Chapter 10 (Babe? xx)

1.6K 39 16
                                    

Baby xx

-

Allison's POV

Sobrang saya ko talaga kahapon dahil napigilan ko siyang umamin, pero paano kaya kung hindi ko siya napigilan? Haaays basta ang mahalaga napigilan ko siya at wala akong pinagsisisihan ngayon.

Medyo natuto na rin ako ng konti kung paano magpatugtog ng piano, sobrang galing niya palang magpatugtog ng piano. Natatakot na rin ako kasi habang tumatagal, nagiging malapit na kami sa isa't isa kaya mas lalo ko siyang minamahal.

"May himala ba Allison?! Kung kahapon sobrang tulala ka, ngayon naman para ka ng baliw dahil ngumingiti ka mag-isa." pambungad sa akin ni Aubrey nang makaupo ako sa upuan ko, ngumiti lang ako sa kanya. Kakarating ko lang kasi sa classroom pero hindi ko naman alam na nakangiti na pala ako. Ganon na lang ba talaga ang epekto niya sa akin?

Hindi ko kasamang pumasok ngayon si Nathalie dahil mas maaga siyang pumasok sa akin dahil magpa-praktis daw ulit sila sa scene nila ni Monik, kaya pala nandito si Aubrey. Last week puro rin sila praktis, pero mabuti na lang at wala silang praktis tuwing weekends.

"Excited na talaga ako sa play namin next week pero medyo kinakabahan din. 1st day of August talaga na ipe-play no?" sabi ni Aubrey na nakangiti.

"Oo nga eh, para naman daw warm na warm ang pag-welcome natin sa month ng August." sabi ko sabay natawa kaming dalawa.

Nasa quadrangle na kami para sa flag ceremony pero iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Nathalie.



Kailan kaya yung sinasabi niyang next time?

-

Ang bilis naman ata ng panahon? Biyernes na ngayon at sa pagkakatanda ko ay may date sila Naomi at Monik. So, hindi pa rin makakaamin si Nathalie kasi may ka-date naman si Naomi.

"Goodbye, class." yan na ata ang pinakamagandang sinabi ng teacher namin ngayon. Dali dali akong tumayo at nagpaalam na agad sa teacher namin.

Naglakad na ako pauwi sa condo at pagkarating ko ay sumalampak agad ako sa kama. Play na nila Nathalie sa lunes, kailangan ako dapat ang number 1 suppoter ni Nathalie.



AKO lang dapat.

-

Monica's POV

Ito na pala yung araw na magde-date sila Monik at Naomi. Kailangang may gawin akong interesting para naman hindi ako mabagot.

Hinihintay ko lang si Monik na lumabas nang biglang dumating si Naomi.

"Hi Captain, excited ka na ba sa date ninyo ni Monik?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." simple niyang sagot na ikinangiti ko tsh. Tingnan lang natin kung hindi maging exciting itong gagawin ko. Maglalaro ulit kami ng kakaibang laro.

"Okay." sabi ko at inirapan siya. Sakto naman na lumabas si Monik, kasama niya sila Nathalie at Aubrey.

"Hi my twin sister, Nathalie at Aubrey." pagbati ko sa kanila.

"Hello." sabi ni Nathalie ganon din ni Aubrey pero yung kapatid ko ay hindi ako pinansin at ngumiti siya sa nakakairitang si Naomi. Tsk.

"Mauuna na ako sa inyo. May pupuntahan kasi kami ng family ko ngayon eh." sabi ni Aubrey kaya naman nagpaalam na kaming apat sa kanya. Lagi naman siyang may pinupuntahan ng weekends, kasama lagi family niya. Nakita namin na sumakay siya sa isang van na may kumakaway na babae sa kanya. Kapatid niya siguro.

The Girls (Currently Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora