Ikaw pa rin - 34.

139K 1.6K 40
                                    

Erika's POV 

Ang bilis ng panahon. Hindi ko na alam kung anong month na ba. Kung anong araw. I don't know, I lost  count. Siguro ganun ata talaga pag busy ang isang tao. 

"Erika, tignan mo to." Tumabi sakin si Chris. Andito kami ngayon sa SC room. Andito din ang barkada, pero lahat sila, nakaharap sa laptop nila. 

"Ang pangit naman niyan, Diegs!" Sigaw ni Julia. Napatingin kami ni Chris sa kanilang dalawa.

"Ano?! Ang arte mo naman eh!" Sigaw pabalik ni Diego. Napailing na lang ako. Hay, hindi na sila nagbago.

Tinignan ko yung papel na binigay ni Chris. Binasa ko to pero hindi ko maintindihan. Seriously, walang pumapasok sa isip ko. 

"Chris..." Sabi ko. Napalingon naman sakin si Chris. 

"Bakit?" Nag-smile siya sakin. Yumuko ako at nag-pout. Nakakainis naman eh! Bakit siya pa-chill chill lang, pero samantalang ako? Stress na stress! 

"I don't..... Uhhh... Sorry Chris. Hindi ko talaga maintindihan." 

Ginulo niya yung buhok ko. "Ayos lang yun, ano ka ba." 

Pinatong ko yung ulo ko sa mga tuhod ko. Nakaupo na parang naka-indian sit kasi ako sa couch, kaya okay lang naman.

"I'm tired..." Sabi ko. 

Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong, umiiling siya. 

"I'm here." Sabi ni Chris. Tumingala ako sa kanya. Hinawakan niya yung kamay ko. "Kakayanin natin tong dalawa, okay? Andito lang ako lagi sa tabi mo ha? Tandaan mo yan." Ngumiti naman siya.Ngumiti din ako pabalik. Mabuti na lang talaga at nandiyan siya. Kundi... matagal na akong nag-give up sa pagiging President. 

Maya maya pa, nag-bell na. Natapos ang lunch na hindi kami kumakain. Kayanin pa kaya namin to? 

---

Christian's POV 

Pabalik na kami ngayon sa classroom. Ni hindi pa kami kumakain. Nakakainis naman! Peste. Hassle talaga. 

"Ngayon ko lang naramdaman yung pagkagutom." Sabi ni Sofia. 

"Ako din." Sabi ni Erika. Gutom siya? Bakit hindi niya sinabi? 

"Meron ako ditong pagkain. Gusto mo ba?" Singit naman neto ni Raf. Aba! -_- 

Ngumiti lang sa kanya si Erika. "Hindi, okay lang. Bigay mo na lang kay Sofia." Sumimangot si Raf at binigay kay Sofia yung pagkain niya. 

"Bakit hindi mo sinabi na gutom ka? Dapat pala binilhan kita ng pagkain kanina." Sabi ko kay Erika. 

"Okay lang ako, Chris. :) Ikaw? Hindi ka ba nagugutom?" Oo nga no... Hindi pa din pala ako kumakain. Simula kaning umaga. 

"Ha? Ah.... nagugutom din naman. Gutom na gutom." Sabi ko. Tinignan niya ako.

"You did eat breakfast, right?" Sabi ni Erika. Nako ho! Patay! 

"Hi-hindi eh..." Tumaas yung kilay niya pagkasabi ko nun. 

"And why?" 

"Eh kasi....." Napakamot ako sa ulo ko. Aish!

"Kasi nagmamadali ka nanaman kaninang umaga para hindi ka malate sa pagsunod sakin?" Pagdugtong niya sa sinabi ko. Galing talaga netong babaeng to. 

"Oo eh." Sumimangot yung mukha niya.. Ah! Bakit ang ganda niya pa rin? Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Aish. Hinawakan ko yung pisngi niya. "Oh, wag ka na magalit. Hindi na mauulit, promise." 

"Chris naman eh!" Sabi niya at nagpout. Cute. Hahaha. Inakbayan ko siya. 

"Okay lang ako. Basta diyan ka lang sa tabi ko ha." Tumingin ulit siya sakin. Napansin kong namumutla niya. "Okay ka lang ba?" 

"Huh? O-oo naman." Ngumiti siya. Hay, akala ko kung ano na eh. 

---

Erika's POV 

Wala kaming teacher ngayon. Uhh! Ang boring. Nasan na ba si Chris? Ang tagal tagal niya bumalik :( 

Tumayo ako para mag-cr. Tumingin ako sa paligid ko, bakit parang umiikot? Uhh... Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. 

Hinilot hilot ko yung noo ko. Ang sakit sakit. Ano bang nangyayari sakin?

Chris, where are you? I need you. 

Nanghihina ako. Nanghi-hihina...........

"Erika! Sht!" 

Then, everything went black. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon