Ikaw pa rin - 48

96.3K 1.5K 267
                                    

Erika's POV 

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, pinunasan ko agad yung mga luha sa pisngi ko. Dumapa ako sa kama ko at binaon ko yung mukha ko sa unan ko. 

"AAAAHHHHHH!!!!! I HATE YOU CHRIS!!!!!" Sigaw ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Siguro nakaalis na yun, maaga pa ata flight nun bukas. Ah! Pero bahala siya, wala akong paki sa kanya. 

Nang kumalma na ako, umayos ako ng higa at pumikit. Dinama ko lang yung lamig ng aircon. Ilang sandali pa, binuksan ko na ang mga mata ko at tumayo. Parang gusto ko ng chocolate cake dahil nasestress ako kay Christian Dela Vega.

Bago ako lumabas, kinuha ko muna yung cellphone ko sa side table at iniunlock ito. 

55 unread messages. Napairap ako. Seryoso? Bakit ang dami?

Nang binuksan ko ang messages ko, nagulat ako ng sobrang dami ng text ni Chris. Sa kanya galing yung 50 messages. Teka! Wala pang 5 minutes nung iniwan ko siya sa labas ah? Yung 5 messages naman galing kay Daddy, Kuya D, Julia, Kiray at..... Kuya Kevin? Bakit naman niya ako itetext? 

Una kong binuksan yung message galing kay Daddy. At eto ang sabi niya:

'I just want to remind you na layuan mo si Christian. And, spend more time with Enrique.'  

I sighed and rolled my eyes. No way! Kahit magkaaway pa kami ni Chris, hinding hindi ko siya lalayuan at lalong hindi ako makikisama kay Enrique! 

Hindi ko na binuksan yung messages nila kuya D. Binuksan ko na agad yung kay Chris. 

From: Baby boy 

Hey baby, I'm sorry. Hindi ko sinasadya na sabihin yun. I love you and I miss you.

From: Baby boy 

I love you, ok? Sorry. Importante sakin yung game mo, kung alam mo lang. Nadala lang siguro ako ng emosyon ko kanina dahil f*ck, oo nga pala, aalis kami kinabukasan at 1 month kami dun tapos hindi pa ako makakanuod ng game ng girlfriend ko. Sht lng. Sorry baby. 

From: Baby boy 

Hey, pansinin mo naman ako. Please naman oh. I love you. 

From: Baby boy 

Erika.... Pansinin mo ko. Hindi ko kayang galit ka sakin. Ba naman, wag naman ganito.

Napairap ulit ako. Sa totoo lang, ilang beses na ba akong umirap? Anyway, wala pa atang sampung minuto na magkagalit kami ni Chris pero kung maka-react siya... Hay nako! Binasa ko pa yung ibang messages niya. 

From: Baby boy 

Ayaw akong papasukin nung maid niyp. AAAHH!! Nakakainis naman baby eh. :( Sesantihin ko kaya to? Ano Ba? HAAAYYY!!! Babe!!!!! Kausapin mo na ko, magreply ka na please. I love you.

From: Baby boy 

I love you so much. Sorry na. Miss na miss na kita.  

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon