Ikaw pa rin - 51

87K 1.4K 128
                                    

HAPPY 18th BIRTHDAY TO OUR TEEN QUEEN! :) <3 

Christian's POV 

Sumulyap uli ako sa babaeng katabi ko at binalik ang tingin ko sa daan. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. 

"Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya. May isang oras na din kaming bumabyahe.

"Oo eh.." Mahinang sabi niya. Nakita ko naman sa gilid ko na yumuko siya at pinaglaruan ang seatbelt niya. Napailing na lang ako habang nakangiti. 

Nang makakita ako ng gasoline station na may mga fastfood na nakapailigid, hininto ko muna yung sasakyan sa may tabi. Tinanggal ko yung seatbelt ko at humarap kay Erika. 

"Drive-thru na lang, baby ah? Sorry, hindi sa mamahaling restaurant. Alam mo naman, bawal na may makakakita satin.." Umiling siya. Ngumiti siya sakin at nagthumbs up. 

"Sure! Basta mcdo, okay?" Masiglang sabi niya. Hinila ko siya palapit sakin at kiniss siya sa cheeks. 

"Alright. Anything for my baby." 

Sinuot ko ang shades ko at cap ko. Agad ko ring ini-start ang kotse at nagdrive papunta sa mcdo.

"Come on, Chris. Kumain ka na." Sabi ni Erika habang nilalapit sakin yung burger. Kanina niya pa ako kinukulit pero imbis na mairita,natutuwa ako sa kanya. Maalaga kasi siya.

Kanina pa din siya kumakain, mahahalatang mo talagang gutom siya. Ako naman ay hindi makakain kasi nga nagdadrive ako. Hindi na kami nagstay dun at baka may makahalata pa samin. 

Umiling iling ako. "Wag na. Okay lang. Basta kumain ka lang diyan." 

"No." Mariing sagot niya at nakita ko sa gilid ko na binubuksan niya yung burger. "Here, susubuan kita. Gusto ko kakain ka din." 

Nilapit niya yung burger malapit sa bibig ko. Wala na akong nagawa kaya kumagat na ako rito. Napangiti na lang ako. 

"Thank you baby." Sabi ko. Naramdaman kong ngumiti siya at sinubuan ulit ako ng burger. 

Naging mabilis ang byahe namin papuntang Laguna. Siguro dahil kasama ko siya kaya naging masaya ang byahe. Nagkekwentuhan kami ng kung ano ano tapos minsan susubuan niya ako o kaya papainumin.

Sumulyap ako sa gps ng sasakyan tapos kay Erika. Nakahilig yung ulo niya sa bintana at tahimik. Pagod na siguro to. Malapit na rin naman kami dun sa bahay na sinasabi nila Ate Coleen. 

Nang makakita ako ng bahay na malaki, inihinto ko yung sasakyan ko at tumingin sa bahay at tumingin uli sa gps. Marami namang bahay ang nakapaligid dito pero kung titignan mo pa lang, talagang kakaiba at malaki tong bahay na nasa harap namin.

 "Nandito na ata tayo." Sabi ko at kinalag ang seatbelt ko. "Sandali lang, baby ha." 

Lumabas ako at lumapit sa gate na malaki. Mukang malaki ang ginastos ni Ate Coleen dito, ah? Kukuhanin ko na sana yung susi nang biglang bumukas yung pinto ng mismong bahay. Nanlaki ang mata ko. Sino naman tong mga to? 

"Iho! Kayo na ba yung sinasabi ni Coleen?" Masayang sabi sa akin nung babaeng mukang nasa 50's ang edad. Tumango ako sa kanya kahit di ko siya kilala.

"Oho. Ah? Mawalang galang lang ho, pero sino po kayo?" 

"Ah, iho. Eto ang asawa ko. Dati akong driver nila Coleen kaso kinailangan naming umalis dahil nakabili ang anak ko ng bahay dito. Maganda ang naging trabaho ng anak ko kaya dito kami napadpad." Nakangiting sabi saakin nung lalaki na ngayon ko lang napansin. Kaso, diba driver siya nila Coleen? Baka naman... "At wag ka magalala iho, nasabi na saamin ni Coleen kung bakit kayo nandito. Kami ang bahala sa inyo." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon