Ikaw pa rin - 38.3

132K 1.7K 319
                                    

Erika's POV 

Nakatayo lang kami ni Chris sa living room habang magkayakap. Wala ring nagbalak na lumapit samin. 

Iyak lang ako ng iyak. I hate my life so much. 

Ilang minuto pa ang nakalipas, naramdaman kong may palapit samin ni Chris. Naramdaman kong umangat yung isang kamay ni Chris. Nasa bewang ko naman yung free hand niya, halatang ayaw niya akong bitawan.. Nakarinig ako ng bump ng mga fists. Siguro si Kuya D to. Hmp. 

"Sis..." Sabi ni kuya D. Sinasabi ko na nga ba! Hinawakan niya ko sa balikat ko. "Huy, humarap ka nga sakin." Mahigpit siyang nakahawak sa balikat ko. Pilit niya kong hinaharap sa kanya at kinakalas sa 'yakapan' namin ni Chris. 

Ginalaw ko yung katawan ko para ipahiwatig na ayokong humarap sa kanya. Hinigpitan ko yung pagkakayakap ko kay Chris. Para akong bata na ayaw humiwalay sa Daddy niya. Ganun ang ginagawa ko ngayon.

Hinaplos ulit ni Chris yung buhok ko. 

"Kuya James, ako ng bahala sa kanya." Sabi ni Chris.

"Aish. Sige na nga. Wag mong iiwan ah." 

Naramdaman kong umalis na si Kuya D. *sigh* Mabuti naman. Ayoko nga siya dito.

Kumalas ako sa yakap. Yumuko ako at humikbi. Hinawakan ni Chris yung kamay ko at hinila niya ako sa couch. 

"Chris... *huk*Agad agad niya akong niyakap ulit. 

"Tahan na... Ano bang nangyari?" 

Niyakap ko siya pabalik at kinwento sa kanya. Nakakainis. Ayoko mang ikwento sa kanya pero, siya lang yung meron ako.  Siya yung laging nandiyan para sakin. Siya yung handang maging pillow ko habang umiiyak ako. 

"Sila tita ba, kasama sa Baguio?" Sabi ko pagtapos kong magkwento sa kanya. Ayokong may sabihin siya kaya agad agad akong nagtanong sa kanya.

Sana kasama sila Tita Karla.

Hindi siya agad nakasagot. Parang ayaw niyang sagutin yung tanong ko. Pero alam ko, hindi niya ako matitiis kaya magsasabi siya ng totoo. 

"Uhh.... Hindi baby. Alam ko lang, kasama lang natin yung mga bodyguards." Napatango lang ako habang nakayakap pa rin sa kanya. Hindi pa rin tumitigil yung luha ko.

"Wag ka ng umiyak. Ayokong umiiyak ka eh." Hinaplos niya ang likod ko at kiniss niya yung buhok ko. "Alam mo naman na ganyan talaga. Busy parents natin. Laging business. Fcking business." Nagulat ako sa tono ni Chris. Tumawa pa siya pero halata mong bitter ito. 

Tumingala ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa malayo.

"Okay lang sayo na ganun?" Tanong ko. Tumingin siya sakin.

Ngumiti siya. Hinawakan niya yung pisngi ko at pinunasan yung luha ko gamit ang thumb niya. 

"Sanay na ako eh." Sabi niya habang pinupunasan pa rin yung luha ko. "Kaya dapat, masanay ka na rin. Pero promise ko sayo... Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo." 

Ngumiti ako sa kanya. Dang, ang swerte ko sa kanya. 

"Ako din! Hindi din kita iiwan." Napaawang yung labi niya sa sinabi ko. Maski ako, nagulat sa sinabi ko. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon