Chapter 9 (The confession xx)

1.4K 42 11
                                    

Her promise xx

-

Naomi's POV

Naiirita talaga ako! Hindi ko alam kung bakit lagi akong inaasar ni Monica, kung bakit ang init lagi ng dugo niya sa akin, wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero sa tingin ko ang saya saya niya kapag inaasar o iniinis niya ako.

"Next week na ang play namin, manonood ka ba?" tanong ni Nathalie sa akin kaya tumango na lang ako.

"Why? Is there something wrong?" pati si Nathalie nadadamay sa pagkainis ko sa Monica na yun eh.

"Nothing." sabi ko na lang at ngumiti sa kanya.

Uwian na ngayon at sabay sabay kaming tatlo nila Nathalie na naglalakad pauwi nang bigla na lang nakisabay yung kambal. Bigla akong hinila ni Monica at bumulong sa akin.

"Huwag mo siyang hahayaang mahulog sa'yo... kung hindi mo rin pala siya kayang saluhin." nagulat ako sa binulong niya kaya napatingin talaga ako sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?!" napasigaw na ako kaya naman napatingin silang lahat sa akin. Ngumiti lang ng nakakairita na ngiti si Monica at nauna ng maglakad.

"Anong nangyari?" tanong ni Monik sa akin na halata mong nag-aalala talaga.

"W-wala, mauuna na ako. Masama kasi yung pakiramdam ko eh." sabi ko at tumakbo na, nauna na ako sa condo.

Nang makarating ako sa room ko ay bigla akong sumalampak sa kama at tiningnan yung picture niya sa phone ko.

"Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas na loob na sabihin sa'yo itong nararamdaman ko?" kinakausap ko yung picture ni Nathalie na parang sasagot naman ito.

-

Allison's POV

Ang weird ni Naomi kanina, ano kayang binulong ni Monica sa kanya at ganon na lang ang reaksyon niya?

"Allison, I will confess to Naomi." sa sobrang gulat ko sa sinabi ni Nathalie ay hindi ako nakasagot, natulala lang ako habang nakatingin sa kanya. Bakit ganito? sakit ang nararamdaman ng puso ko. Ni hindi pa nga siya umaamin kay Naomi pero nasasaktan na ako, paano pa kapag umamin na talaga siya?

"W-when?" nauutal kong tanong habang nakatingin sa kanya.

"Tomorrow." Bakit niya ito sinasabi sa akin? Bukas?! Hindi pwede! Ayaw ko! Anong gagawin ko?

-


Kinabukasan...



Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas ng tibok nito, parang sasabog na ng wala sa oras.

Nakapagdesisyon na talaga si Nathalie kagabi na aamin na siya kay Naomi, nakapagplano na rin siya pero hindi ako papayag. May gusto rin si Naomi kay Nathalie kaya posibleng maging sila. Ayaw kong mangyari yon. Alam kong masasaktan lang ako.

Mismong uwian siya magco-confess sa kanya, anong gagawin ko?

"Ang tahimik mo ngayon ah?" nagulat ako ng tanungin ako ni Aubrey kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Tumayo ka na diyan, lunch break na. Sa sobrang tahimik mo ni hindi mo na namalayan na lunch break na pala." sabi niya sa akin kaya naman tumayo na ako. 12nn na pala? Ang bilis naman ata ng oras? Hindi pwede! Sana bumagal muna ang oras! Sana huwag munang mag-uwian.

The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now