Eighteen

288 8 0
                                    

Sheryn's POV

"Happy Birthday!"

Nakangiting bati niya ng pagbuksan siya nito ng pintuan. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Bakit hindi, alas-sais pa lang ng umaga. Sinadya niya talagang pumunta ng ganoong oras, she wanted to be the first one to greet him.

Ngumiti ito at hinila siya papasok sa loob. Hindi pa man lang lumalapat pasara ang pinto ay siniil na siya ng halik nito na ginantihan naman niya. Kapwa sila humihingal ng maghiwalay ang mga labi nila.

Idinikit nito ang noo sa noo niya, he looked at her and smiled, "Thank you, babe. This is the best gift I've ever received..."

Ngumiti siya, "Ganun? To think na nagpaturo pa ako kay Krish magluto para maipagluto kita ngayon ng breakfast..."

Inilayo nito ang mukha sa kanya, "Really?"

Halata sa mukha nito ang tuwa. And that's what she wanted. She wants him to be happy.

Tumango siya at humiwalay dito. Binuksan niya muli ang front door at binalikan ang plastic ng groceries na naiwan niya sa labas. Si Raven ang nagbitbit ng mga iyon at dinala sa kusina.

"Sigurado ka bang walang kasamang lason ang mga binigay na ingredients ni Krish?" pabirong tanong nito habang kinakalikot ang laman ng plastic.

Natawa siya, "Don't worry, safe ang mga iyan. Hindi ka makukulam..." tugon niya at inumpisahan na ang pagluluto. 

Abala siya sa harap ng kalan ng yakapin siya ni Raven mula sa likod.

Hinahalikan nito ang buhok niya. It's very distracting.

"It's you I want for breakfast..." bulong nito.

Natawa siya at hinarap ito, "Not today. Lumayo ka kasi para di ka ma-tempt..." 

 Sumimangot ito at umupo sa dining area, "Hindi ko na kasalanan kung nababaliw ako sa'yo. Ginayuma mo ata ako."



Raven's POV

She just laughed and lovingly stared at him. She blowed him a kiss bago itinuloy ang pagluluto. Nakatalikod na ito ng ngumiti siya. 

For the past weeks, they've been inseparable. And everyday is like a brand new day for him. He'd never felt this happy before, happiness she brought him that he didn't think he deserved.

Napapikit siya, hanggang kailan kaya tatagal ang kaligayahang iyon?

Natatakot siyang dumating ang araw na bigla na lang mawala sa kanya ang lahat. Na mawala sa kanya si Sheryn.

It would surely break him.



Sheryn's POV

Nakangiting tinitigan niya ang mga ulap, it was a clear and sunny day. At eksaktong nagplano pala ng picnic si Raven para sa kanilang dalawa. 

She couldn't control her giggle ng makitang kumpleto ang mga dalang gamit ni Raven. Naglatag sila ng blanket sa damuhan under a huge tree at doon na rin kumain. May mga baon silang pagkain at sandwiches na ito mismo ang naghanda at nagluto. It was a surprise date that rendered her speechless for a moment.

Kakatapos lang nilang kumain at magkatabi silang nakahiga sa blanket, nakaunan siya sa isang braso nito habang ang isa ay nakayapos sa beywang niya. And she felt satisfied and happy.

"What are you thinking just now?" mahinang tanong ni Raven na napansin siguro ang pananahimik niya.

"You, me. I'm thinking on how you make me happy with each passing day. And I'm thinking on how I love you so much na ayaw ko ng matapos ang bawat sandali na magkasama tayo..." she honestly said and smiled at him.

Gumanti ng ngiti si Raven, "Well, that's a good thought..." he said and nuzzled her ears.

Tumango siya at pumihit paharap dito, "So let us make each day a loving memory. Para hanggang sa katandaan natin ay may babalik-balikan tayo..."

"You don't have to worry about that, because nothing will change between us. We will stay young. Sa mata ko ay hindi magmamaliw ang kagandahang nakikita ko sa'yo. And no matter how old we become, you will always stay the same for me. I'll look past the fine lines on your eyes, or the laugh lines sa gilid ng labi mo, or how you hair color changes to gray. It shows on how long we've been treasuring each other..." sabi naman ni Raven.

Ngumiti siya at naupo na lang, her hands caressing his hair. "It's good to hear na iniisip mo rin tumanda kasama ako. Because that's my dream Raven, no matter how shallow it may seem to be..."



Raven's POV

Bumangon siya at naupo sa tabi ni Sheryn, pinitas niya ang isang wildflower na tumubo sa tabi ng punong kinaroroonan nila at isinuksok iyon sa pagitan ng tenga nito. 

Then he stared at her. Ang buhok nito ay malayang tinatangay ng hangin, her face void of any makeup but still looking beautiful as ever. 

And he wondered on how this bewitching goddess made him fall in love so fast, so hard. 

Sa mahabang sandali ay tinitigan lang niya ito, as if memorizing every line and contour.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin Sheryn, but please know that there's no one else in this world I would want to be with everyday of my life than you. All I think about is you, sa bawat pagpikit at pagdilat ng mata ko, mukha mo ang nakikita ko. Crazy it seems, but I like how it feels to be with you. If its possible to sleep and wake up beside you forever, then that would be my greatest wish..." he said softly and caressed her face.

"You are the best thing that ever happened to me. And I wish to hell that this will not end, because that would really kill me..." he added and sighed. 

"So, will you promise to never leave me?" he said with so much emotion.



Sheryn's POV

Naramdaman ni Sheryn ang pag-iinit ng mga mata niya. Hindi niya inisip na maririnig ang mga iyon mula kay Raven, it's more than what she expected. 

Kulang na lang ay sabihin na nito na mahal siya nito. 

She smiled in between her tears, "I love you, Raven. And yes I promise to spend all of my days with you..." she answered and kissed him.


The Goddess and The Pauper PrinceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang