Chapter 22 (Christmas xx)

842 29 24
                                    

Hi guys! advance merry christmas. I love you all.

-

Allison’s POV

“Hey! Merry Christmas! Regalo namin sa’yo oh.” ibinigay sa’kin ni Monik at Monica ang regalo nilang dalawa sa akin at ganun din naman ako. Christmas program na rin kasi namin ngayon at halos lahat sa’min ay nagbibigayan na ng regalo.

“Alli! Regalo ko oh, nasaan yung akin?” tanong ni Aubrey na binigay ang regalo niya sa’kin. At nagtataka pa ako dahil dalawa ito pero ang sabi niya lang ay secret.

“Pasensiya na Aubrey! Wala eh.” pagbibiro ko sa kanya kaya naman sumama bigla ang tingin niya sa akin. Nakakainis kasi siya hindi niya pa sabihin kung bakit dalawa binigay niya sa akin na regalo.

“Ang daya mo naman! Amin na nga yang regalo ko sa’yo.” sabi niya na kinukuha yung regalo niya sa akin pero ayaw kong ibigay.

“Sa tingin mo ba hindi kita bibigyan ng regalo eh ikaw ang unang babae na naging kaibigan ko sa school na ito.” sabi ko na binigay na ang regalo ko sa kanya kaya naman kinuha niya ito, nagbeso beso na lang kami dahil madami kaming dala na regalo.

“Merry Christmas Alli! Mamimiss kita.” sabi niya sa’kin kaya naman napangiti ako.

“Merry Christmas din Aubrey! Salamat sa dalawang regalo kahit hindi ko alam kung kanino itong isa.” sabi ko na ikinangiti naman niya.

“Merry Christmas Allison.” may nangalabit sa’kin at nakita ko si Naomi na inaabot sa akin yung regalo niya kaya binigay ko rin yung regalo ko sa kanya at binate din siya ng “Merry Christmas”.

Isa na lang ang hinihintay ko, kahit wala na siyang regalo sa akin ayos lang yun basta batiin niya ako kahit hindi pa naman talaga pasko.

May nangalabit sa akin kaya naman mabilis akong lumingon, baka kasi si Nathalie na ito… kaso nabigo ako.

“Merry Christmas Allison, sana maging masaya ang pasko mo.” sabi niya sa akin na ikinangiti ko naman kahit papaano, ibinigay niya yung regalo niya sa’kin at ngumiti sa kanya.

“Merry Christmas din Sabrina, maging masaya din sana ang iyong pasko.” sabi ko sa kanya, ibinigay ko na rin ang regalo ko sa kanya at ngumiti naman siya.

“Akala ko hindi mo na ako bibigyan ng regalo.” sabi niya kaya naman napangiti ako, kahit papaano naman ay isa siya sa mga naging kaibigan ko dito sa school.

“Akala mo lang yun, hahaha! Isa ka pa din naman sa naging kaibigan ko dito.” sabi ko, nahalata kong napangiti siya ng malumanay.

“Kaibigan na nga lang talaga.” sabi niya na ngumiti na talaga ng totoong ngiti.

“Sige, pupunta na ako sa room namin.” sabi niya kaya nagpaalam na rin ako sa kanya.

Nasaan na kaya si Nathalie? Hindi ko siya makita sa dami ng tao na nakapaligid sa room.


Nakauwi na kami’t lahat hindi ko pa rin nakikita si Nathalie, nasaan na ba siya?

Nakaupo lang ako dito sa sala habang hinihintay ang pagdating niya.

Narinig kong nagbukas yung pintuan kaya mabilis akong napatingin doon.

“Saan ka nagpunta?” pagkapasok palang ni Nathalie sa condo ay tinanong ko agad siya.

“Sa school.” sagot niya kaya napakunot noo ako, eh bakit hindi ko siya nakita?

“Ah, okay.” sabi ko, nandoon sa kama niya yung regalo ko sa kanya para kunin niya na lang kapag nagpunta siya doon.

The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now