Chapter 30 (N&A xx)

283 13 0
                                    

Sorry, sobrang tagal ng update. Sana may nagbabasa pa ng story ko. Salamat sa paghintay. Mwa!

-


Allison's POV

Parang kailan lang nang mag-umpisa ang klase namin, at ngayon malapit na kami grumaduate ng Highschool, magsisimula na kami ng college, ilang buwan na lang. Pero etong lintik na pagmamahal ko sa isang tao, 'di pa rin nagbabago. Halos 1 year na akong palihim na nagmamahal sa kanya, wala na ba talaga akong lakas ng loob na umamin sa kanya? Lagi ko siyang nakakasama, kasama ko pa sa condo. Ano na lang mangyayari kapag hindi pa ako nakaamin sa kanya pagkagraduate namin?


"Anong kukunin mong course pagkagraduate mo?" narinig kong tanong ni Monica kay Aubrey.

"Architecture." Maikling sagot niya.

"Okay yun, bigatin ka na nun pagkagraduate mo." At nagtawanan sila, ako hindi ko pa alam kukunin kong course.

Nag-uusap lang sila tungkol sa courses, tinanong na rin nila ako pero wala akong isinagot. Hindi ko pa alam ang kukunin ko, tsaka dalawa pinagpipilian ko.

Nandito kami ngayon lahat sa isang room, may tatlo na kama kasi dito na medyo malalaki kaya dito kami matutulog lahat.

"Dito sa isang kama, sinong gusto makatabi ako?" tanong ni Aubrey.

"Kami na lang ni Elizabeth."

"Kaming dalawa na ni Monik dito sa kabila at pati si Sabrina." Sabi naman ni Naomi kaya napatingin bahagya sa kanya si Monica, bakit kaya?

"Uh, Allison, pwedeng tabi na ta-" hindi natuloy ni Cyan ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Nathalie.

"Tabi na tayo." hinila ako bigla ni Nathalie kaya naman naiwang nakatayo si Cyan doon.

"Tatabi na rin ako sa inyong dalawa!" sabi ni Cyan saka siya humiga sa kama.

"Ako sa gitna." Dagdag niya pa.

"No." madiing sabi ni Nathalie.

"Bakit naman?" bumangon si Cyan sa pagkakahiga tsaka tumingin ng diretso sa mata ni Nathalie.

"Hindi tayo kasya tsaka magulong matulog si Allison." Hala! Grabe naman 'tong si Nathalie.

"I know, kasi katabi ko siya lagi sa kama." Pagpapatuloy niya pa. Kailangan pa bang ipangalandakan na magulo akong matulog?

"Hindi ko naman tinanong kung nakakatabi mo siya eh." sabi ni Cyan, oo nga naman! hindi naman tinanong ni Cyan eh. Hays.

"I just want to say it." Sabi niya tsaka ako hinila sa kama para maupo.

"Okay lang kung magulo si Allison, I won't bother."

"Ako na lang sa gitna, kaya kong ihandle si Allison."

"Ano-"

"Stop! If you want to sleep with us, sa gilid ka. Wala ng reklamo!" medyo malakas ang pagkakasabi ni Nathalie kaya naman natigilan na si Cyan.

Ang nangyari, si Nathalie nga ang nasa gitna ngayon at kaming dalawa ni Cyan sa gilid niya. Ang awkward dahil nakaharap sa akin si Nathalie, ang hirap matulog neto. Makakatulog pa kaya ako?

1am na, pero 'di pa rin ako makatulog samantalang si Nathalie ang himbing na ata ng tulog, nakayakap na rin sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakakainis! Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at kumuha ako ng jacket ko para lumabas na muna saglit, nagpunta ako sa pool side at naupo habang nakatingin sa langit. Ang lamig pero mabuti na lang nakapajama rin ako.

The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now