Chapter 7

3.9K 159 3
                                    

Rhian's POV

After ng breakfast, tumambay muna kami dito sa bahay nila Chynna for a while. Wala naman akong gagawin ng maaga mamaya pa kasing 5 pm ang yung victory party ng friend ko na kakapanalo lang sa race na sinalihan niya, and ganun din naman daw sila kaya tambay muna dito.

"Ano Rhian? Wala ka paring siniseryoso? aba baka tumanda kang dalaga?! Sayang ang beauty te!" lovelife ko talaga favorite topic nitong pinsan ko.

"Let's say, hindi ko pa nakikita yung taong magpapaexcite sakin everytime na makikita ko pa lang siyang palapit." Lahat kasi ng mga nagdaang relationship ko puro kalandian lang pinairal ko, pero hindi yung aabot sa sex. Di ako ganun kabaliw no?! Wala naman akong nakikitang future sa kanila tapos ganun? Neknek nila. Di katulad ni Glaiza... RHIAN?! i shook my head. Bakit sya ang pumasok sa isip ko?! Shit! Nagiinit nanaman pisngi ko!

"Oh no! Mukhang nameet mo na siya eh. Parang kamatis mukha mo. Hahaha" sabi sakin ni Kat. Shit! Nakita pa nila.

"Hmmm.. Gusto mo bang magkwento my dear cousin?" tanong sakin ni Chynna. Tsk! Ano namang ikukwento ko? Na kinikilig ako kay Glaiza?! That's so gay!

Napatingin kami ng mapansing papalapit sa amin si Patty.

"Hoy! Hoy! Dun ka! Girl talk to." saway sa kanya ni Chynna. Nag-pout si Patty. Aww.. So cute!

"Eh bakit? Girl din naman ako ah?" sagot nito kay Chynna.

"Girl na nakikipag momol sa girl?" dagdag ni Kat. Momol? What's that? Nagtawanan silang lahat pati si Glaiza na nasa sala. Except kay Patty.

"Your sa mean Kat! Momol agad?!" mas lalo silang nagtawanan. Ano bang ibig sabihin nun? Nakangiti lang ako dahil di ko naman magets yung usapan nila, and there! nagtama nanaman mga mata namin. God! That fucking eyes is heading straight to my soul. Nakasmile sya. And i cant help but also to smile. Bumalik na si Patty sa upuan niya katabi si Glaiza na nagmamaktol parin kay Kat.

"Chyn, what's momol?" curious na tanong ko kay Chynna.

"Oh? Yun ba? 'That's Make Out Make Out Lang' hahaha.. Gets mo?"

"Ah.. So Patty is..?" hindi ko naituloy yung sasabihin ko. Pano ko ba itatanong yung sinabi ni Kat na pakikipag momol ni Patty sa girls. Is she a lesbian?

"Yes, kung ang tanong mo ay kung lesbian ba si Patty. Actually, parehas silang lipstick lesbian ni Glaiza." nahalata siguro niya yung gulat sa mukha ko. Ahh.. Ganun pa-- WHAT?! S-SI GLAIZA?

"S-si Glaiza? Lipstick les?"

"Yeah. Bakit naiilang ka? " tanong ni Kat sakin.

"N-no, No hindi sa ganon. Na-shock lang ako."

"Couz, alam mo sa buhay, kung makikipag kaibigan ka, papasok sa isang relationship, hindi mo naman dapat i-consider yung gender preference ng isang tao. You know what? Hindi totoo yung mga sinasabi nilang nakakahawa ang mga katulad nila na akala mo naman may virus sila sa katawan." Chyns explained.

"Yes, tamo nga kami ni Chynna, ang tagal na namin kasama yang dalawang loka lokang yan pero straight kami." sabi naman ni Kat.

"Guys, di niyo naman kailangan pang iexplain for me to understand them. Im not against third sex. I-im just in shock ang gaganda nilang lesbians." Yes, totoo naman. Im not against third sex may mga friends din naman akong gays, i even support lgbt community for my friend.

"Kaya nga ang daming nanghihinayang na lalaki sa dalawang yan." sabi ni Kat.

"Kaya ikaw.. Rhian Denise Howell, im warning you, they are the great gender bender sa Pilipinas. Dami ng nabaluktot ng dalawang yan na hanggang ngayon eh naghahabol pa sa kanila." Kat told me while playing on her phone.

That Strange Feeling Called... LOVEWhere stories live. Discover now