Chapter 27 (Cyan xx)

768 25 14
                                    

Hindi ko na inedit, dedicated ito sa reader ko na nagcomment sa last chapter. Kasalanan niya kaya hindi ko na naedit. Joke! hahaha. Eto na yung next chapter, sana magustuhan mo. Thank you for reading. God bless.

-

Allison's POV

Napansin ko kaninang umaga pa na walang masyadong namamansin sa akin? Ano bang ginawa ko? Mabuti na lang pinansin ako ni Aubrey. Wait, speaking of Aubrey. Naalala ko kagabi, may nakilala pala ako - Oh shit! S-si first kiss! Si Cyan ang first kiss ko?

"Uhmm. A-aubrey? May nasabi ba yung h-half sister mo sa'yo k-kagabi?" out of the blue na tanong ko kay Aubrey.


"Kilala mo ang half sister ko?!" gulat na gulat niyang tanong, mabuti na lang talaga maaga akong pumasok at wala pang masyadong tao dito sa room. Napatingin ako sa paligid at halos nakatingin sila sa amin. Ang ingay naman kasi ni Aubrey.


"Pwedeng pakihinaan naman ng boses mo? Oo, kilala ko siya." Sabi ko sa kanya.


"K-kailan mo siya nakilala?" dami naman niyang tanong.


"Kahapon lang."


"Ohhh. So she was with you last night?"


"Yes. But I left her."


"Umm. Hindi kami masyadong close pero kagabi kasi ang saya niya, hindi ko alam kung bakit. Tapos niyakap pa niya ako, sinabihan pa niya ako ng 'I love you sis', hinalikan niya ako sa pisngi at nakakapagtaka dahil sinabi niya na aaraw-arawin na raw niya ang paghatid at sundo sa akin sa school kahit na malapit lang naman school ko sa bahay namin ay gusto niya pa rin akong sunduin at ihatid. Kagabi lang siya naging ganun sa akin." Mahabang sabi niya. Wala akong masabi.


"Ano ba kasing nangyari kagabi, Alli?" anong sasabihin ko ngayon? Tumingin ako kay Aubrey tsaka ngumiti. Hindi niya pa alam na bisexual ako, wala naman ata talaga siyang alam sa amin nila Monik dahil hindi naman siya masyadong nakakasama sa mga lakad namin at gulat na gulat din siya noon nang nagconfess sa akin si Sabrina. Anong sasabihin ko sa kanya?


"We went to the club, get drunk and then dance. Just chilling." Yun lang nasabi ko, wala na akong maisip tsaka kapag sinabi ko na hinalikan ako ng half sister niya baka hindi na niya ako pansinin o mandiri siya sa akin.


"That's it?" tanong niya kaya tumango ako bilang sagot. Mabuti na lang hindi sinabi ni Cyan sa kanya yung tungkol sa halik.


"Tutal kilala mo na ang half sister ko, ipapakilala ko na rin siya sa iba nating mga kaibigan mamayang lunch kasi pupunta siya rito sa achool para maglunch at isama ko raw iba kong mga kaibigan para makilala pa niya. Tamang-tama. So, isasama na natin sila Nathalie?" Sabi niya tsaka ngumiti. Ano? Makakasabay namin siya mamayang lunch at kasama sila Monik? awkward para sa'kin. Siya kaya ang first kiss ko!


"Uy Alli, ano na?" tanong niya kaya naman 'sure' na lang nasabi ko.


Ano ng gagawin ko ngayon? Kakausapin ko kaya sila Monik? Hindi naman nila ako pinansin kanina tapos kagabi nakatulog na ako kakahintay kay Nathalie. Pagkagising ko naman kanina ay hindi niya ako masyadong kinakausap. Tapos ngayon naman wala siya rito sa room pero nandoon na sa upuan niya yung bag niya.






Lunch came.



Kinakabahan ako habang hinihintay namin si Cyan sa harap ng gate. Ano ba itong pakiramdam na ito, nakakakaba.


The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now