Eight

290 9 0
                                    

Raven's POV

Tinitigan niya ang kapatid na nakaupo sa likod ng executive desk. Prim and proper, kagalang-galang. At ni hindi ito nagulat ng makita siya. Sandali lang siya nitong tinitigan bago muling ibinalik ang tingin sa hawak na folder.

"What brought you here?" tanong nito habang nagbabasa.

Nameywang siya, sa gilid na mata ay nakita niya si Krishna na naka-upo sa sarili nitong post. She finally found a way para mapalapit sa kakambal niya. Krishna is now her brother's personal assistant. Napunta ito doon dahil nakumbinsi nito ang sariling ama na gusto nitong gawin ang management training sa ilalim ni Russel. 

Napailing siya, wala sana siya sa posisyon na ito ngayon kundi dahil dito, gusto niya tuloy itong sakalin.

"Ako ang nanalo sa contest..." tugon niya sa tanong ng kapatid.

Isinara ng kapatid niya ang binabasang folder at binalingan siya, wala pa rin reaksyon ang mukha nito pero alam niyang inaalisa nito kung nagsasabi siya ng totoo. 

"Bakit ka sumali sa contest na ito, Raven? Kulang ba ang monthly allowance mo?" tanong nito.

Nakuyom niya ang kamao, pinipilit niyang kalmahin ang sarili. "Wala akong pakialam sa pera, hindi ko rin kukunin ang cash prize. I just want the job, iyon lang." madiing tugon niya.

Umiinit talaga ang ulo niya kapag kausap ang kakambal. Sa tuwing haharap siya sa kapatid, he feels so little. Sinasalamin ng kapatid niya ang tagumpay, habang siya naman ay failure.

Tumango ito, "Fine. I'll give you the job, ako na ang bahalang mag-rason sa ibang investors kung bakit ikaw ang nanalo sa contest. Bukas na bukas ay sisimulan na ang construction ng carousel so be here at seven o'clock sharp. Gusto kong umabot tayo sa deadline, walang excuses." sabi nito at tinitigan siya ng matiim sa mata.

"Make sure you'll finish your job, Raven. I don't want failures."


****

"I don't want failures.."

Paulit-ulit iyon sa isip niya na parang sirang plaka.

Natawa siya ng pagak, hindi niya akalaing tatablan pa siya ng mga salitang iyon. He'd live with it all almost his entire life, ang akala niya ay wala na iyong epekto sa kanya. But he's wrong, masakit marinig iyon, lalo na at galing sa kapatid niya.

Bakit ba kasi napaka-malas niya? tanong niya sa sarili at tiningala ang building ng Pentagon Plaza. Atsa kinaroroonan ay tanaw niya ang direksyon ng opisina ng kapatid. It seemed unreachable.

He deeply sighed, somehow deep inside his hollow heart, he wishes to be a part of it.


Sheryn's POV

"What are these? Ang pangit ng design! No one in his or her right mind would ever wear that!" mainit ang ulong wika niya at ibinalik sa assistant ang portfolio. Those designs are for Ricchi, ang fashion line na pag-aari ng pamilya nila.

"Who made those?" tanong pa niya.

"Si Mylene po..." alanganing tugon nito.

"Tell her to resign kung wala na siyang fresh ideas. Hindi kailangan ng Ricchi ang mga katulad niya. Now, go!" inis na utos niya at padarag na naupo sa swivel chair niya. Nagmamadaling umalis ang assistant niya at iniwan siya.

Sinapo niya ang sentido at ipinikit ang mga mata. She's stressed, busy at punong-puno ang schedule niya. Malapit na kasi ang launching ng new collection ng fashion line nila kaya kabi-kabila ang mga meetings niya.

The Goddess and The Pauper PrinceWhere stories live. Discover now