Ikaw pa rin - 44.2

103K 1.4K 156
                                    

Christian's POV


I wipe Erika's tears using my thumb. Nakaupo lang kami sa couch ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak pero ngayon, kailangan ko siyang patahin. Ayokong nakikitang umiiyak ang babaeng mahal na mahal ko. 

"Baby, tahan na." Sabi ko at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. I kissed her forehead.

"Ch-chris. Ka-kasi..." Sagot niya ng humihikbi. Hinatak ko siya at kinulong sa mga bisig ko. 

"Tell me, baby. Gagawan natin ng paraan yang problema mo. Nandito na ako diba? Hindi ka na magiisa."

Hinaplos-haplos ko yung buhok niya at kiniss siya dito. Naramdaman kong unti unti niya rin pinupulupot yung kamay niya sa mga bewang ko.

"Dali na. Walang sikreto sikreto dapat, diba?" 

"Pottie.." Panimula niya. 

Pottie at Baba ang bago naming tawagan. Tinatawag niya akong Pottie dahil payatot daw ako, kahit hindi naman. Tinatawag ko naman siyang Baba dahil malakas siya kumain. :P 

"I--" Sabi niya at huminga ng malalim.  "I just don't want to marry somebody who isn't you." 

Biglang kumalabog yung pusko ko ng sinabi niya yun. Bakla na kung bakla, pero oo, kinikilig ako. Kaso hindi yun yung punto eh. 

"Ano yun, Ba? Pakiulit?" 

"Th-they want me to marry my childhood friend..... Si Quen yun, Pottie eh." Humigpit yung yakap niya sakin at humagulgol siya. 

I clenched my fists. Bakit naman ipapakasal nila Tito Albert si Erika dun kay Enrique?! Eh hindi naman niya yun mahal!

"Fuck it." Mariing sabi ko. Hell. Hindi ako papayag na ipapakasal si Erika sa kahit sino. Sakin siya. 

 Bumitaw sa yakap ko si Erika at hinawakan yung kamay ko na nakayukom. 

"Chis..." Bulong niya at pilit akong pinapakalma. Tinignan ko yung mukha niya. Huminga ako ng malalim.

"I love you, Pottie."  Sabi niya at kiniss ako sa lips. Napanganga naman ako. Shit. Smack lang iyon, Chris! Pero kung maka-react ka parang... Aish.

Tumitig ako sa kanya a nakatingin din siya sakin. Ngumiti siya. Sa isang ngiti niya pa lang, parang napawi lahat ng problema ko.

Ngumiti din ako sa kanya at hinagkan siya sa noo. Niyakap ko siya at sinabi, "I love you more baby. Tayo lang habang buhay." 

---

Erika's POV 

Mag-gagabi na ng ihatid ako ni Chris sa bahay. I'm smiling widely habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko. Wala akong pakielam kung meron pa akong problema about sa Arranged Marriage na yan, basta alam ko, nandiyan si Chris para sakin. 

Nasa tapat pa lang ako ng pinto ng kwarto ko ng makarinig ako ng ingay. Napakunot naman ang noo ko. Sino naman kaya yung nasa loob? 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon