Ikaw pa rin - 32.3

144K 1.8K 105
                                    

HAPPY 900K READS!!!!! SALAMAT GUYS!!!!

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

James' POV 

"Kuya?" Sht. 

Humarap ako kay Cha at tinago sa likod ko yung notebook. 

"Uy, Chandria! Nakauwi ka na pala."

"Yeah." Naglakad siya papunta sa kama niya at humiga. "Bakit ka nga pala nandito kuya?"

"Ah... Hehe." Napakamot ako sa ulo ko. Baka mahalata niya na wala dun yung notebook-slash-diary niya. "Uhm... Akala ko kasi.... Ah! Akala ko nandito ka na. Hehehe." Yun naman talaga pinunta ko dito. Kaso.... Sorry na, Cha! 

"Ah sige." Sabi niya sabay talukbong ng kumot.

*sigh* Muntik na ko dun ah. 

Nilagay ko yung diary niya sa table at lumabas na. 

Mukang may problema yung kapatid ko.Bakit kaya?

---

Erika's POV 

Tuesday.

Tapos na yung 3 weeks na pagpractice ng kung ano-anong sports, next month na ulit itutuloy. *sigh* May klase nanaman... 

Bago ako pumunta sa classroom namin, dumaan muna ako sa SC room. Umupo muna ako dun sa isa sa mga table at isa isa tinignan ang mga paper na andun. Kailangan ko kasi icheck kung lahat ng HS students ay may club. 

Natapos ako sa 1st year, 2nd year at 3rd year. Lahat naman sila may club, kaya okay naman. So.. sa 4th year naman. Chineck ko muna lahat ng sections at hinuli kong tinignan ang 4A. 

1. Andres, Sofia - Music Club. 

2. bla bla bla

3. bla bla bla

4. Dela Vega, John Christian - None 

5. bla bla bla bla

6. Figueroa, Bryan - Arts Club, Dance Club

7. Loyzaga, Diego - Dance Club 

8. Montes, Julia - Arts Club, Dance Club 

9. bla bla bla 

10. Santinel, Coleen- Arts Club, Dance Club

11. Santos, Ethan Rafael - Music Club, Science Club

12. Santiago, Erika Chandria - Dance Club 

13. bla bla bla bla bla 

T-teka! Bakit walang club si Chris?!?! Aish! Nag-sign up siya sa Dance Club, diba? Diba?!?! Bakit naman siya nagback-out? Tsk tsk. 

Tumayo na ko at naglakad papuntang classroom.  Tsk tsk. Bakit naman nag-backout yung isang yun?! Argh! Pumasok na ko sa classroom namin... at onti pa lang ang tao. Nilibot ko yung tingin ko. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon