Ikaw pa rin - 50

85K 1.5K 183
                                    

Christian's POV 

Mabilis kong pinaharurot yung motor ko. Wala akong pakielam kung mahuli man akong nago-over speeding, ang mahalaga ay mahabol ko si Erika. 

Kunin na nila ang lahat, wag lang yung babaeng pinakamamahal ko. Kasi pag nangyari yun? Hindi ko na alam. Siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay dito, siya lang. Paano pa kung mawawala siya diba? Oo nga at bata pa kami, pero kasi iba yung feeling eh. Alam kong siya na yung babae para sakin, unang kita ko pa lang sakanya..Alam ko, siya na. At kung mawawala siya ulit? Mamamatay ako. 

"Damn!" Naiinis na sabi ko. Kung kailan patawid na ako sa kabilang kalsada, dun naman nagred light. Tsk! 

Napatalon ako sa gulat ng tumunog ang cellphone ko. Agad agad ko itong kinuha. 

From: Julia 

Chris! Bilisan mo, ok?! Eto number ni Erika, 09*********. Go go go! Sesend pala ni Diego sayo yung plano para matakas mo si Erika. Nandun naman sila Kuya Bryan sa airport, hinihintay ka na. We love you both! 

Napangiti ako sa message ni Julia. Mabuti na lang at andiyan sila. Agad agad kong sinave yung number at tinext si Erika.

'I love you baby. Wait for me.' 

Napatingin ako sa wristwatch ko, 6:50 pm. Shit talaga! Mabilis ang takbo ko papuntang entrance. Para akong nakikipaghabluan sa kabayo. Seryoso. 

"Mr. Dela Vega! May flight po kayo?" Tumango na lang ako dun sa guard at agad agad din naman niya akong pinapasok. 

Tumakbo ako papuntang departure area. Lumingon-lingon ako. Napatigil ako nang makita ko si Enrique at mga bodyguard niya. Napataas ang kilay ko. So, kasama ka pala huh?! Kinuha ko yung phone ko at binuksan ko ulit yung message ni Diego. 

'Bro, here's the plan. Mga 6:55 pupunta si Erika sa cr ng girls, syempre kasama niya ang mga bodyguard niya. Nandun sila Kiray sa loob ng cr para tulungan si Erika na palitan yung mga damit niya. Then pag 7 na, lalabas si Erika at dun ka na pumasok para isave ang prinsesa mo! Naka-jeans siya at puting tshirt ang soot niya at hoodie. Ayos ba, pare?! Dalian mo ok!'

Agad kong tinungo yung restroom para sa girls. At tama nga si Diego, nandun yung mga BG ni Erika. Hindi naman sila nakabantay talaga sa tapat ng cr ng girls, medyo malayo sila kaya matatakas ko si Erika. Sinuot ko yung cap ko at shades. Tumingin ako sa wristwatch ko... It's time! 

Lumabas si Erika ng nakayuko. Tumingin tingin ako sa paligid. Mukang walang nakakapansin saming dalawa, busy rin naman yung mga BG niya. Napa-smirk ako. Mabilis akong naglakad papunta kay Erika at hinawakan siya sa kamay. Tumingala siya sakin, nakita ko nanaman yung mga mata niyang gustong gusto ko. Ngumiti ako sa kanya. 

"I love you." I mouthed.

"I love you, too." She mouthed and smiled. 

As if on cue, biglang dumami yung tao sa paligid namin. Parang hinaharangan nila kami. Nanlaki yung mata ko ng makita ko mga yung ka-teammate ko sa basketball! Meron pa akong mga nakitang ka-batch namin. Sht?! Mga taga-LCU tong mga to! 

Naramdaman kong may gumagalaw sa kamay ko. Nakatingin sakin si Erika na parang sinasabi na, "Let's go" tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming tumakbo. Napalingon ako, hinaharangan ng mga students sa LCU yung mga bodyguard ni Erika. Napailing na lang ako at mas binilisan pa ang takbo. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon