Twenty One

241 9 0
                                    

Sheryn's POV

Three months passed, unti-unti niyang ibinabalik sa dati ang buhay niya. Pero kahit anong pilit niya, naroon pa rin ang kahungkagan na nararamdaman niya.

She goes to work, performs her job, but other than that, wala na siyang ibang ginagawa.

Para siyang robot, nagsasalita kapag may kumakausap sa kanya at kung wala naman ay tahimik lang siya. At kahit pilitin niyang magpaka-normal, hindi niya magawa.

Ngayon ay nakatayo siya sa tapat ng carousel na hindi pa natatapos. Palagi siyang dumaraan doon tuwing bago umuwi, recalling bittersweet memories.

"You're here. Again... "sabi ni Russel ng lapitan siya.

Tinignan niya ito, it hurt her to see him. Nakikita niya ang mukha ni Raven dito.

"Ngayon mo lang ako nakita dito..." kontra niya.

"No, I see you here everyday. Pero hindi kita nilalapitan..."

"Bakit mo ako nilapitan ngayon?"

Tumingin ito sa carousel, "Next week na ang launching ng carousel. And any day from now, darating na ang sculpture..." sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

Sumikdo ang dibdib niya pero sinikil niya iyon, "He's still not coming back..." it was more of a statement than a question.

Nilingon siya nito, "Why do you come here everyday? Nasasaktan ka lang..."

Huminga siya ng malalim, "You're right, nasasaktan ako. But this pain keeps me alive. Sabihin mo ng masokista ako, but this is the only way I get to be with him..."

"You love my brother that much? Napaka-swerte ng lalakeng 'yon..."

Tumango siya, "I know you know where he is. At hindi ko alam kung bakit mo pinagtatakpan ang kakambal mo. But I hope makaabot sa kanya ang paguusap natin na 'to. Baka sakaling bumalik siya kapag nalaman niyang, I've been living miserably since he left. I love him, tell him that..."

****

Ngayon ang launching ng grand carousel, kaalinsabay iyon ng taunang founding anniversary ng Pentagon Plaza.

Masquerade ball ang theme ngayong taon, so everyone came in with their elegant gowns and tuxedos.

Thank God for the mask, hindi niya kailangang magkunwari na masaya siya.

Ang alam niya, si Krishna ang nag-organize ng event na iyon. She'll have to congratulate her later, masaya ang lahat. Everything's doing well. Kanina ay narinig niyang kumanta ito, may itinatago pala itong talent sa pagkanta.

Itinuon niya ang pansin sa harapan kung saan naroon ang grand carousel.

Natatakpan ito ngayon ng makapal na kurtina. Iniisip niya tuloy kung ano ang kinalabasan noon at kung ano ang itsura ng centerpiece. Only Krishna had the chance of seeing it dahil ito ang organizer.

"Sheryn!"

Napalingon siya, speaking of the witch.

"Kanina pa kita hinahanap!" nakangiting sabi nito ng makalapit sa kanya.

""Ha? Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Unveiling na ng carousel at ikaw ang maswerteng gugupit ng ribbon..." sabi nito at hinila siya patungo sa harapan.

Nandoon na si Russel, ito ang nagbigay ng gunting sa kanya, "Ready?" tanong nito.

Tumango siya at niyuko ang ribbon, kinakabahan siya.

Nang marinig niya ang go signal mula kay Krishna ay tuluyan niyang ginupit ang ribbon. Kasabay noon ay nahawi ang kurtinang tumatabing sa carousel hanggang sa tuluyan na itong nahantad sa kanilang lahat.

Napasinghap siya, napakaganda noon. Kung noon ay maganda na, paano pa ngayon na naiilawan na ito?

Her eyes focused on the centerpiece, nagdulot iyon ng luha sa mga mata niya.

It's a blue-eyed goddess, at totoong sapphire ang mga mata nito.

"Ladies and gentlemen, I now present to you, The Pentagon Plaza Grand Carousel. It is designed, painted and sculpted by my very own twin brother, Cyrus Raven Montecarlo..."

Bahagya na niyang naririnig ang tinig ni Russel sa background.

"Sad to say though, he cannot make it tonight. But he sent us a recorded message, let us listen to him..."

Mula sa kung saan ay pumailanlang ang boses nito na matagal na rin niyang hindi naririnig.

"Hey, everyone. Alam kong napaka-untraditional ng ginawa kong ito, but this is the only way I know para maipahatid ko sa inyo ang mensahe ko.
Kung nagagandahan kayo sa carousel, thank you. Kung hindi naman, I really don't care. Opinyon lang ng isang tao ang mahalaga sa akin, and I know kasama niyo siya ngayon dyan.
You know who you are. I dedicate that carousel to you. You are that blue-eyed goddess. At lahat ng nakapaligid sa goddess na 'yan describes all the feelings you made me feel. Magical, heavenly, romantic.

Ever since that unforgettable day at Jim's bar, binago mo na ang buhay ko. Everything has been special because of you. Thank you..."

His voice gone.

Aware siya sa nagkikislapang ilaw ng mga camera sa paligid niya, pero wala siyang pakialam. Nananatili lang siyang nakatitig sa sculpture sa harapan niya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.

The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon