Thirteen

291 10 0
                                    

Raven's POV

"Hi!"

Napalingon siya ng marinig ang boses ni Sheryn. Kumunot ang noo niya, "What are you doing here?" sita niya.

Napansin kasi niyang huminto ang mga kasama niya sa trabaho ng mga ito at nakamasid lahat sa kanilang dalawa.

"Grabe naman 'to! Galit kaagad..." nakangiting wika nito.

"Iniistorbo mo ako, and in case you don't know napahinto ang mga kasama ko sa trabaho nila dahil sa biglang pagsulpot mo!" maasim na wika niya.

Hindi ito natigatig, "Lunch break na..." sabi nito at bahagyang nilingon ang mga kasama niya bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. "And it's not my fault that they're all attracted to me. Kung kasalanan man na maging maganda, then I'm guilty..."

Gusto niyang mangiti sa tinuran nito, walang halong yabang ang tinig nito, just confidence. Ibinaba niya ang hawak na paintbrush, "So, nagpunta ka lang dito para magpapansin sa kanila?"

Umiling ito and rolled her eyes, "Duh, of course not! Syempre sa'yo, aayain sana kitang mag-lunch..."

Napangisi siya, may idea na nabuo sa isip niya. "Okay, pero ako ang mamimili kung saan tayo kakain..."

Namilog ang mata nito, "Talaga? Sure! Anywhere you want..." excited na wika nito.

"Dito lang tayo..." tugon niya.

"Sure! Sa Paradisiaco?"

Umiling siya, "No, dito mismo..."


Sheryn's POV

Nanlaki ang mata niya, "Di-dito? Kasabay natin sila?" di-makapaniwalang sabi niya.

"Oo, kung ayaw mo, mag-lunch ka mag-isa..." sabi ni Raven.

Nakagat niya ang labi niya, "Are you sure? It's like eeeww..." mahinang sabi niya. 

"Hindi kita pinipilit, okay? Ano, sasabay ka ba o hindi? Nasasayang ang oras at nagugutom na ako. In case you don't know, may oras ang lunch break namin."

Napa-irap siya, "Okay, fine!" pagpayag niya kahit nagngingitngit ang kalooban niya.

"Papayag din pala, ang dami pang arte!" sabi nito at hinila na siya patungo sa mahabang lamesa na naroon.

"Upo!" utos nito at ini-upo siya sa isang monobloc chair, pagkaraa'y umupo ito sa tabi niya.

Nandoon na rin ang mga trabahador na handa na rin sa pagkain.

"Guys, si Sheryn. I'm sure you all know her. Sheryn, mga kasama ko..." pakilala ni Raven sa kanila.

Sabay-sabay na bumati ang mga ito sa kanya, bakas ang paghanga sa mukha ng mga ito. Duh? Siya kaya ang dyosa. Malamang laglag panga nilang lahat.

"Hi," tanging nasabi niya at binalingan si Raven.

"What should we eat?"

"Tuna..." sagot nito.

Bahagya siyang natuwa, "Grilled Tuna?" tanong pa niya.

Natawa ito, "Grilled Tuna ka dyan! Tuna Sardines!" sabi nito at inilapag sa harap niya ang isang lata ng sardinas.

Dagling nawala ang ngiti niya, never in her whole life na nakatikim siya ng sardinas. At hindi rin niya pinangarap matikman iyon. Naririnig pa niya ang tawanan ng mga kasama nito kaya lalong umahon ang inis niya.

"Ayaw mo?" tanong ni Raven na binubuksan na ang sardinas.

Umikot ang mata niya, "As if, may choice ako!" angil niya at inirapan ito.

The Goddess and The Pauper PrinceWhere stories live. Discover now