Seven

305 8 0
                                    

Sheryn's POV

Sumungaw sa pinto ng kwarto niya si Connor matapos kumatok, "Miss Sheryn, nasa ibaba po si Sir Mynard..." sabi nito.

Tumango siya, "Sa poolside mo siya papuntahin. I'll be there in five minutes."

Nang mawala sa harap ang butler ay tinungo niya ang tokador niya at sinuklay ang buhok, naglagay din siya ng manipis na lipstick bago lumabas ng kwarto.

Malayo pa lang siya sa poolside ay tanaw na niya ang nobyo, nakatalikod ito at nakatayo sa gilid ng pool.

"Hey..." tawag niya dito.

Lumingon ito at nginitian siya, "Nagpapahinga ka na ba? Naistorbo ba kita?" tanong nito.

Umiling siya at yumakap dito, "Halos kakauwi ko lang..." tugon niya.

"Missed me?" tanong nito.

Tiningala niya ito, "Hmmm... medyo lang." pabirong tugon niya at muling niyakap ito. "Wala ka sa office kanina, where have you been?" tanong niya.

"I've been meeting with some investors. And of course, inumpisahan ko na ang plano ko..."

Kumunot ang noo niya at humiwalay dito, "You've been to Cassandra?" she asked sourly.

Bahagya itong natawa, "May selos ba akong na-detect dun?" tanong nito.

"Just answer me..." madiing wika niya.

Muli itong ngumiti, "Yes, I've been to Cassandra. Pinuntahan ko siya at inalok na ako ang magtuturo sa kanya para ma-manage niya ang kumpanya..."

"And?" tanong niya.

"She agreed. Actually, tuwang-tuwa pa nga siya..."

Umahon ang inis sa dibdib niya, "That girl obviously likes you".

"That's an advantage for me, Sheryn. Kailangan kong makuha ang buong tiwala niya".

Umupo siya sa isa sa mga lounge chair, "What do you want me to do?" tanong niya.
"Pretend we're not together anymore..."

Napatingin siya dito, behind his smiling face, alam niyang seryoso ito. "Hindi ako magaling na artista, Mynard. At hindi ko rin ugaling ipahiram ang pag-aari ko..." madiing wika niya.

Lumapit ito at umupo sa tabi niya, "Alam kong mahirap gawin ang hinihingi ko. But I really need you to do this".

Napabuntong-hininga siya, "For how long?"

"Hanggang 'di ko nakukuha ang lahat ng kay Cassandra..."

It was indefinite. At sa totoo lang, wala naman siyang choice kundi sundin ito. Mynard can do anything that he pleases kahit wala ang basbas niya, pero mas pinili nitong hingin ang permiso at tulong niya.

Huminga siya ng malalim, "Sige, gawin mo ang gusto mo. But don't expect me to be extra friendly with her. Ito lang ang kaya kong gawin..."

"Thank you..." sabi nito, "May I ask, bakit mainit ang dugo mo kay Cassandra?"

Nagkibit-balikat siya, "I don't know. Maybe because I know there's a possibility that you might fall for her..."

Natawa si Mynard, "Now, you're joking..." nailing na wika nito.

Umiling siya, "No, Myn. Tao ka lang, hindi natin masasabi."

Umiling ito, "Let's not talk about her..." sabi nito at hinalikan siya.

For some reason, hindi niya makuhang gumanti dito. Instead, she remembered someone else's lips. Someone else's kiss.

Inilayo niya ang sarili sa nobyo, hindi niya ito kayang pagtaksilan sa ganoong paraan. For god's sake, hinahalikan siya ng nobyo pero ibang lalake ang iniisip niya. And that man's a complete stranger for that matter!

The Goddess and The Pauper PrinceWhere stories live. Discover now