Chapter 25 (The ball part 2 xx)

577 16 4
                                    

Her star xx

-

Monik's POV

Kasalukuyan pa akong nasa bahay habang may ginagawa, anong oras na rin at late na ako sa senior's ball, kailangan ko pa kasing tapusin ito.

Maya maya pa ay may tumawag na sa akin, matatapos ko na rin naman ang ginagawa ko.

"Monik! Your partner is here!" sigaw ng kambal ko, madalang na lang kaming nag-uusap ng kambal ko dahil sa nangyari. Kumbaga sa isang linggo, dalawa o tatlong beses na lang kami kung mag-usap at hindi na rin niya ako inaayang gumala, magpunta sa bar at mag-shopping. Ganyan kalala ang naidulot ng pag-ibig na yan sa amin na kambal.

"I'm coming!" sigaw ko tapos inayos na ang sarili ko. Teka, bakit hindi pa umaalis ang kambal ko? Kaninang 7pm pa nagsimula ang ball, at 8pm na! natapos ko na ang ginagawa ko saka inayos ito sa pouch ko, tumingin muna ako saglit sa salamin. Presentable naman na ako tingnan kaya lumabas na ako at nakita ang kambal kong walang reaksiyon ang mukha. Bakit hindi pa siya nakabihis?

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong ko pero umirap lang siya na halata mo namang nairita sa tanong ko.

"I'm not going, idiot." Sagot niya tsaka nagpunta na sa kwarto niya. Bakit hindi siya pupunta?

Sinuot ko na ang maskara ko tsaka bumaba, nakita ko namang naghihintay ang partner ko na nakasamaskara na rin, nakita ko naman sila Mommy and Daddy ko na nakangiti sa akin.

The best Mom and Dad for me, they accepted me for who I am. Tanggap nila na mas gusto ko ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Hindi ko alam kung alam na ba nila na iisa lang ang gusto namin ni Monica, hindi ko alam kung sinabi na ba ni Monica sa kanila ang tungkol doon dahil sa pagkakaalam nila Mom and Dad ay straight ang kambal ko which is absolutely not now. Everything has changed.

Bago kami umalis ng partner ko ay kinuhaan pa kami nila Mommy and Daddy ng litrato kasama ang partner ko, tinanong ko sila kung bakit ayaw ng kambal ko na pumunta pero nagkibit-balikat lang sila. Matapos kaming kuhanan ng mga litrato nila Mom ay umalis na rin kami. Bago paandarin ng partner ko ang sasakyan niya ay tumingin pa muna ako sa bintana ng kambal ko, nakita ko siyang nakatanaw sa bintana niya at nagulat siya nang makita niyang nakatingin ako sa kanya kaya naman umiwas na lang ako ng tingin.

Nagpaalam muna sila Mom and Dad sa amin ganun din kami ng partner ko, tumingin pa muli ako sa bintana ng kwarto ng kambal ko pero nakasara na ito. Napatingin ako sa partner ko para sana sabihin na pumunta na kami pero medyo nagtaka ako dahil nakatingin din siya sa bintana ng kwarto ni Monica. Hindi ko na lamang pinansin yun at sinabi na sa kanya na pumunta na kami. Bakit kaya hindi pupunta ang kambal ko?

Parang kailan lang noong kasama ko ang kambal ko na pumasok sa Starstruck University, siya kasi ang dahilan kung bakit gusto ko ng lumipat ng school dahil mas okay daw and all-girls school kaysa sa normal na school kung saan may mga estudyante na mga babae at mga lalaki which is pinapasukan ko dati. Ayaw ko talaga dati sa mga all-girls na school kasi akala ko walang thrill ang buhay kung puro babae lamang ang makikita at makakasalamuha namin. Gusto ko kasing magkaroon ng crushes, kasi the last time na magkagusto ako sa isang lalaki ay bata pa lamang ako noon. I think I was 7 years old that time. Since I entered Starstruck University, everything really changed. Hindi ko akalain na magkakagusto ako sa isang babae pero nang dumating si Naomi sa buhay ko, ang daming nagbago. Sobrang dami ang nagbago katulad na lang ng pananaw ko sa pag-ibig, yung feelings ko, at ang malala ay yung closeness namin ng kambal ko.

"We're here." Napatingin ako sa partner ko tsaka tumango. Nandito na pala kami ni hindi ko man lang namalayan sa dami ng iniisip ko. Pinagbuksan ako ng partner ko ng pintuan na parang prinsesa.

The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now