Chapter 6 (Truth or dare? xx)

1.8K 49 4
                                    

The dare xx

-------

Allison's POV

Nasa condo na ako pero hindi pa rin ako mapakali. Bakit ganon? Close ba sila Nathalie at Naomi? May something ba sa kanila? Ahhh! Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Nang nakita ko kanina si Naomi na hinawakan yung gilid ng labi ni Nathalie ay bigla akong nakaramdam ng selos. Ngayon ko lang ito naramdaman sa totoo lang.

"Hey, let's eat." natauhan naman ako bigla dahil narinig ko yung boses ni Nathalie.

"Okay." sabi ko at pumunta na sa kusina, magkatabi kami ngayon ni Nathalie at kaharap ko naman si lola.

Nagsimula na kaming kumain.

"Masarap ba?" tanong ni lola kaya tumango ako, nakita ko rin naman na tumango si Nathalie.

Natapos na kaming kumain na walang masyadong napag-usapan, pagkatapos ko magbanlaw ay nahiga na agad ako.

"Matutulog ka na?" tanong ni Nathalie pero umiling lang ako.

"I want to ask you something." sabi niya na dumapa sa kama kaya naman tumagilid ako para tingnan siya.

"What?" tanong ko kaya tumingin siya sa akin, bigla tuloy tumibok ng mabilis itong puso ko.

"Nagkagusto ka na ba sa isang babae?" nagulat ako sa tanong niya.

"Hindi pa no! hindi ako tibo!" sabi ko naman pero sa totoo lang nagkagusto na ako sa babae at siya yun.

"Oh? I see, pero nagkagusto ka na sa babae at the same time lalaki?" huh? Ano ba naman yan.

"Oo." sagot ko na lang kaya napatango siya.

"Ikaw?" tanong ko.

"Yes?" Hindi niya siguradong sagot, gusto ko sana siyang tanungin kung sino yung gusto niyang babae kaso nahihiya naman ako.

"Sino yung nagugustuhan mong babae?" goosebump! Anong sasabihin ko? Alangan naman na sabihin kong siya?!

"Ha? Artista!" pagpapalusot ko pero wala naman talaga akong nagugustuhan na artista eh, nagagandahan lang oo.

"Uh... Okay." sabi naman niya.

"Then I think I'm bisexual." bisexual? Edi bisexual din pala ako?

"Haaay." pagbubuntong hininga niya at umayos ng higa, tumalikod siya sa akin kaya nakita ko ang likod niya (malamang!), ang sexy niya talaga kahit nakatalikod, naka-sando at short lang siya ngayon samantalang ako naka-pajamas.

Bigla siyang tumingin sa akin kaya nagulat ako at napaiwas ng tingin sa kanya.

"Why? Hindi ka makatulog?" tanong niya kaya tumango naman ako.

"Come here." sabi niya kaya lumapit naman ako sa kanya.

Hinawakan niya yung ulo ko at hinaplos haplos ito tsaka kumanta pa siya. Hay, bakit ang sweet niya? tumitibok na naman tuloy itong puso ko ng mabilis.

Effective! Inaantok na ako.

-



"Hi Nathalie and Allison!" salubong sa amin ni Naomi na nakangiti, kararating lang namin ni Nathalie sa school.

"Hello." bati naman ni Nathalie.

"Hello naman!" sabi ko naman na nakangiti lang kay Naomi.

The Girls (Currently Editing)Where stories live. Discover now