Ikaw pa rin - 54

79.1K 1.6K 263
                                    

Christian's POV

Nang makita ko ang kanyang birthmark ay bumalik lahat ng alaala sa akin. Lalo na ang alaala kung saan una kong nakita yung birthmark niya. 

"May birthmark ka?!" Manghang sigaw ko kay Riri. Nandito kami sa isang magandang resort. Malamig dito sa Baguio kaya mas pinili namin na dun dapat sa merong hot spring na swimming pool. Kasama namin si Lia at Diego, yung mga kalaro din namin.

Naka-swimsuit si Riri at Lia. Kami naman ni Diego ay nakashorts at sando lang. Sabi nga ng mga yaya namin, ang cute cute daw naming apat. Para daw kaming mga model. 

"Ah, eto? Oo, bakit? Cute no?" Nakangiting sagot ni Riri sa akin kaya napangiti na lang rin ako.

Meron siyang heart-shaped birthmark sa kanyang bewang. Hindi sa bewang talaga pero basta doon! Hindi ko alam iyong tawag doon eh.

"Oo! Ang cute cute." Sagot ko.

"Sabi sa akin ni mommy, rare daw ang mga ganitong birthmark eh." She giggled. Ang ganda ganda ni Riri, lalo na pag tumatawa.

"Ganon? Sige, iyan ang una kong hahanapin pag nakita ulit tayo balang-araw." Napahinto ako sa sinabi ko. Hindi niya dapat malaman na aalis ako... Ayokong malungkot siya. Sa ngayon, gusto ko munang makasama siya. Kahit ngayon lang naman.

"Ano sabi mo, JJ?" Nagtatakang tanong ni Riri. Ngumiti lang ako at hinawakan siya sa kamay. 

"Wala. Tara na! Magswimming na tayo!" 

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Erika. 

"Naaksidente kami..." Humihikbing sabi ni Erika. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.

"I know, baby. I know."

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse namin ay umiyak ako. Alam kong big boy na ako kaya dapat hindi ako umiiyak pero ano magagawa ko? Iiwan ko si Riri. Ayokong iwan siya. Sabi ni Daddy, kailangan namin pumunta sa ibang bansa. Doon na daw kami titira kasama si Ate Roanna at ang mga tito at tita ko. Hindi ako pumayag nun kaso sabi ni Daddy, uuwi naman kami at babalikan ko si Riri kaya pumayag na rin ako. 

Simula nang sabihin sa akin ni Daddy na pupunta kami ng ibang bansa, unti unti kong nilayuan si Riri. Iyon ang sabi sa akin ni mommy at daddy. Para daw paginiwan ko si Riri, hindi siya mahihirapan. Kaso ako naman ang nahihirapan. 

Gustong gusto kong makipaglaro sa kanya araw araw. Kaso hindi na pwede.

Gustong gusto kong magstay sa bahay nila haggang mag-gabi. Kaso hindi na pwede.

Gustong gusto kong ipinagbe-bake niya ako tapos dun lang kami sa bahay nila buong araw habang kinakain yung half-baked cookies. Kaso hindi na pwede.

Gustong gusto kong mag-bike kami sa park kasama si Lia at Diego. Kaso hindi na pwede. 

Gustong gusto kong makasama siya habang lumalaki kami. Kaso hindi pwede. Hindi pwede kasi iiwan ko siya. 

Napatingin ako sa likod na window ng kotse. Iyak siya ng iyak habang tumatakbo. Nakita kong hingal na hingal at pagod na siya sa kakatakbo pero mukang wala siyang pakielam. Gusto kong pigilan yung driver namin sa pagpapatakbo ng sasakyan kaso tinignan ako ng masama ni Daddy. 

"Don't you dare, son. Hayaan mo si Chandria, mapapagod din yan. Nandiyan rin naman ang mga bodyguards ng daddy niya." Mariing sabi ni Daddy. Galit na galit ako pero di ko iyon pinakita. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon