Christian's POV
Andito kami sa bahay namin ngayon. Oo, KAMI. Nandito ang barkada eh. Ginagawang tambayan yung bahay namin. Tss. =___="HOY CHRIS! Kumuha ka naman ng softdrinks dun!" Sabi ni Diego. Makapag-utos eh no?! BAHAY MO?! lul.
"Ikaw kaya kumuha dun?! Palayasin kita dito, gusto mo?!"
"Joke lang! Kaw naman!"
"Hahahaha!" Tawa nila Kuya Bry. May sira tong si Deigo. -__-
"Anyway.. Chris, buksan mo naman yung tv oh." - Ate Coleen.
"Sige ate."
Pagkabukas ko ng tv, bumungad samin yung text tapos nakalagay "SANTIAGO'S DAUGHTER, WHEN WILL BE REVEALED?!"
Tumutok lang kami dun sa tv. Oo nga pala. Sabi ni Kuya James, may kapatid siya.
"Mr. James Santiago, kailan ba ipakilala ang kapatid niyo?"
"Oo nga naman. Atat na atat na yung mga tao."
"Nasan ba ang daddy mo?"
"May balak pa ba kayong ipakilala siya?"
Tanong ng mga reporter dun kay kuya James. Pinipigilan naman sila ng mga BG niya.
"Una po sa lahat, alam niyong sa August na po diba? Kaya po please, wag niyo muna kaming guluhin. Marami pa po kami kelangan ayusin." Ang hirap din ng kalagayan ni Kuya James. Siya ang sinusundan ng Media. Tss.
"Hmm.. Sino kaya siya? Maganda kaya?" Sabi ni Diego. Babaero din 'tong isang to eh.
*POK!*
"Puro nanaman babae iniisip mo!" Sabi ni Kuya Bryan.
"Ewan ko sayo, Kuya. Di nama---" Natigil si Diego dahil may tumatawag sa phone ni Julia.
♫ ♪ Naghahanap ka ng maaya
Pagkat sadyang wala kang magawa
Nagsasayang ng bawat oras sa wala
Hala ♫ ♪♫ ♪ Na search mo nang lahat sa internet
Naubos na ang load sa kakatext
Naghihintay ka lang ng may makukulit
Ulit ♫ ♪"Tss! Sino ba yan, Julia?! Sagutin mo na nga!" Sabi ni Diego kay Julia.
"Unknown number eh." Pansin ko lang, tahimik pa si Julia kanina. Bakit kaya? Di naman ganyan yan eh.
"I-loud speak mo, Juls. Baka nantitrip sayo." - Kuya Bryan.
"Okay, kuya."
Niloud speak na agad ni Julia. Mga 5 seconds, nagsalita na yung tumawag. Nagulat kami ng marinig ulit yung boses niya.. Ang tagal tagal na naming hindi naririnig yung boses niya. Nakakamiss pala pag wala na sa tabi mo yung taong iniwanan mo...
(HELLO JULS!)
"ERIKA!?" - Diego.
"BES!" - Julia.
"Erikaaaa!! I miss you!!" - Sofia.
"Cha cha!" - Raffy.
"Baby cha!" - Ate Coleen. Kaya 'baby' yung tawag ni Ate Coleen sa kanya, kasi siya yung pinaka-bata sa barkada. Pero ayaw niyang tinatawag siyang ganun, di na daw siya bata. Ayoko ding tinatawag siyang ganun. Kasi ako lang may karapatan na tawagin siyang BABY. *smirk*
(Uh.. Hahaha. Hi guys! Andiyan pala kayo, ni-loud speak niyo pa talaga ah. Ate Coleen, sabi ko sayo, wag mo kong tinatawag ng ganyan eh. Hahaha. Anyways, miss ko na din kayo. What's up?) Sabi sa inyo eh. Hay.. Ang sarap pakinggan ng boses niya. :)
"Nothing much!" - Kiray.
"Erika. Kailan ba balik mo?" - Kuya Bry.
"Oo nga! Ang tagal! O diyan ka na forever?" - Sofia.
(Ah.. Hindi ko pa alam eh. Siguro bukas?) Bukas na pa--- ANO?! TEKA! TALAGA?!
"WEH?!" - Diego
"REALLY?!" - Sofia
"YAY!" - Raffy.
"EXCITEED NA ME!" - Kiray.
"Talaga?" Sabi ko yan. Bigla naman silang natahimik nung nagsalita ako. Bakit? May mali ba?
(A-ahh.. He-hello Chris. Alam niyo guys, joke lang. Hahaha, kayo naman. Hindi ko pa talaga alam kung kelan ako babalik eh.) Chris? Bakit hindi na... Tss. Nevermind.
"Aww." - Raffy.
"Ano ba yan." - Ate Coleen.
"Sayang naman." - Kuya Bry.
(Hahaha. Okay lang yan. 'CHA! Tawag ka ni mommy! Dalian mo!' Tss. Wait lang. 'Hurry up!' Oo na!) May narinig kaming sumisigaw sa kabilang linya. Baka yung kuya niya? (Ah, guys? I really need to go. So, bye for now. I miss you guys! I love you!)
"Bye cha!" - Ate Coleen.
"Bye princess." - Kuya Bryan.
"Okay, take care!" - Raffy.
"We love you more, bes!" - Julia.
"We miss you!" - Sofia.
"Ingat baka madapa!" - Diego.
"I miss you. I love you. Wag ka munang umalis, Cha... Wag muna. *sigh*" Bulong ko. Hay. Alam ko namang, kahit ipagsigawan ko yun, di niya ko papakinggan.
(Hahaha. Ewan ko sayo, Diego. Sige na guys. Bye! ---- *toot. toot. tooot*)
--------------------------------------------------------------
Vote and comment! >:D<
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)
RomanceHanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito sa wattpad version. I hope you understand, thank you.]