Three

549 12 2
                                    

Sheryn's POV

Ang lahat ay nakatingin sa bukas na pintuan at inaabangan ang pagpasok ng heredera. Napadiretso siya ng upo ng mula sa pintuan ay pumasok ang isang babae na nakasuot ng isang pangit na damit pang-luksa.

Agad niya iyong hinagod ng tingin, ang buhok nito ay magulo ang pagkakapusod at halos matakpan na ng suot nitong salamin ang buong mukha nito.

Hindi niya mapigilan ang mapangiwi, ito na ba ang ampon ni Don Benedict?

Nakikita niya ng halos himatayin na ito, ni hindi nito maitago ang kabang nararamdaman.

"Everyone, meet Cassandra Madrigal", narinig niyang wika ng abogado.

"H-hi.." nahihiya at mahinang wika ni Cassandra.

Nang lingunin niya ang nobyo ay nakita niyang nginitian at tinanguan nito ang bagong dating. Ang resulta? Namula ang mukha ng babae at hindi na muling nag-angat ng tingin.

Naiinis ako sa kanya! Sabi ng kontrabidang parte ng utak niya.

Now where did that came from? Hindi niya alam kung bakit mabigat ang loob niya kay Cassandra na ngayon lang niya nakita. Wala naman itong masamang ginawa para maramdaman niya iyon.

Alam niyang hindi malayong magkagusto ito sa nobyo dahil wala pang babae ang nakaligtas sa charm nito. Para itong magnet kung dikitan ng mga babae. So sanay na siya doon.

She never felt threatened before, at wala din siyang nakikita na dapat ikapangamba kay Cassandra. She seemed shy and distant. At sa nakikita niya ngayon sa pisikal na anyo nito, malayong pag-interesan ito ni Mynard.

So why?

****

Nang matapos ang pagbabasa ng last will and testament ay isa-isa na silang nagsilabasan sa library. Palapit na sila sa front door ng mansyon ng makita niyang kausap ni Russel si Cassandra. Nang makalapit naman sila ay nakatalikod na si Russel at lumabas na ng mansyon.

Tumikhim si Mynard para kunin ang atensyon ni Cassandra na tila natulalang nakasunod ang tingin kay Russel.

"So, you've met the Ice Prince, huh?" pabirong tanong ni Mynard.

Napaigtad ito at binalingan sila, agad ang pamumula ng mukha nito.

"Sorry, nagulat ata kita?" apologetic na wika ni Mynard bagaman nakangiti pa rin.

"By the way, I'm Mynard Drake Villa Riyale and with me is Sheryn Trisha Fitzgerald..."

Sukat sa sinabing iyon ni Mynard ay tinitigan sila nito. Parang ngayon lang ito nakakita ng tao sa pagtitig na ginagawa nito.

Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay, sanay na siya na laging tinitignan at hinahangaan. Pero, iba ang dating sa kanya ng titig nito, naiirita siya.

"Have you lost your tongue, Miss Cassandra? It's rude to stare at people, you know..." sabi niya sa kontroladong tinig.

Namutla ang kaharap dahil sa pagkapahiya."I-Im sorry..."nahihiyang sabi nito. "Nagandahan kasi ako sa'yo. I was star-strucked..." paliwanag nito.

Too honest, isip niya. Akma siyang sasagot ng unahan siya ni Mynard.

"You don't have to say sorry, nagbibiro lang si Sheryn..." sabi nito at nilingon siya, "Hindi ba?"

Nabasa niya ang warning sa mga mata nito. Gustong magpuyos ng damdamin niya but she held her ground.

Ngumiti siya ng ubod tamis at muling binalingan si Cassandra, "Mynard's right, I was just joking Cassandra. Please don't get me wrong", sabi niya at hinawakan pa ito sa braso.

The Goddess and The Pauper PrinceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ