Chapter 2 (The game xx)

3.1K 56 9
                                    

Her heartbeats xx


-------


Allison's POV



Napatingin ako kay Nathalie na nakayuko habang kumakain.



"Why?" nagulat ako dahil biglang nagsalita si Nathalie, napatingin ako sa bago naming dalawang kaibigan at nakita kong nakatingin sila sa kanya. Anong meron?



"Nothing, you're gorgeous." direktang sabi ni Sabrina, so si Nathalie lang ba maganda, paano naman ako?



"Thank you, you too." paulit-ulit na lang sagot ni Nathalie.



"Mind if I get your number?" agad-agad?



"Why?" tanong ni Nathalie.



"Uhmm, I just want to get your number. To know you more?" sagot ni Sabrina.


"Okay." tumango naman siya at binigay naman ni Nathalie yung number niya. Close na sila agad?



"Thank you. By the way, I like to be your friend." sabi ni Sabrina na nakatingin lang kay Nathalie.



"Sure." simpleng sagot ni Nathalie, para lang tuloy akong invisible.



"Me too! I like to be your friend!" sabi naman ni Aubrey na nakisingit na. Sa kanya lang nila gusto makipagkaibigan?



"Okay." sabi niya ulit, hangin lang talaga ako rito. Ako yung kasama niya sa condo kaso hindi pa kami friends.



"What about me?" out of nowhere kong tanong kay Nathalie habang nakatingin sa mga mata niya.



"We're already friends." friends na pala kami? parang hindi naman o sadyang tahimik lang siguro talaga siya.



"Thank you!" sabi ko na ngumiti sa kanya at ipinagpatuloy na namin ang kumain, nakikain na rin sa table amin si Sabrina at nagkwentuhan sila ni Aubrey. Palakaibigan pala ang mga estudyante dito kaya nakakatuwa.



May biglang pumasok na grupo ng tatlong magagandang babae kaya halos napatingin sa kanila, nakita ko rin na napatingin sa kanila si Nathalie na parang walang pakialam sa mundo. Ganito ba talaga kapag laking ibang bansa? So quiet and weird.



Nag-order yung tatlo sa isang waiter, nakaupo sila sa pinakagitna which is katabi lang namin. Dito kasi sa campus canteen namin ay may mga taga-kuha na ng order kasi parang restaurant na rin dito, sosyalin talaga eh.



Napatingin yung isa sa direksyon namin at nakita kong tumingin siya kay Nathalie tsaka ngumiti, pati na rin sa akin at sa dalawa naming kasama. Pagkatapos niya ngumiti sa amin ay nakipag-usap na ulit siya sa mga kasama niya. Ang ganda ng mga ngiti niya, siguro kung lalaki lang ako ay nahumaling na ako sa kanya kaso babae ako kaya hindi ako mahuhumaling sa kanya.


"Let's go?" sabi ni Sabrina sa aming tatlo kaya nagsitayuan na kami dahil tapos na kaming kumain. Magkatabi kami ni Aubrey at si Nathalie naman ay katabi si Sabrina, nauuna silang maglakad sa aming dalawa.


"Ikaw ang cute cute mo! Crush kita!" biglang kinurot ni Aubrey yung pisngi ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"Crush?" tanong ko at tumango naman siya. Anong sinasabi niyang crush eh parehas kaya kaming babae?



"Oo, hinahangaan ko yang kagandahan mo!"



"Uh? Lahat hinahangaan mo?" tanong ko pero umiling lang siya.



The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now