Chapter 20 (N and M xx)

810 36 35
                                    

Tears xx

-

Naomi's POV

Dalawa ang nagkakagusto sa akin pero yung nag-iisa kong mahal hindi ako gusto.

'Ano bang sinasabi mong hindi ka niya gusto? bakit? umamin ka na ba?' biglang sumagi ang tanong na ito sa isip ko.

Oo nga naman, paano ko malalaman na gusto niya rin ako kung hindi pa naman ako umaamin? pero... ano bang gagawin ko? Inuunahan ako ng takot at kaba na umamin sa kanya.


Biglang tumunog yung cell phone ko kaya naman tiningnan ko ito, tumatawag si Monik kaya naman sinagot ko.

"Hi Monik." I said in a low voice

"H-hello Naomi, we're here." sabi niya na halatang nanginginig pa.

"Okay." sagot ko at pinatay na agad yung tawag.

Pagdating ko sa mall ay nakita ko silang nakatayo sa entrance.

"Hi Naomi!" biglang hinawakan ni Monica ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"What are you doing Monica?" I asked.

"Nothing." sagot niya na nakangiti lang doon na parang wala lang sa kanya kung magkahawak ang kamay namin.

"Tara?" sabi ni Allison na kasama si Monik.

"Okay." sagot naman ni Nathalie na nauna ng naglakad.

"Ano, Naomi?" biglang tumigil sa paglalakad si Monik kaya naman napatigil din kami.

"Bakit?" tanong ko na tumingin kay Monik.

"Ah e, wala ha-ha." sabi niya na ipinagpatuloy na ulit ang paglalakad tsaka hinawakan ang kamay ni Allison, nagpatuloy na rin kami sa paglalakad at nagpunta sa isang lugar. Private room lamang ito kung tatawagin kasi kami kami lang naman ang nandito.

May ipinindot si Allison doon sa isang gilid at nagsalita.

"Please, give us 25 pieces of siomai, also 5 lasagna and 5 frappucino."

"Habang hinihintay natin yung order, pwede na kayong kumanta." sabi ni Allison na naghahanap na ng kakantahin sa song book, viedoke bar pala ito? Bakit hindi ko ata napansin yung videoke kanina? Masyado na akong lutang.

"Sige." sabi ni Monik na pumili na ng kanta.

"Hindi ka ba kakanta?" tanong ni Monica sa akin.

"Mamaya na lang." sagot ko at naupo na doon sa isang mahabang upuan katabi ni Nathalie, tumabi rin sa akin si Monica.

I felt uncomfortable.

"Excuse me ladies, here are your orders. Enjoy!" bungad ng isang babae na nakasuot ng isang pang-waitress na damit, ipinasok niya yung inorder kanina ni Allison at inilapag sa pahabang mesa.

"Thank you." sabi ni Allison at ngumiti lang sa kanya yung babae. Nagpunta sa mini stage si Allison tsaka kinuha yung mic.

"Heeey! Monik sa'yo pala itong kanta! Daliiii!" tawag ni Allison kay Monik na inaabot yung mic.

Pumunta naman si Monik sa mini stage at kinuha ang mic.

"Okay, umm Naomi." nagulat naman ako dahil tinawag niya ako.

The Girls (Currently Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن