Chapter 26 (The other Knapp xx)

483 16 4
                                    

Realization xx

-

Allison's POV

"But..." I paused.






"... I love you, Nathalie. Do you love me, too?" I asked and look at her eyes, my heart is beating fast.

I look at her lips when she's about to say something but...










"Ms.Loveless!" wth?! It is only a dream?!

Nandoon na sa part na sasagutin na ni Nathalie yung tanong ko eh, sino ba itong panira ng panaginip ko? Tumingala ako para tingnan kung sino itong taong nambulabog sa maganda kong panaginip.

Pagkatingala ko, napanganga na lamang ako sa nakita ko. Ang adviser namin! shit.

"Good morning, Ms. Loveless." Nakangiting sabi ni ma'am habang nakakatakot na nakatingin sa akin, ngayon ko lang siya nakitang ganito. What did I do?!

"H-hello ma'am." Nanginginig kong bati. Ba't ba kasi ako nakatulog! Paano ba naman napuyat ako dahil sa ball. Hindi pa kami umuwi ni Nathalie kaninang madaling araw, nandoon lang kami sa damuhan habang nakahiga. Hanggang 2am ata kami doon, so 2 hours din pala. Tapos hindi pa ako nakatulog dahil ang dami dami kong iniisip.

"Did you hear me Ms. Loveless?" h-huh? Anong sinabi ni ma'am? Hindi ko narinig!

"Y-yes, ma'am." Sabi ko kahit hindi ko naman talaga narinig.

"What are you waiting for? Get out, now." Kalma niyang sabi pero kahit malumanay lang pagkakasabi niya ay halata naman sa itsura niya na galit siya kaya naman umalis na lang ako sa room at nagpunta rito sa canteen. May dalaw ata si ma'am ngayon kaya masungit o baka naman may boyfriend na siya tapos nag-away sila kaya badtrip siya ngayon. Ay ewan! Kakain na nga lang ako, mas ayos na rin na napalabas ako para may time ako para mapag-isa at makapag-isip ng mga bagay-bagay.

Pagkakuha ko ng inorder kong pagkain ay nagpunta ako sa likod ng HS building, ngayon ko lang napansin na mas lalong gumanda rito. Mas dumami ang mga bulaklak na nagpaganda sa paningin ng mga estudyante.

Humiga ako sa dati kong pwesto, naalala ko yung panaginip ko. Ano kayang isasagot ni Nathalie? Sayang! Wrong timing naman kasi yung paggising ni ma'am sa akin. Pero ikakasaya o ikakalungkot ko kaya yung sagot ni Nathalie kung sakali? Mas okay na rin ata na hindi niya muna sinagot, baka kasi pati sa panaginip ay masaktan pa rin ako.

Ngayon ko lang din narealized na fit talaga sa akin yung apelyido ko which is loveless, hindi mahal ng taong mahal niya. Tsh.

"Hays! Puro na lang si Nathalie naiisip ko! Kahit ngayong araw lang na ito, pwede bang huwag mo muna siyang isipin ha, utak? At ikaw naman puso, kalimutan mo munang mahal mo siya okay? Gusto kong magsaya ngayon!" tumayo na ako sa pagkakahiga at nagpunta sa room, breaktime na rin naman kaya naman mabilis akong umalis pagkatapos kong kunin ang bag ko. Mabuti na lang at wala pang tao sa room at meron kaming daanan sa likod ng HS building na shortcut para makatakas sa school, wala rin namang CCTV dito sa parteng ito kaya walang makakakita sa akin.

Pagkalabas ko sa school ay dali dali akong pumunta sa mall.

"Ngayon, saan na ako pupunta? Ang boring pala kapag mag-isa lang na pumunta rito." Sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa isang bakanteng upuan dito.

"Kakain na lang ako!" sabi ko at nagpunta sa McDo at nag-order ng Ala king, pagkaorder ko ay umupo muna ako upang hintayin yung pagkain ko.

The Girls (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon