Chapter 31 (Cyan's POV)

352 17 6
                                    

Ayan na ha? magkasunod na update na yan, pambawi ko lang sa matagal ninyong paghihintay, kung meron man naghihintay. Hahaha! thank you for reading. Enjoy. Mwa!

-



Cyan's POV


Kung sana mas nauna ako, kung sana mas inagahan ko ang pagpapakilala ko sa kanya, kung sana hindi ako nahiya nang makita ko siyang kasama ni Aubrey sa entrance ng school nila, kung sana bumaba ako sa kotse dati at nakipag-kilala na sa kanya, kung sana sa kaka-stalk ko sa kanya kapag hinahatid-sundo namin si Aubrey ay nakipag-close na agad ako sa kanya, kung sana dati pa na naglakas ng loob na ako edi sana hindi pa siguro huli ang lahat. Pero hindi pa naman ata huli ang lahat diba?

Matagal ko na siyang nakikita. Ang mga ngiti at tawa niyang nakakahawa, at alam ko na rin dati pa na may gusto siya sa isang babae, nasasaktan ako that time kaya takang taka ako sa sarili ko kung bakit, and I think that was the beginning of my feelings for her, my love for her.

Wala nga talagang pinipili ang panahon kung kailan mo mamahalin ang isang tao at wala rin pinipili ang puso kung sinong mamahalin nito. Hindi ko nga inaasahan na magmamahal ako ng kapwa ko babae, hindi ko rin inakala na ganito pala ako magmahal, na kahit hindi niya ako kilala, willing kong ilaan ang oras at panahon ko sa kanya kahit ma-late pa ako sa school, kahit may gusto siyang iba, minamahal ko pa rin siya. Siguro kaya nabuo ang one-sided love para patatagin ka lalo, para maging aware ka sa pagmamahal na kaya mong ibigay sa isang tao kahit walang kapalit at kung hanggang kailan kayang mapagod at magsawa ng puso mo.

Ang dami ko ng pinalagpas na tao para sa kanya, at ang dami ko rin sinayang na pagkakataon na kilalanin siya. Kasalanan ko rin naman ito dahil naging duwag ako, naging torpe ako kaya wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko, naiinis ako.

"Hoy Cyan! Pinapakinggan mo ba 'ko?" pucha! Nanggugulat naman itong president namin na ito! Oo, president namin na ubod ng talino, sipag at may responsibilidad ang kaso lang suplada na masungit pa.

"Oo, nakikinig ako!" kahit hindi, lutang ako. Madami akong iniisip kaya huwag niya muna akong guluhin.

"Oh ayan! Ipasa mo lahat yan sa adviser natin." Oo, vice president ako. Ganyan naman lagi ang eksena, ako lagi ang inuutusan niya, pwede naman kasi na ibang officer na lang, tsk. Medyo nakakabanas na nga rin eh.

"Fine." Sagot ko tsaka nagpunta na sa faculty room para ipasa yung mga test papers namin. Yes, tapos na final exam namin. In just 5 days gagraduate na kami. Hindi ko alam kung excited ba akong magpunta ng college o hindi kasi feeling ko hindi ko na makikita ulit si Allison.



-



Nasa kotse ako ngayon habang hinihintay si Aubrey na lumabas, sana kasama niya ngayon si Allison. Anyway, ako si Cyan Hyacinth Knapp, but Cyan for short. Mas matanda sa akin si Aubrey ng limang buwan pero hindi ko na siya kailangan na tawagin na ate. We're half sisters, tanggap both sides kaya walang problema. Masakit, syempre pero kailangan na lang tanggapin. Siguro ganito na talaga kapalaran namin. Ang mabuti, nagkakasundo kaming dalawa. Only child parehas, mabuti na nga lang makulit siya tulad ko at mabait. Ehem, oo, mabait ako.



Iniwan kasi ng mama niya ang papa niya at nakipagtanan sa isang lesbian, hindi naman namin masisisi ang kanyang ina, nagmahal lang siya. Pero napakasakit sa parte niya yun, strong siyang tao. Naiwan siya sa papa niya at doon namin nalaman na may something na pala sa ama at ina namin, ang papa ko namatay na ilang taon palang ako. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat at kung kailan nag-umpisa lahat, pero tinanggap na lang namin parehas, kasi wala na rin naman kaming magagawa kundi tanggapin na lang. Nagkasundo naman kami agad ni Aubrey kaya wala silang naging problema sa aming dalawa.


The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now