Chapter 15 (Foundation day xx)

919 40 25
                                    

Wedding booth xx

-

Allison's POV

Foundation daaaay na namin! at ito kami ngayon nagbabantay sa wedding booth, ang daming tao, at ang daming lalaki.

"Uy! Meron na namang magpapakasal! Isang bakla na naghunting ng isang lalaki!" sabi ni Elizabeth habang hawak yung gown na ikakabit mo lang doon sa bride tapos flower.


"Sige, pupunta na doon si Naomi para sa wedding ceremony." sabi ko naman, feel na feel ko naman na magbantay dito, tsaka hindi ko naman aakalain na magiging masaya ang pagbabantay dito.


Nakatingin lang ako sa dalawang lalaki, este – isang bakla at isang tunay na lalaki na kinakasal, feel na feel ng bakla, nakalink pa talaga ang braso niya doon sa lalaki at ngiting ngiti siya habang yung lalaki naman ay nakayuko lang. Nahihiya pa ata.


"I do." narinig kong sabi ng bakla. Grabe pa yung tili niya.



"I d-" hindi pa nasasabi ng lalaki na 'I do' ay hinalikan na siya ng bakla sa labi kaya nagulat talaga kaming lahat doon na nagbabantay, sinamahan kasi kami ng iba naming mga kaklase na magbantay para hindi hassle.


"Fuck!" sabi ng lalaki at pinunasan yung labi tsaka lumabas na, hinabol siya ng bakla at pinigilan pero tinulak lang siya ng lalaki.


"Heto na yung bayad, salamat sa booth na eto!" sabi niya at nagbayad sa akin tapos nagsulat doon ng quotation para idikit sa quotation board namin.


Bawat ikakasal kasi ay nagsusulat ng quotation sa isang sticky note at ilalagay sa quotation board, naisipan lang namin ito kasi nakakatuwa. Okay din naman yung mga sinusulat nila.


'Huwag mong ikahiya kung sino ka.' - yan yung sinulat ng bakla sa sticky note na nakalagay sa quotation board namin, halos mapuno na nga yung QB namin pero mabuti na lang at meron pang tatlo na extra doon sa kabilang side.


Umaga palang ang dami ng nagpapakasal kaya nababawi talaga namin yung perang nagastos namin sa booth na eto.


"Hiramin muna namin si Elizabeth ate ha?" bumulong sa akin ang isang sophomore na babae kaya tumango na lang ako.


Bigla nilang nilagyan ng sako yung mukha ni Elizabeth at ipinosas ang mga kamay niya tsaka umalis na sila habang dala si Elizabeth, ano kayang mangyayari kay Elizabeth?


"Hays! Nakakapagod din maging pare ah? Pang-lalaki talaga ang role ko no?" sabi ni Naomi habang nakaupo doon.


"Hayaan mo na, nag-eenjoy naman tayo eh." sabi ko at tumango naman siya tsaka natawa rin.


Madami na rin nagpapakasal kaya naman napapagod na kami ni Naomi sa kakaasikaso dahil dadalawa na lang kami dito ngayon dahil nagsialisan na yung iba.


"Hi guys!" saktong dumating ang tatlo naming classmate at sila muna ang nag-asikaso, nagpahinga na muna kami ni Naomi doon.


Habang umiinom ako ng softdrink ay may nag-blind fold sa akin at ipinosas ang kamay ko.


"Wait! Saan niyo ako dadalhin?! Wait! Pagod ako! Huwag ako ang pagtripan niyo!" pagpupumilit ko pero apat silang tao na kumakaladkad sa akin kaya naman hindi ako makawala.


Pinaupo nila ako at tinanggal na ang pagkakablind fold sa akin. Nakita ko ang isang lalaki na gwapo, maputi at bilog na bilog ang mga mata na mukhang amerikano. Nakaposas ang dalawa naming kamay at may nakahandang pagkain sa harap namin. Ano ito? Date? Lunch date?



The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now