Four

423 12 0
                                    

Raven's POV

"Isa pa..." sabi niya ng ilapag sa ibabaw ng counter ang bote ng beer na wala ng laman. Sa harap niya ay nakahilera na ang mga bakanteng bote ng beer.

"Nakarami ka na, Raven..." komento ng bartender na alinlangang bigyan siya ng isa pang beer. Si Jim iyon, ito rin ang may-ari ng bar na kinaroroonan niya ngayon. Dito siya madalas magpalipas oras kaya kilala na siya nito.

"Kaya ko pa, Jim..." paniniguro niya dito sabay lahad ng kamay.

Napailing ito at iniabot din sa kanya ang bote. Walang kibo niyang kinuha iyon at agad tinungga. Nasa ere pa ang bote niya ng may kumalabit sa kanya.

"Hi there..."

Nilingon niya iyon, naka-upo sa tabi niya ngayon ang isang magandang babae na halos wala ng itago sa imahinasyon ang suot na damit.

"Nag-iisa ka ata loverboy, gusto mo bang samahan kita?" malambing na wika nito at nanunuksong nginitian siya, hinawakan pa siya sa braso.

Napaismid siya sabay bawi ng braso niya, "Hindi ako interesado. Sa iba mo na lang ialok ang serbisyo mo.." he said flatly and ignored her. Hindi siya interesado sa mga katulad nito.

"Suplado!" inis na wika nito at iniwan na siya.

Napailing na lang siya at itinuloy ang pag-inom.

"Bakit hindi mo tinanggap? Maraming customer iyon..." tanong ni Jim.

Napangisi siya, "Exactly. I don't pick girls sa kung saan-saan, Jim. Baka kung anong sakit pa ang makuha ko sa mga 'yun. I am not sex starve..."

Natawa ito, "Sabagay, may punto ka dyan..." sang-ayon nito at tinalikuran na siya.

Sheryn's POV

Napabuntong-hininga siya, she's not enjoying the party. Kahit napapalibutan ng mga kakilala at kaibigan ay nobo-bored pa rin siya. Nilingon niya si Mynard, abala itong nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan nito. Nag-eenjoy ito hindi katulad niya.

Nagdesisyon siya, aalis na siya. "Myn.." tawag niya sa nobyo.

Agad naman itong lumingon, nagtatanong ang mga mata.

"Mind if I leave now? Mauna na akong umuwi..." bulong niya dito.

"Bakit? Are you sick?" agad na tanong nito, worried.

"Just mild headache, pagod siguro..." sabi niya at bahagyang hinilot ang sentido

Lalo itong nag-alala, "Tara, ihahatid na kita..." sabi nito at akmang tatayo.

Pinigilan niya ito, "No, wag na. I have my car..." tanggi niya at hinaplos ito sa pisngi. "Don't worry, I can still drive..." sabi niya at kinuha na ang clutch bag niya. "Stay for the both of us, baka magtampo pa si Frederick kapag sabay tayong nawala, okay?" bilin niya.

"Are you sure?" paniniguro nito, bakas pa rin ang pag-aalala sa gwapong mukha.

Ngumiti siya, "Yeah, magkita na lang tayo bukas, okay?" tugon niya at hinalikan ito sa pisngi. "Don't drink too much, magdi-drive ka pa..."

Tumango ito, "Drive safely, text me when you get home..." bilin din nito.

"Sure..." sagot niya at iniwan na ito matapos magpaalam sa mga kaibigan na kasama nila sa table. Hindi na siya nagpaalam sa celebrant, tiyak na pipigilan siya nito. Nagtuloy-tuloy na siya sa parking lot at agad sumakay sa kotse niya. She drived away, ang totoo wala pa siyang balak umuwi. Gusto lang niyang mapag-isa.

Raven's POV

Kaka-order lang niya ulit ng panibagong beer ng may umupo sa bakanteng stool sa tabi niya. Bahagya niya iyong nilingon, baka kasi pick-up girl na naman.

The Goddess and The Pauper PrinceWhere stories live. Discover now