Chapter 1

12K 213 5
                                    

Love? ano nga bang meaning ng word na yan. Sabi ng mga bitter sa kanto namin "synonyms yan ng HURT, PAIN, STRUGGLES, SADNESS, TEARS, at lahat ng masasakit na salita!" Sabi naman ng mga kaibigan kong halos namumukadkad ang lovelife, Love is when you feel that you can smile what ever problems you have. It is when you find yourself with that person in your future, taking care of your childrens, laughing in the garden while playing with your mini versions. Love is the most beautiful thing that may happen to one person." May napagtanungan akong stranger, i ask her kahit di ko sya kilala (feeling close lang ako) ng ano ba para sa kanya yung love and she said, " Love? hmmm.. yung feeling na kaya mong pumatay ng tao just to be with that person." (O.O)<--- my reaction. Nahalata nya ata kaya natawa sya and she continued, "For me ito yung mapifeel mo sa isang tao kahit na alam mong hindi naman pwede at bawal, kahit lahat ng tao against in your relationship you just dont care kasi masaya ka kasama yung taong yun.Sa love walang required na age, gender, status sa life, you may have a perfect love in a very wrong time". Gravity! parang hugot na hugot si ate! Napatingin ako sa kanya, and di ko alam yung nafeel ko ng mag meet yung eyes namin. What the hell?!

Well, im just curious about it coz i NEVER experience having a relationship with opposite sex. Minsan, nageenjoy ako being single kapag nakikita ko kung gaano nasasaktan yung mga siraulo kong kaibigan kapag nagkakaproblema sila ng mga boyfriends/girlfriends nila. And being single in our group minsan di ko sila magets! wahahaha.. minsan kahit simpleng bagay na pwede namang maging solusyon sa mga problema nila hindi manlang maisip! Nawawala agad sa mga sarili! Tsk! Lagi nalang iyak ng iyak tapos maglalasing, (dinadamay pa ako sa sakit ng ulo -.- ) tapos iiyak ulit. How can other people define love as the most precious thing that a person must have kung minsan nakakasakit na ito?

"Rhi.. bakit kailangan naming dumaan in this fucking stage of our relationship?!!" sigaw sakin ni Bianca, my bestfriend.

Nagyaya kasing magpunta sa bar ang babaeng ito, almost one month na kasing hindi sila naguusap ng boyfriend nya.

"Edi talk to him. Itanong mo kung break na ba kayo para makappg start ka ng mag move on, hindi yung naasa ka pang babalik yung lalaking yun."

"WHAT?! anong break?! No! hindi kami mabe-break!! we just need some space, bestie. Walang breakup na mangyayari!" beast mode na sya.. Well im just telling the truth para naman matauhan sya lagi nalang kasing on and off ang relationship nila sa loob ng 3 years. Just imagine that!

"Biancs, know what? kung gusto niyang magkabati kayo that night mismo na nangyari yung away niyo nakipagbati na yun. And its almost a month na pero wala pa ring effort ha. I want to kick his ass!" I answer her while looking at my glass of vodka. Binara ko na. alam kong hindi matatauhan yan kapag nag pabebe pa ako..

"But bestie.." And again for the nth time umiyak nanaman sya. Hay.. ganito ba kahirap talaga ma-broken?

"No buts ok? Just talk to him, PERO hindi ngayon dahil lasing kana." Ibinaba ko yung glass ko and sumenyas sa waiter. Binayaran ko na yung bill namin at tinulungan ko ng tumayo ang babaeng to.

Hinatid ko muna si Bianca sa bahay nila dahil alam kong wala syang kasama sa condo kung dun ko sya ihahatid. Sinalubong kami ni tita.

"Oh my god Bianca! araw araw ka nalang bang ganyan?" I think di effective ngayon ang sermon ni tita.. hihi

"Tita i gotta go na po." Paalam ko after naming maipasok si Bestie sa room nya.

"Sure ka hija? its late, dito ka na kaya matulog?"

"No im ok po. May tatapusin pa din po ako sa condo."

"Ganun ba?, Sya magiingat ka ha. Ingat sa pagdadrive"

"Yes po" I smile and kiss her cheeks.


Glaiza's POV

"Tsong, tama na yan." Inagaw sakin ni Chynna ang basong hawak ko na may lamang alak.

"Chynns, give that damn glass back!!" Di sya nakinig at tuluyan ng niligpit ang mga baso namin.

"Tsong, Tanga ka ba? lalo mo lang papasakitin ulo mo."

"Wala akong pakialam, masama bang makalimutan ko yung kagaguha ng babaeng yun kahit ngayong gabi lang?!"

"Whoa! chill! hindi ako yung ex mo ok?! pumunta ka na nga sa kwarto mo, ako ng bahala dito ng makauwi na din ako."
Pumunta na syang kusina dala yung mga pinaggamitan namin dito sa living room.

Bakit ba kasi nya nagawa yun? For petes sake!! minahal ko sya ng totoo tapos magagawa nyang i-two time lang ako?! Ang kapal ng mukha niya! Pinahid ko yung luha ko, hindi parin maalis sa isip ko yung view kanina ng makita ko yung ex-girlfriend kong nakkikipag make love sa iba! Yes im a proud lipstick lesbian. Paksyet lang talaga!

"Oy, ayaw mo pa bang magpahinga? i need to go na nagtxt na si mother earth eh.. ayaw ko man iwan ka dahil baka kung anong kabaliwan ang gawin mo, pero tsong kailangan eh.."

"i understand, ingat ka ha." i answer without looking.

"Sige, Paalala ko lang Glaiza De Castro! wala kang gagawing katangahan ha? just txt me if you need something"

"yeah." She kiss my cheeks at umalis na.

Nakaupo pa rin ako sa sofa habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko akalain na magagawa nya yun sakin. We've been together for 6 months tapos nalaman ko nalang na 3months na niya akong niloloko?! Papatunayan ko sa kanyang hindi ako ang nawalan! Yun lang naman ang naging napakalaking kagaguhan na nagawa ko.. yung mahalin yung cheater na yun!.

That Strange Feeling Called... LOVEWhere stories live. Discover now