Ikaw pa rin - 46

101K 1.6K 126
                                    

Erika’s POV

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ng mahigpit ni Chris pero hindi ako nagpahalata. Parang may kakaiba sa yakap niya.

“I love you. Kakalabanin ko kahit sino para sayo, pangako.” He kissed my forehead and he sighed.

Humiwalay ako sa yakapan naming at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. We looked to each others eyes. Hindi ko alam pero kinabahan ako nang nakita ko yung mga mata niya.

“Why are you sad, baby boy? Is there something wrong?” Ngumiti lang siya. Mga ngiti na hindi man lang umabot sa mga mata niya.

“Wala naman. Sa totoo lang, masaya ako kasi nandito ka sa harap ko.” Sabi niya at hinawakan yung mga kamay ko na nasa pisngi niya. I stared at his eyes. And I knew that moment that he’s lying.

Tinaas ko ang kilay ko, “Liar.”

Mukang natakot naman siya sa ginawa ko dahil nakita ko ang panic sa mga mata niya.

“Baby…” Sabi niya na parang nagaalangan pa siya kung sasabihin niya sakin o hindi.

Binatawan ko ang mga pisngi niya. Mukang na alarma siya sa ginawa ko. Hah! Ewan ko sayo.

“If you don’t want to tell me, then don’t. Bahala ka.” I said and walked away from him. Agad agad akong bumaba at pumunta sa kwarto ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ko, kumuha ako ng damit sa walk-in closet ko. Lumabas ako dun at nilagay ang mga damit sa kama ko. Kinuha ko yung phone ko sa side table.

I pouted habang ini-unlock ko yung phone ko. Naiinis ako kay Chris. Sabi walang secret secret tapos-------- Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong may kamay na pumulupot sa waist ko. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin sa likod kaya naramdaman ko yung dibdib niya. 

"Baby, I'm sorry." He said and leaned in my shoulders. "Hindi naman ako nagsisinungaling eh. Totoo, masaya ako kasi nandito ka. Pero kasi.... Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Nagulat ako ng pumiyok yung boses niya.

Hinawakan ko yung dalawang kamay niyang nakapulupot sakin at humarap sa kanya. Nang makaharap ako sa kanya, hinigit niya yung mga kamay niya at niyakap ako ulit. I sighed. 

"What's the problem, Chris? Tell me." Sabi ko at hinaplos yung likod niya. 

"I'll tell you later, okay baby?" He mumbled. Humigpit yung yakap niya sakin. I patted his back. 

"Alright then." I answered. I closed my eyes and yawned. 

Hindi ko alam pero inaantok ako. Siguro dahil kulang ako sa tulog at maaga akong nagising dahil may practice ako ng ballet. I feel so tired... 

Bumitaw ako sa pagkakayakap namin. Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko at nagsmile.

"Hmm? Pagod ka na." Chris said.

I smiled at him and yawned again. "I'll get some food tapos movie marathon tayo para makapagpahinga ka. Aryt baby? I love you." Kiniss niya ako sa forehead at umalis na. 

Napasmile na lang ulit ako. Napagpasyahan kong maligo muna kaya pumunta na ako sa banyo. Kinuha ko din yung mga damit ko na nasa kama kanina kaya sa loob na ako ng banyo nagbihis. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon