Ikaw pa rin - 31.3

165K 2K 229
                                    

Erika's POV

August 18, 4:37 pm.

"Cha, wake up." 

"Hey!" 

"Gisingin niyo na kasi! -__-" 

"Hmm.... " I'm still sleepy. Sa buong biyahe, 6 hours lang ang tulog ko. Di pa yun tuloy tuloy ha.

"Wake up, Chandria." 

Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Pssh.  Sino ba to? =_= 

Minulat ko na yung mga mata ko....

"Daddy?" Tumingin ako sa sa paligid.

Andito pa rin kami sa airplane. Nakatayo sa harap ko si Daddy, katabi naman niya si Kuya D. 

Nakatayo naman sa likod ng upuan si Kuya Prince, Ate Ysa at Ate Kim. Nandito pa rin yung mga business partner ni Daddy, tsaka sila Tito at Tita. 

"Tara na, princess." Tumingin ako sa bintana. Nasa Philippines na pala kami. 

"Yes daddy." Tumayo na ko at kinuha ko yung handbag ko. 

Binuksan na yung pinto nung plane at bumaba na kami.

Hindi ito yung inaakala niyo na pupunta pa kami dun sa arrival area sa airport. Tapos hihintayin ka ng mga kamaganak mo dun sa waiting area. Hindi ganun. Kasi ang mga sasakyan namin ay nasa baba lang.

Iba't ibang sasakyan ang makikita mo sa baba. SUV lang yung gamit namin ngayon para hindi makahalata yung mga tao. 

Nakababa na kami at yung iba, nagpaalam na. Nagpaalam na din sila Ate Kim. 

"Cha, alis na kami. See you later." Sabi ni Ate Jessy sabay kiss sa cheeks ko. 

"Sige ate, bye. See you.." Nagsmile siya at umalis na. 

"Sis, tara na." Sabi ni kuya D. At kinuha yung handbag ko. Sweet diba? Mwahaha. :)) 

Binuksan ko na yung pinto nung kotse at....

"BOO!!!"

Okay, nagulat ako. =__= 

"KUYA PRINCE!!! Anong ginagawa mo dito?!?! Akala ko, kasabay mo sila tita?!?!" =___= 

"Gusto ko sainyo sumabay eh. Wahahaha." 

"Hay nako, ewan ko sa----" 

"Hoy, pumasok ka na! Baka may makakita satin dito."  Sabi ni Kuya D. Sus. -__- Kami lang tao dito. Nasa isang private area kami dito sa airport.

"Oo na." 

Pumasok na kami sa loob ng kotse at umalis na. 

Si Daddy, nauna na na yun kanina pa.

--

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon