on anyone. Lagi itong nakahandang tumulong. Sa katunayan ay marami itong charity organizations na tinutulungan.

Maging ang business world ay nagluluksa sa pagpanaw nito. Many of the well-known businessmen of the country came today. Ang iba naman ay nagpadala na mga bulaklak. Even the President himself sent flowers. Isa talaga itong malaking kawalan para sa lahat.

Siya man na anak ng kapwa nito miyembro ng board sa Pentagon, isa sa pinakamalaking korporasyon sa bansa, ay walang masasabing masama ukol sa matanda. Sa tuwing magkikita sila noon ay palagi itong may nakahandang papuri at ngiti para sa kanya. She'll miss the old man herself.



Raven's POV

"Damn!"

He cursed ng makilala kung sino ang nakatayo sa may pintuan niya at gumambala sa pagtulog niya.

Mabilis niya itong sinuri, she was so small, mga 5'1 marahil, morena ito, at ang mahaba nitong buhok na kasing-itim ng gabi ay may highlights na puti. Maganda ito, hindi yung ganda na pang-beauty contest o pang-model. Her face was like of an angel, at kahit maliit ito, masasabi mong hindi na ito bata. She has the curves in all the right places, a beauty. Tumangkad lang ito ng kaunti dahil sa suot na ankle boots.

And as always, naka-all black na naman ito. Only this time, she was wearing a dress- a corset dress.

"You look like a witch, Krishna," he said bago muling ibaon ang mukha sa unan.

"Thank you!" sabi nito at isinara ang pinto bago lumapit.Walang babala nitong hinila ang unan niya at ipinalo sa kanya.

"Wake up badboy! We're going to be so late!" pangungulit nito.

"Late for what??" inis na tanong niya at tumihaya. Suot pa rin niya ang damit kahapon.

Umikot ang mata ni Krishna, "Ngayon ang libing ni Tito Benedict, remember?!" exaggerated na sabi nito.

Kumunot ang noo niya, uncomprehending,"Tito Benedict?" ulit niya kaya muli siyang hinampas ng unan ni Krishna sa ulo.

"You're Ninong Benedict! For heaven's sake Raven, tuluyan na bang tinangay ng alcohol ang utak mo at nakalimutan mong patay na siya at ngayon ang libing niya?!" natatawang wika nito.

Sukat sa sinabi nito ay mariin siyang napapikit at sinapo ang nananakit na ulo dahil sa hang-over.

"Shit! Nakalimutan ko!" inis na wika niya. Nawala sa isip niya iyon kahit ilang beses ng ipinaalala ni Krishna nung mga nakakaraang araw.

The Goddess and The Pauper PrinceWhere stories live. Discover now