Five

384 9 0
                                    

Raven's POV

Dinampot niya ang CP niya at tinawagan si Krishna. Wala siyang pakialam kung maiistorbo niya ang pagtulog nito. Siya nga ay hindi pa natutulog.

Hindi siya pinatulog ng babaeng 'yon mula sa bar.

Matagal ng nagri-ring ang linya kaya tumingin siya sa orasan, alas-sais ng umaga. Tiyak na nasa kasarapan pa ito ng pag-tulog. Puputulin na sana niya ang tawag ng sa wakas ay sinagot iyon ni Krishna.

"Hello..." inaantok na sagot nito.

"Krish!" sigaw niya para gisingin ang diwa nito, mukhang wala pa sa huwisyo ng sumagot ito.

Umangil ito na parang bata. "Istorbo ka!" sabi pa nito sa kabilang linya.

"Pumunta ka ngayon dito sa bahay, hindi ako makatulog Krish. Hindi ako makapag-concentrate!" angil din niya. Maiintindihan na iyon ni Krishna.

Sumagot ito at ipinahahanda ang mga kailangan para sa meditation niya.

"Okay, bilisan mo!" yun lang at ibinaba na niya ang tawag.

He's grateful to have Krishna as a friend. Lagi niya iyong naaasahan kahit isip-bata. She has this big patience and understanding for him na ang iba ay wala. Lahat ng init ng ulo at kagaspangan ng ugali niya niya ay tanggap nito. And most of all, she appreciates his art. Iyon ang pinaka-importante sa lahat.

He only have two real friends. Krishna and Cassandra.

He had met Krishna a few years back sa UP Diliman. She was a freshman sa kurso nitong Business Management habang siya naman ay nasa unang taon lang din ng ikalawang kurso niya, which is Fine Arts.

Ang una niyang kurso ay Architecture, ngunit hindi niya talaga niya kayang talikuran ang pagpipinta kaya kahit tutol ang Lolo Franco niya ay sinuportahan na rin nito ang hilig niya.

Kalagitnaan na noon ng semestre at mayroon silang mini-exhibit. She was there and she was literally gaping at his paintings. Nilapitan siya nito at nagpakilala sa kanya. Pareho pa silang nagulat ng malaman ang pangalan ng bawat isa.

She's Krishna Gale La Pierre, ang unica hija at sole heiress ni Lawrence La Pierre, a crony of his own father, Raymus Montecarlo. Funny though, ni minsan ay hindi nag-krus ang landas nila noon sa mga family at social gatherings ng Pentagon Plaza. O marahil ay minsan ng nag-krus ang landas nila ngunit kapwa na nila hindi matandaan gawa ng katagalan, isa pa'y mas matanda siya rito ng ilang taon kaya marahil ay baby pa ito ng makita niya.

At isa pa'y bata pa lang siya ay wala na siyang hilig sa mga party. Sumasama lang din naman ang loob niya kapag dumadalo siya kaya minabuti na lang niyang 'wag dumalo sa kahit na anong kasiyahan lalo na at may kinalaman sa Pentagon Plaza.

Maging si Krishna ay hindi rin mahilig sa mga sosyalan, madalas ay naiiwan lang ito sa bahay kapag may dinadaluhang parties ang mga magulang. Ayon pa sa kwento nito ay mas matagal pa ang inilagi nito sa La Pierre Farm and Ranch, isa sa mga pag-aari ng pamilya nito, kesa sa Maynila. Doon na raw ito lumaki at nagka-isip, kasama ng mga baka at kabayo.

The first time he saw Krishna, he instantly admired her. Agad nitong napukaw ang atensyon niya dahil sa unique personality nito. Noong una ay binalak niya itong layuan lalo na ng malaman niyang isa ito itong La Pierre. Wala siyang balak makihalubilo sa mga taong may kinalaman sa Pentagon Plaza, but Krishna has her own way to make people like her. Charming kasi ito at bubbly.

Later on, naging best of friends sila. Marami silang pagkakaiba, but one thing he likes most about her is her ability to cope up with his mood swings. Iyon ang wala sa ibang mga kakilala at 'kaibigan' niya.

The Goddess and The Pauper PrinceOnde histórias criam vida. Descubra agora