Ikaw pa rin - 39

127K 1.8K 160
                                    

Oo nga pala guys, paki-basa naman yung New Story ko, The Back-up Plan. :) KathNiel din 'to. Click niyo lang yung external link. 

Erika's POV 

Habang bumababa ako sa hagdan namin, nakita ko na agad si Chris. Black tshirt, black pants and black chucks. Uhh! He is so handsome! 

Lumapit ako sa kanya. 

"Ang aga mo ata?" Sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.

"Good morning din, baby." Aniya at kiniss ako sa forehead. 

Ngayon kami aalis papuntang Baguio. Hindi ako naeexcite pero curious ako. Bakit ba gusto ng mga magulang namin na duon kami magbaksyon? Kung papapiliin ako, sana sa Paris na lang o Italy. 

Hay! Pero, nalulungkot pa rin ako dahil hindi makakasama samin sila Daddy. Kahapon ng gabi, pumunta na sila ng Dubai. Kasama nila si Kuya D dahil magtetraining daw ito habang bakasyon pa. Gusto ko nga sumama eh! Dubai yun eh! Hindi pa ako nakakapunta dun. Kaso, ayaw ko naman iwan dito si Chris.

Pagkatapos ko magbreakfast, umakyat na ako at naligo. Si Chris naman, iniwan ko dun na natutulog sa loob ng kwarto ko. Yes, natutulog siya. Puyat daw siya kaya hinayaan ko na lang.

Pagtapos ko maligo, sinuot ko na yung bathrobe ko at binuksan ang isang pintuan sa loob ng bathroom ko. Bumungad sakin ang napakaraming damit, bag at shoes. Kumuha lang ako ng pants at white tshirt. And tadaaaa! I'm ready to go.

Agad agad akong lumabas at pumunta sa kama ko. I sighed. Tulog na tulog pa rin si Chris. Ano ba ginawa neto kagabi at puyat na puyat? Hay, I should ask him later.

Tinapik tapik ko yung balikat niya, "Chris, wake up." 

"Hmmm....." 

"Baby boy, wake up! Hey!" Niyugyog ko pa siya pero hindi talaga magising. 

 Tinapik ko ulit siya pero mas malakas ito kesa sa nauna pero wala pa rin talaga. Pano ko ba to gigisingin? 

Hmm........ *ting!*  Aha! Alam ko na! 

Pumikit ako at unti unting tinaas ang kamay ko. Kinagat ko ang labi ko. Sorry baby boy.

*PAK* 

"Aw----Shit!" Sigaw ni Chris habang nakahawak sa namumula niyang pisngi. 

Tumingin siya sakin ng masama. Hinaplos haplos niya yung pisngi niya. Oh no! Napalakas ata yung sampal ko sa kanya. 

Ngumiti lang ako sa kanya at nag-peace sign. Please, gumana ka. 

"Tsss..." Sabi niya at umirap sakin. Tumayo siya at inayos ang damit niya. 

I pouted at lumapit sa kanya. Pinulupot ko yung dalawa kong kamay sa waist niya at niyakap siya. 

"Sorry poooooooo." Ginaya ko pa yung tono kung pano mag-sorry si Chichay. Hehe. Sana gumana! 

Bumuntong hininga siya at niyakap ako pabalik. Yes! Effective! 

"Bakit mo ba ginawa yun?" Sabi ni Chris habang papunta kami sa carpark. Dala dala niya yung shoulder bag at isang maleta ko. Hehe. Sweet, diba? 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon