Chapter 19 (Let the best woman win xx)

843 39 27
                                    

The more you hate, the more you love xx

-

Monica's POV

Kailan kaya aamin si Monik kay Naomi? hindi pwede! ayaw ko siyang umamin. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag nangyari yon.

Kung bakit ba naman kasi bigla ko siyang nagustuhan, nakakairita talaga! ano ba kasing nangyari sa puso ko at nagustuhan ko ang kinaiinisan at pinakaayaw kong tao? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at sa kanya pa? At gusto pa talaga siya ng kambal ko?! Hays life!

"Kambal! suportahan mo ako ha? ngayon na kasi ako aamin kay Naomi. Wish me luck." sumulpot bigla si Monik sa kwarto ko at sinabi yon. Wait! ngayon? sabado ngayon ah? magkikita sila?

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya at dali dali akong nagpunta sa banyo. Bakit ngayon pa? nakakairita na talaga! pero anong gagawin ko?

-


Sinusundan ko pa rin si Monik kung saan siya pupunta, nagmumukha na tuloy akong stalker dito. Nagagawa talaga ng babaeng yon sa akin kakaiba! Nakakainis.


Nagpunta siya sa may park at umupo sa damuhan kaya naman nagtago ako sa isang puno na malapit na malapit sa kinauupuan niya. Nagtetxt siya sa phone niya at halata mo sa mukha niya na masaya siya.


Napatingin ako sa tinitingnan ni Monik, nakita ko naman si Naomi na papunta na sa kanya. Sinalubong siya ni Monik at nag-ngitian silang dalawa. Napalunok ako bigla at napaupo sa damuhan. Ano kayang mangyayari ngayon? kinakabahan na ako.

"Umupo muna tayo sa damuhan, masarap naman ang hangin ngayon eh, nakakarelax." sabi ni Monik kaya sumilip ulit ako sa kanila. Nakaupo silang parehas habang nakatingin sa langit na halata mong nilalanghap nila ang hangin, sabagay nakakarelax nga ang hangin ngayon. Hapon na rin kasi.


Ang tahimik... Bakit walang nagsasalita sa kanila?


"Naomi..." nabasag ang katahimikan nang biglang nagsalita si Monik. Aamin na kaya siya?

"Bakit?" tanong naman ni Naomi na nakatingin pa rin sa langit samantalang si Monik naman ay nakatingin sa kanya, nahuhumaling ng masyado ang kambal ko sa kanya and so am I.

"Ano... Kasi..."

"Sabihin mo na kung may gusto kang sabihin sa akin." sabi ni Naomi na ngayon ay nakatingin na kay Monik.

"A-ano-" hindi makatingin na sabi ni Monik. Sana huwag niyang masabi, sana huwag muna siyang umamin.

"Naomi, pakinggan mo lahat ng sasabihin ko dahil isang beses ko lang itong sasabihin sa'yo." lakas loob na sabi ni Monik.


Aamin na nga siya, anong gagawin ko? kailangang may gawin ako! Ayaw ko namang wala akong magawa eh pinili ko itong tahakin. Pinili ko ang mahirap na daan.

"May..." napatayo ako bigla nang magsimula ng magsalita si Monik.

Sorry Monik but I like Naomi and I want her too, like you do.

"May sasabihin sana ako sa'yong importante." naglakad na ako papunta sa kanila.

"Naomi, gus-" bago pa matapos ni Monik ang sasabihin niya ay sumigaw na ako.


"Naomi and Monik! Hiiiii!" I acted like I didn't hear anything. Napatingin silang pareho sa akin na nagtataka.

"Monica?" tanong ni Naomi, hindi ba halatang ako ito? haaays. Naomi, nakakairita ka talaga.

The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now