Eleven

318 9 0
                                    

Sheryn's POV

Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Absent-mindedly, she touched her lips. Nararamdaman pa rin niya ang labi ni Raven. 

 And as she looked at her own reflection, she knows something has changed. Iba ang Sheryn na nakikita niya, her eyes are glowing now.

She remembered Raven walking away from her after they kissed, nanatili lang siyang nakatayo doon at nakatanaw sa likod nito. Habang buhay na siguro iyong nakaukit sa alaala niya.

Huminga siya ng malalim, he has taken her heart with him.

Muli niyang tinitigan ang sarili, how could she fall for him that easily?

Paanong sa isang halik lang ay nakuha nito ang puso niya?

Napailing siya, hindi niya alam ang sagot. But one thing is for sure, hindi siya papayag na matatapos sa isang halik lang ang lahat.



Raven's POV

Ibinagsak niya ang sarili sa kama at tinitigan ang blankong kisame. His mind elsewhere, naiwan niya ata sa carousel site. At hindi iilang beses siyang muntik maaksidente kanina dahil wala siya sa sarili.

Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha, nababaliw na ata talaga siya. Ang buong akala niya ay matatahimik na siya kapag muli niyang nahalikan si Sheryn. 

But he's wrong, hindi lang pala halik ang gusto niya dito.

Instead, he wanted all of her. He wanted her like he never wanted anyone and anything before.

Lumarawan sa isip niya ang magandang anyo nito. From her light brown hair and heart-shaped face. Ang mga mata nito na kasing-kulay ng batong sapphire ay sinamahan pa ng malalantik na pilik-mata. Ang ilong nito ay tamang-tama lang ang tangos. And her lips, so rich, so soft and sweet.

Ang gandang taglay nito ay hindi nakakasawa, lalo pa iyong gumaganda habang tinititigan mo.

At hindi lang iyon, taglay din nito ang perpektong katawan. Hindi ito katangkaran, mga 5'4 marahil. But the way she carry herself make her look taller, nagmumukha itong 5'7 tall.

She's slim, at ang sabi ay taglay nito ang perfect vital statistic. The body to die for, ika nga.

Hindi lang ito basta maganda, matalino rin ito at magaling na businesswoman. Siya ang uri ng ganda na hindi na nangangailangan ng korona para patunayan iyon. Madalas itong ikumpara sa mga kilalang beauty queens sa Pilipinas, and they all pale in comparison with her.

Bukod sa pamamahala ng fashion line ng pamilya nito, ang Ricchi, ay nagmomodelo rin ito at isa sa mga pinaka-in-demand na endorser. Katunayan ay laman halos lahat ng billboard sa ka-Maynilaan ang mukha nito.

Maraming tao ang pinanganak na nasa kanila ang lahat, and Sheryn topped them all. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang insecure sa pisikal nilang anyo. When you look at her, all you see is perfection.

Beauty and brains, that's what she is. At dahil doon ay tinagurian itong "The Goddess".

Napa-ungol siya dahil sa frustration, hindi si Sheryn ang tipo niyang babae. Simple lang ang gusto niya, iyong walang luho at arte sa katawan. Iyong kayang pakibagayan ang magulo niyang mundo.

And Sheryn were none of those things. She's permissive, maarte, sosyal at high-maintenance. Malayong-malayo sa tipo niya, yet hindi niya maintindihan ang atraksyon na nararamdaman niya para dito.

The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon