Six

312 9 0
                                    

Sheryn's POV

"Miss Sheryn, Mr. Romualdez wants to see you..." sabi ng secreatry niya sa intercom.

Napabuntong-hininga siya, "Do I have an appointment with him?" naiinis na tanong niya.

"Wala po, but he insists on seeing you Mam..."

Muli siyang napabuntong-hininga, isa ito sa mga makukulit at masusugid na manliligaw niya na kahit alam na na may boyfriend siya ay ayaw pa din siyang tigilan. Isa sa ito sa mga hindi makaintindi ng salitang taken.

"Fine, send him in..." napipilitang wika niya.

Ilang sandali pa at bumukas na ang pinto sa private office niya. "Hi, Dave..." flat na bati niya, "What can I do for you?" tanong na din niya at itinuloy ang ginagawa.

"I'm here to see you. Hindi mo man lang ba ako pauupuin?"

"Sorry. Help yourself..." sabi niya habang patuloy sa pagbabasa. Nararamdaman niya ang pagtitig nito sa kanya.

"Tititigan mo lang ba ako? I'm busy Dave, sabihin mo na ang gusto mong sabihin..." nababagot na wika niya.

Napakamot ito sa ulo, "Ahh... aayain sana kitang mag-dinner..." nahihiyang wika nito.
"I'm busy tonight..." sagot niya.

"E bukas?"

"Still busy..."

"The next day?" pangungulit nito.

Napabuntong-hininga ay isinara ang binabasang folder. Wala na siyang mapagpipiliian pa, there's no easy way when it comes to breaking someone's heart. She tried to be mild before, pero hindi ito nakinig. She'll be harsh now.

"Can't you see my point, Dave? Para sa'yo at sa mga katulad mo na kinukulit ako, busy ako at wala akong time!" prangkang wika niya at lihim na napangiwi, she's such a bitch.

"But why?" nasasaktang wika nito.

"Because I don't like you, sinabi ko na dati di'ba? Hindi ka nakinig..." diretsong tugon niya. "At isa pa, you know I'm with Mynard, ikaw lang itong nagpupumilit pa rin."

God, how she hates breaking hearts.

"Then what does it take for you to like me back? Anong gusto mong gawin ko?" desperadong tanong nito. "Wala akong pakialam kung kayo ni Mynard, I'll do whatever it takes makuha lang kita..."

Ngumiti siya, "Be Mynard... sa lahat ng aspeto..." sagot niya.

Nanlaki ang mata nito, "But that's impossible..."

Tumango siya, "Exactly. Imposible, imposible kitang magustuhan." deretsong wika niya.

Nalaglag ang balikat nito, "How can you be so cold, Sheryn..."

Kailangan, Dave. Kailangan.

"Humanap ka na lang ng iba na nababagay sa'yo. I won't stoop down to your level." sa halip ay wika niya.

I'm sorry, Dave... bulong niya sa sarili ng makita sa mukha nito ang sakit.

"Sana, ito na ang huli nating pagkikita Dave..." pinal na wika niya.

Tumayo ito at tinungo ang pinto, palabas na ito ng muli siyang lingunin. "Remember this Sheryn, someday you'll fall so hard for someone na ikaw mismo ang maghahabol sa kanya..." sabi nito at iniwan na siya.

That struck her.

Hindi pa ba si Mynard ang para sa kanya?

Raven's POV

The Goddess and The Pauper PrinceWhere stories live. Discover now