Chapter 17 (Shocking event xx)

1K 41 123
                                    

At the park xx

-

Naomi's POV

"Hoy! Manahimik ka nga muna diyan!" narinig kong sabi ni Monica sa isang lalaki na ikinakasal.

"Ano?" tanong ng lalaki dahil nasa parte na sila na magsasalita na siya ng 'I do'

"May tumatawag sa akin kaya manahimik ka muna." sabi niya sabay alis sa pwesto niya, ano ba namang klaseng pare ito?!

"What?!" sigaw ng babae na nakahalukipkip na pero hindi siya pinansin ni Monica bagkus ay sinagot na lang kung sinuman ang tumatawag sa kanya.

"Pasensya na kayo sa kambal ko." biglang nagpunta si Monik sa harap ng dalawa at siya na ang nagpanggap na pare.

Natapos ang wedding ceremony na inis na inis yung babae dahil sa ginawa ni Monica na pagpuputol sa wedding nila.

"I need to go, may problema si Tristan ngayon at kailangan niya ng kasama." bungad na sabi ni Monica sa amin.


"What?! Sasama ako." sabi ni Monik, sa tingin ko masyadong importante si Tristan sa kanila. Halata naman sa reaksyon nila eh.

"No need." sabi ni Monica na lumapit kay Monik tapos bumulong siya. Kitang kita ko sa reaksyon ng mukha ni Monik na nagulat ulit siya at tumango na lang. Ano kayang sinabi ni Monica sa kanya?

"Bye guys! I need to go." sabi ni Monica na nagpaalam na sa amin.

"What's wrong with Tristan?" tanong ni Nathalie na katabi ngayon si Aubrey sa couch.

"I don't know, hindi naman kasi sinabi sa akin ni Monica kung anong problema ni Tristan." sabi niya na halata mong malungkot siya.

"Siguro sasabihin din niya yon mamaya." sabi naman ni Allison na kumakain ng ice cream. Kanina pa nga siya kumakain eh.

"By the way, diba hindi na tayo ang magbabantay mamaya?" tanong ni Aubrey kaya tumango naman kaming lahat bilang sagot.

"So, saan punta natin ngayon?" tanong ko naman kasi halata mo naman sa mga mukha nila na gusto nilang gumala ngayon.

"Group date!" sagot ni Monik na nakatingin sa akin habang nakangiti ng malawak, bigla akong napatingin kay Nathalie na nakatingin kay Monik ngayon ng nakakunot noo. What was that for? Ayaw niya ba sa ideya ni Monik?

"Sure?" hindi siguradong sagot ni Allison na nakatingin naman ng seryoso kay Nathalie, okay? What's happening now?

"Okay! Let's go!" sabi ni Aubrey na hinila ang kamay ni Nathalie at Allison sabay punta sa harapan ko.

"Tara na Naomi! Come on Monik!" tawag niya sa amin ni Monik na nakalink ang braso sa braso ng dalawa.

-

"Shit!" biglang nagtago si Allison sa likod ni Aubrey, bakit kaya?

Napatingin ako sa tinitingnan niya at nagulat ako sa pagsulpot ni Sabrina sa harap ko.

"Hi guys! long time no see." sabi niya na seryosong seryoso ang mukha, ni hindi man lang ngumiti na bumati sa amin.

"Allison? Why are you hiding?" nagpunta si Sabrina sa likod ni Aubrey at hinila ang braso ni Allison.

"H-huh? I'm not hiding! I'm just –" naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Sabrina.

"Guys! I have something important to tell you." napatingin kaming lahat kay Sabrina at kitang kita mo na sobrang seryoso niya kaya naman hindi ko maitatagong nae-excite ako sa sasabihin niya.

The Girls (Currently Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang