Ikaw pa rin - 40

133K 1.8K 294
                                    

Mag-vote and comment kayo, please? Para ganahan ako magupdate. Hehehe. >:) 

Sorry po kung may mga-typo. :) 

 READ BETWEEN THE LINES =)) 

Erika's POV 

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Chris yung kamay ko. Teka, gising ba siya? Kumunot pa lalo yung noo ko ng hinigpitan niya yung pagkakahawak niya sa kamay ko. 

"Hmm...." Gumalaw pa siya pero hindi naman nagmulat ng mata.

I sighed. Buti na lang, hindi siya gising o nagising. Ayoko ngang ganun ganun lang ang.... ehem... Ang pag-amin ko.

Ilang minuto ang lumipas, tumigil ang sasakyan. Tumingin ako sa bintana, nasa isa kaming gasoline station. Marami din ditong fast food chains. 

Napatingin ako sa relo ko. 12 na pala, ngayon ko lang napansin. Napatingin ako kay Chris na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon at mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. 

"Young lady, mag-lunch na ho kayo. Medyo mahaba-haba pa po ang biyahe." Sabi ng driver sakin.

Napa-pout ako. Paano ako makaka-alis dito kung natutulog tong si Chris sa lap ko? Ang higpit pa ng hawak niya sa kamay ko. Ayoko rin namang kakain ako ng hindi kasama si Chris. 

"Uhmm... Sige po, mauna na lang kayo dun sa loob ng isang fast food diyan. Isama niyo na rin po yung ibang bodyguard ng kasama.  Natutulog pa po kasi si Chris eh, gigisingin ko lang po." 

"Pero po.... Papagalitan po kami pag iniwan-------" 

"Hindi po. Ako pong bahala sa inyo. Tatawagan ko na lang po kayo paglalabas na kami." I smiled. Nag-smile din naman yung driver pero mukang nagaalangan pa siyang lumabas. Pero in the end, sinunod niya yung utos ko. 

Binaling ko ulit yung atensyon ko kay Chris. Ang totoo, ayoko pa talaga siyang gisingin. Mukha kasing pagod na pagod siya netong mga nakaraang araw at parang ngayon lang siya nakapagpahinga. Pero, hindi naman pwedeng hindi siya kakain. 

Nilagay ko yung free hand ko sa cheeks niya at tinapik ito. Hindi naman to mahina, pero hindi rin to gano kalakas. 

"Uhh..." Mahinang sabi ni Chris. Siguro naman, magigising na siya no? 

Pero nagkamali ako, hindi pa rin niya minumulat yung mga mata niya. I started tapping his chest. Matigas huh! Nilakasan ko pa yung pagtapik sa dibdib niya pero wa-epek pa rin. 

Hinila ko yung kamay ko sa kanya, with full force pa yun ha! Kaso, wala talaga. Sadyang malakas to si Chris. 

Paano ko ba to gigisingin? Ayoko namang sampalin siya ulit. Hehe. 

*ting!* 

Huminga ako ng malalim. Okay, Erika. You can do this! 

"AAAAAAAAHHHHH!!!!!" Sigaw ko pero sapat lang na pag narinig ni Chris, eh magigising siya. Mwahahaha. At hindi nga ako nagkamali, nagising siya bigla.  

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon