Two

527 12 0
                                    

Raven's POV

Napatingin siya sa wall clock ng marinig ang katok mula sa pinto. Bente minutos na ang nakalipas mula ng maka-alis si Krishna.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang limang bodyguards ni Krishna. Lihim siyang napailing dahil naaawa siya sa mga ito, having Krishna as a boss is a real pain in the ass.

"Kung ang alaga niyo ang hinahanap niyo, kanina pa siya naka-alis," sabi niya at ininguso ang bukas na bintana.

"Bente minutos na ang nakalipas," dugtong pa niya at tinungo ang personal ref at kumuha ng canned beer.

"Bakit hindi niyo pinigilan, Sir Raven?" tanong ng isa.

Pagak siyang natawa at binuksan ang beer, "Ang alam ko, isa akong artist at hindi isang bodyguard. Hindi ko trabahong bantayan si Krish," sarkastikong wika niya at tumungga sa hawak na beer.

"I can't believe, Tito Lawrence is paying a good sum of money to a bunch of losers like you guys. Simpleng pagbabantay sa alaga niyo ay hindi niyo pa magawa ng maayos, nag-aaksaya lang si Tito ng pera sa inyo," dugtong pa niya at padarag na naupo.

Na-amuse siya sa nakitang pagpipigil sa mga mukha ng mga ito. They do possess a lot of self-control. Dahil kung siya yun ay kanina pa umigkas ang kamao niya.

"May kailangan pa ba kayo? I want my privacy," pagtataboy niya sa mga ito.

Sheryn's POV

Nang matapos ang seremonyas ay isa-isa ng nagsialisan ang ibang nagsidalo sa libing. Ang mga maiiwan lang naman ay ang mga abogado ng namayapa at ang mga major stockholder ng Pentagon Plaza.

"You're staying, right?" narinig niyang tanong ni Mynard.

Tiningala niya ito,"Of course. Gusto kong marinig ang laman ng last will ni Tito Benedict," she answered.

Ngumiti ito at luminga, "Where's Tito Carlos?" tanong nito.

Ang tinutukoy nito ay ang daddy niya. "Baka nasa loob na..."

Tumango ito, "Tara na, the show's about to start..." nakangiting wika nito at iginiya na siya papasok sa marangyang Madrigal Mansion.

Kahit ilang beses na siyang nakapasok doon ay namamangha pa rin siya. The mansion exudes classical elegance hindi katulad ng ilang mansyon na makabago ang disenyo. Lahat ng kagamitan at muwebles doon ay antigo na at hindi biro ang halaga.

Nang pumasok sila sa library ay naroon na ang daddy niya kausap ang isa pang major stockholder na si Lawrence La Pierre.

Lima ang major stockholder ng Pentagon; Ang Madrigal, Villa Riyale, Montecarlo, Fitzgerald at La Pierre.

Much to her surprise, iginiya siya ng nobyo patungo sa nakatalikod na si Russel. She rolled her eyes, tiyak na magsisimula na naman ang patutsadahan ng dalawa. Lumingon ito ng tawagin ni Mynard.

"Mynard..." tugon nito sa nagyeyelong tinig.

"We didn't have the chance to talk before the ceremony started..." sabi ni Mynard.

Pero tila wala sa nobyo ang atensyon nito, nakatingin ito sa kanya. Ibinigay nito ang hawak na kopita sa katabing bodyguard at inilahad ang palad sa harap niya.
Napangiti siya at tinanggap iyon, he bowed his head and kissed the back of her palm bago nito muling bitiwan.

"It's nice to see you, Sheryn..."

Ngumiti siya, "It's nice to see you too, Russel..." malambing na tugon niya.

"Still beautiful as ever..." puri nito sa kanya.

Mahina siyang napatawa, "Thanks for the compliment. You look good yourself..."

Tumango lamang ito at muling nilingon si Mynard, "You arrived late." tugon nito sa sinabi ng nobyo kanina.

Nagkibit-balikat lang si Mynard at ngumiti. "And you're punctual as ever," pabirong wika nito.

"Well, ayoko lang ng nagpapaka-importante..." malamig na tugon ni Russel.

Lihim siyang napailing, laging ganoon ang dalawa. Walang gustong magpatalo. Idinadaan ni Mynard ang lahat sa ngiti at biro, while Russel is his usual unaffected self. Walang pikon, walang talo.

Natigil lang ang dalawa ng pumasok na ang mga abogado ni Don Benedict na pinangungunahan ni Atty. Mercado.

"Finally..." bulong niya.

Tulad ng sinabi ni Mynard kanina, the show's about to start.

****

Nang maka-upo sila ay nilingon niya si Mynard. She smiled to herself, Mynard is nearly perfection. Hindi ba at maraming naninibugho sa kanya?

Beauty, wealth and Mynard, nasa kanya lang naman lahat ng iyon.

Tinitigan niya ang nakangiting mukha nito at napa-isip. Kahit minsan ay hindi nawawala ang ngiti nito, malagay man ito sa kahit na anong sitwasyon. At hindi lang iyon basta ngiti, it was a very disarming smile. Yung tipong di mo kayang tanggihan at talaga namang matutunaw lahat ng buto mo sa katawan.

Ilang babae na ba ang nahulog at nabigo sa mga ngiting iyon?

Napailing siya, hindi na mabilang. That's why the press tagged him as "The Smiling Prince".

Idinako naman niya ang pansin kay Russel na nakaupo sa harap nila. Tulad ni Mynard, he's so devastatingly handsome. Equally rich and popular as well. At sa totoo lang, mahirap mamili sa pagitan ng dalawa.

But unlike Mynard's happy-go-lucky attitude, Russel is the cold type. Hindi marunong ngumiti si Russel, laging blanko ang mukha at di mo kakikitaan ng anumang ekspresyon. Perfect poker face sabi ng press na sinasang-ayunan ng lahat.

Parang may malaking pader ng yelo ang nakapaligid dito na walang kahit na sino ang maka-penetrate. The press calls him, "The Ice Prince", and it befits him.

Ipinilig niya ang ulo, may pagkakapareho pa ang dalawa. Both are good with woman sa sarili nilang paraan. Parehong hinahabol-habol, and of course both are shrewd businessman. Sa mga batang edad ay mga multi-millionnaires na.

Sa isiping iyon ay bahagyang tumaas ang kilay niya, dahil ang dalawang ito ay mortal na magkatunggali sa lahat ng bagay. Palaging may silent competition sa pagitan ng dalawa, walang gustong magpatalo at magpa-ungos. May rason man sa likod nun ay wala siyang alam. Nakakapukaw ng interes, pero hindi na niya gustong malaman.

Pero, isang bagay lang ang natitiyak niya, iisa lang ang rason ng dalawa sa pagpunta sa libing ni Don Benedict. Isang bagay na matagal na nilang pinagplanuhan. At iyon ay ang makuha ang naiwang yaman at ari-arian ng yumaong Don Benedict Madrigal.

Ang laban na matagal ng inumpisahan ay matutuldukan na sa araw na iyon. Dahil kung sino man ang manalo sa dalawa ngayon, ay tiyak na mauungusan na ang isa.

A smile played on her lips, sino nga kaya ang magwawagi sa dalawa?

****

Nahinto lamang ang pag-iisip niya ng tumikhim ang abogado at binuklat ang folder sa harap nito.

"Nandito tayong lahat ngayon upang maging saksi sa pagbabasa ng nilalaman ng last will and testament ni Don Benedict Madrigal..." paumpisa nito at inayos ang suot na salamin.

"Ngunit bago ang lahat, nais kong iparating sa inyo na si Don Benedict Madrigal ay may anak".

Marahan siyang napasinghap at tinitigan si Mynard at Russel. Si Mynard ay lalong lumawig ang ngiti, habang si Russel ay blanko pa rin ang ekspresyon.

"Anak? Sa pagkakaalam ng lahat ay wala ng natitirang kamag-anak si Don Benedict!" gulat na wika ng daddy niya.

Tumango ang abogado, "Tama, pero apat na buwan na ang nakalilipas ay napagpasyahan niyang mag-ampon. Sa ngayon ay meron siyang adopted daughter..." paliwanag nito.

Hindi pa gaanong nakakabawi ang lahat sa deklarasyon na iyon ng muling bumukas ang pinto at sumungaw si Alfonse, ang matandang katiwala ng namayapa.

"Atty. Mercado, kasama ko na po siya."

Napatango ang abogado, "Let her in" utos nito.



The Goddess and The Pauper PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon