Twenty Two

327 13 1
                                    

Sheryn's POV

"It's a Friday night, iha. Bakit hindi ka lumabas kasama ng mga kaibigan mo? Palagi kang nakasubsob sa trabaho, you deserve some rest..." sabi ni Carlos Fitzgerald, her father.

Umiling siya, "I'm not in the mood to go out, Dad. Mas gusto ko dito sa bahay..." sabi niya at isinubsob ang mukha sa unan.

"Mas gusto mong magmukmok? This isn't like you, iha..."

Hindi siya kumibo kaya narinig niya ang buntong-hininga ng daddy niya.

"Naging malulungkutin ka na mula ng umalis ang artist na kakambal ni Russel..."
Napatingin siya dito, "He's not just an artist, Dad. There's more to him than- "

"I know that now..." he trailed off. Hinaplos nito ang buhok niya. "I only want the
best for you. I'm sorry... "

Napamaang siya dito, "Wh-what do you mean, Dad?" kinakabahang tanong niya.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "The first time I saw him, inayawan ko na siya. Para kasi sa akin, pariwara ang buhay niya, walang direksyon. Napakalayo niya sa kakambal niya na punong-puno ng achievements at seryoso sa buhay."

"And then, you started seeing him. Naalarma ako. He can be a bad influence on you... "

"No, Dad. He's not like that at all..." sabat niya.

Tumango ito, "Let me finish first, iha... "

Tumango siya at tumahimik na lang, finally lumilinaw na ang lahat.

"I talked to him, ipinatawag ko siya sa opisina ko. Sinabi ko sa kanyang layuan ka niya, that you're better off without him dahil wala naman siyang maipagmamalaki. Isa nga siyang Montecarlo, but other than that, he has nothing. I told him you deserved better..."

"That time, nakita ko sa kanya ang pagtutol at ang determinasyon na ipaglaban ka. But when I told him I'll disinherit and disown you, nabuwag ang depensa niya. He said it's cliché, pero hindi raw niya isusugal ang kaligayahan mo..."

"Alam niyang sasama ka sa kanya pero hindi ka lubusang magiging masaya. He didn't want that for you. Hindi ka raw niya itutulad sa kanya na walang pamilya. Kaya kahit labag sa kalooban niya, pumayag siya sa gusto ko..."

"Pero alam mo ba kung bakit ako humanga sa kanya?" pagkaraan ay tanong nito.

Napatingin siya sa ama, hinihintay ang sasabihin nito.

"He said he loves you. Na aalis siya pero hindi magpapaalam. Because one day, babalik daw siya. And when he does, he's sure he's a better man by then..."

"Someone who is worthy of being a Montecarlo, and someone who is worthy of you. And when that day comes, hindi na siya papayag na magkahiwalay kayo... "

Muli siyang napaluha, hindi ata maubos-ubos ang luha niya. Raven really did love her.



Raven's POV

"Hanggang kailan mo balak mag-hibernate dito sa isla, Raven?" narinig niyang tanong ni Russel ng pumasok sa loob ng dating playroom niya sa villa na ngayon ay studio na niya.

Hindi niya pinansin ang tanong nito. "Why are you here?" sa halip ay tanong niya habang abala sa ginagawang pagpipinta.

Lumapit ito at iniabot sa kanya ang isang folder.

Kinuha niya iyon at binuklat, "Ano ba 'to?" tanong niya. Puro kasi tables at numbers ang nakikita niya.

"Nakalagay dyan ang developments ng MC shipping lines and aviation company natin mula ng hawakan mo..." tugon nito at naupo sa couch malapit sa bintana.

The Goddess and The Pauper PrinceWhere stories live. Discover now