Chapter 39

2.8K 112 3
                                    

Rhian's POV

Saglit lang ang pagaayos ni mommy Yve. Grabe talaga.. Effortless yung ganda niya! She's wearing a fitted black gown na off shoulder in style at naka bun ang brown niyang buhok. Very sophisticated.

Nag-ayos na din kami bago tuluyang umalis. Aaminin ko.. Kinakabahan ako dahil sinabi kanina ni lablab na I will see most of the influential clan in the world. Ganun kabongga ang party na iyon! Gosh!

Sa lambo Ni lablab kami sumakay samantalang sila mommy Yve at daddy Kiel naman ay sa limo na pagmamayari din nila sumakay. Mas lalo ding dumami ang mga men in black na nakasunod samin habang papunta kami sa party.. Ang iba sa kanila nasa harapan namin ang mga sasakyan ang iba nasa likod. Para tuloy may parada ng mga magagarang sasakyan.

"Lab ok ka lang?" Napalingon ako Kay lablab ng magsalita siya. Naging busy pala ako kakatingin sa labas.

"Yeah.. I'm okay. Don't worry." Sagot ko saka ako ngumiti. Gumanti din ng ngiti si lablab at hinawakan ang kamay ko.

"I hope walang sinabi kanina si mommy na naka apekto sa mood mo ngayon." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko this time.

Natawa ako.

"Wala nga.. Mas lalo nga kitang minahal after nun." Sabi ko at pinanggigilan ang ilong niya.

"Lablab! Baka mabangga tayo!! Stop it!" Sigaw niya habang pinahahaba ang kanyang leeg dahil nakahawak pa rin ako sa ilong niya.

Hahahahaha! Ang cute!! Binitawan ko ang ilong niya at humalik sa balikat niyang nakaexpose.. Nakakainis kasi! Ako lang dapat nakakakita nyan eh..

"Lab.. Pinang gigigilan mo nanaman ako. Hahaha."

"Ayaw mo ba? gusto mo iba pang gigilan ko?" Tanong ko sa kanya ng may pilyang ngiti.

"I will surely kill that asshole." Kalmadong sagot niya.

"Whoa?! Edi paslangin mo si Glaiza Galura, Ms. Sekir. She stole my heart! So help me, my gorgeous mafia leader!! Bring it back!" Hysterical na sabi ko sa kanya. Syempre pag iinarte ko lang yun. Hahahaha

Tawa naman ng tawa si lablab sa sinabi ko. Di manlang nagreact?! Hinayupak na to. Tumawa nalang ng tumawa.. ( -______-)

"Lablab Baka naman kabagin ka sa kakatawa mo." Maluha luha na kasi yung mata niya ayaw pa tumigil.. Kapag kumalat eyeliner mo bahala ka.. Hahahaha!

Wala ng 30 minutes ang biyahe ng lumiko kami sa isang exclusive subdivision. Malalaki ang mga bahay pero walang igagawa sa bahay nila lablab.. Grabe naman kasi talaga yung kanila eh!

Nasa pinaka dulo ang bahay nila Solenn.. Hmmmm.. Sa kanila ang pinaka malaki dito.

"Lablab.. Lapit ka sakin."

Hmmm? Kahit nagtataka umisod ako palapit sa kanya.

(O///////////O)

"L-Lablab?"

*GULP*

Di ko alam yung gagawin ko ng itaas niya yung laylayan ng damit ko hanggang sa thigh.. My gaaad! Bata pa po ako! Haha charot!

Napansin niya atang bigla akong nanigas sa kinauupuan ko ng hawakan niya yung hita ko.. Lintik na Babae to! Nakuha niya pang magsmirk?! Unti unti niyang inilapit ang muka niya sakin!!

"Relax lablab.." Sabi niya and give a peck on my lips.

May kinuha siya sa gilid.

"Here." May ikinabit siya palibot sa right thigh ko and i was shock ng makitang baril into!

That Strange Feeling Called... LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon