Chapter 34

2.7K 111 1
                                    

Glaiza's POV

"Joyce sige na baby.. please?? sabay na tayo sa birthday ni Solenn.." sabi ni Patty. Nandito kami sa underground. Nagiinuman lang ng konti and some chit chats.. Namomoroblema kasi ako kung paano ko sasabihin kay lablab.. yung ako. :(

"I said NO!"mariing sagot ni Joyce.

Psh! kanina pa yang si Patty! Ang laki kasi ng pagnanasa kay Joyce kaya kating kati maidate yung isa eh. Hahaha pero sorry siya dahil hindi katulad ni Joyce ang mga chikas niya na konting ngiti bibigay na pati kaluluwa.

"Please babe? Kahit that evening lang. Kapag pinagbigyan mo ako.. I PROMISE!! hinding hindi na ako manggugulo." seryosong sabi ni Patty.

Takte! ano ba to live lovestory?! Nagbukas ulit ako ng another can. Medyo tipsy na ako pero i still want more haha..

Ininom ko yung beer ko at tumingin ulit sa dalawa..

(O____o)

Oww .. Seryoso silang nagtititigan ngayon. As in seryoso talaga..

"Im fuckin' serious here Joyce. Be mine in that party, and after that.. Wala ng Patty ang mangungulit sayo.." sabi ni Patty na walang kakurap kurap at diretso ang tingin kay Joyce.

Parang hindi ako masyado sanay na ganito kaseryoso si Patty. Madalas kasing puro kalokohan eh..

"Fine. I will be your date. If that's what you want para lang tingilan ako." sagot ni Joyce na gumaganti ng titig kay Patty.

Grabe! ang intense! Phew!

Ngumisi si Patty.

"I can assure you.. you will not regret your decision babe." sabi niya.

Tsk! lokoloko talaga tong si Patty.

rriiinng rriinngg

*Lablab <3 calling..*

Nagexcuse ako para sagutin yung tawag ng mahal ko. Naks naman! hahahaha..

"Hi gorgeous?" sabi ko matapos pindutin ang answer button.

"I miss you lablab.. Punta ako sayo. Nasa condo kaba?"

"Ha? Wala eh.. Pero pauwi na ako ng condo so kita nalang tayo dun? I love you lablab.."

"Yeah sure.. I love you too lablab ko. Ingat sa pagdadrive ha."

"Yes Ma'am! haha." we both laughed bago namin iend ang call.

Humawak ako sa upuang nasa harapan ko dahil medyo naikot na yung paningin ko. Shit! magdadrive pa naman ako..

"Guys.. Gotta go." paalam ko sa lovebirds na kasama ko.

"Glai gusto mo hatid na kita? You're drunk." tanong ni Joyce sakin.

"Tipsy is the right term.. Intindihin mo nalang yang naghihimutok na babae sa tabi mo. ok? Bye." sabi ko. and nakipag beso sa kanya at naglakad na ako papuntang elevator.

I miss my lablab.. kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita. Busy kasi siya for her endorsement. And Yes! bago mag end ang araw na to magkasama pa rin kami.. hahaha

Mabilis akong naglakad papuntang parking area. Bullshit! hindi na pumirmi ang tingin ko. Dapat siguro pumayag na akong magpahatid kay Joyce kanina. Pero ayaw ko namang istorbohin ang moment nila kaya ok na din. haha

"Senorita? ako nalang po ang magdadrive. Nahihilo na po kayo." sabi ni Dom ng makitang hindi na pumantay ang lakad ko.

"Oh! Hi Dom! Sayang nalate ka ng dating.. Naginom lang kami nila Joyce ng kaunti. Next time ha? Join us.." sagot ko sa kanya. Kinuha ko yung susi sa pouch na dala ko.

"Sige po. Sa susunod. So? hatid ko na kayo Senorita."

"Sige. Hinde.. wag na kaya ko pa magdrive.." i said at nginitian siya.

Tangina! Masyado na ba akong pasmado? hindi ko mailusot yung susi! ugh!

(-.-) kahit anong gawin ko ayaw talaga niya pumasok! bwiset naman. Lumingon ako kay Dom at ngumiti ulit..

"Hehe.. Sige na nga. Pagdrive mo na ako papunta sa condo." nakakahiya pero i need his help. Gustong gusto ko na makita si lablab ko.

Natatawa at umiiling na kinuha ni Dom ang susi sakin.

At sa awa ng Diyos nakarating kami ng ligtas.. haha

"Lablab?! Oh my god! You're drunk? Tsk!" sabi ni Rhian ng makita niya akong parang tangang naglalakad papuntang sala kung saan siya nakaupo.

"Lablab.. I miss you." i said and hug her tightly.

"Sorry lab.. I miss you too. Tara na sa kwarto para makapagpahinga ka na.." she said at inakay ako.

Pagdating sa kwarto humiga agad ako sa kama at hinila din siya pahiga. Niyakap ko siya na parang human pillow at hinalikan ang balikat niya.

"Lab? wag ka muna matulog di ka pa nagsh-shower eh.."

"Hehe.. bukas nalang lablab ko.. inaantok na ko eh... Let's sleep?" sabi habang nakapikit at nakasisik ang mukha sa leeg niya.

"Nag dinner ka na ba?" tanong ulit niya.

"Hindi pa po.." sagot ko.

"What?! Galura uminom ka ng di ka pa kumakain?! Ugh! pasaway! San ka ba umi----"

Pinutol ko ang pagsasalita niya through my kiss..

i kissed her aggressively.. and she answered me the same way.. hinawakan ko siya sa bewang habang gumagapang ang kamay niya papunta sa leeg ko to pull me closer..

"Ang daldal mo eh.. tulog na tayo lablab ha?" i said with a smile after our kissed.

Tumingin lang siya sakin. S-Shit! that stare again.. Inalis niya ng kamay niyang nakalagay sa leeg ko at inilipat ito sa pisngi ko..

"May problema ba lab? bakit ka uminom?" tanong niya sakin while gently touching my cheeks..

Napapikit ako because of the sensation it gives..

"Lab?" tawag niya ulit.

Nagmulat ako ng mata at ngumiti sa kanya..

"Wala lablab.. nagkayayaan lang kanina." pagsisinungaling ko. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.. "I love you lablab ko."bulong ko sa tenga niya.

"I love you more lablab.." sagot niya at yumakap din sakin..

haaayy! paano ko ba sisimulan?! Sigh. :(

Sa isang araw na yung party at hindi ko pa nasasabi.. Tsk! bakit ba kasi ako naduduwag or natatakot?! I owned a lot of no. 1 companies, resorts, hotels, bars, luxurious cars all over the world i should be proud! P-Pero yung sabihin sa kanyang my family is the most powerful in the world of mafia.. yun ang di ko sure. Marami ang nagiisip na masasama at mamamatay tao kami. The hell! Kaya until now, hindi namin inilalabas sa publiko ang grupo na kinabibilangan namin. Magiging complikado lahat.

"Lablab.." i said checking if she's still awake.

"Hmmm?"

"You will meet my family in that party.."

Bumalikwas siya ng bangon at umupo sa tabi ko. Hahaha! She's nervous and i feel it.

"What?! akala ko ba family friend niyo lang? i mean.. kailangan buong pamilya niyo nandun? Lablab.. pass muna kaya ako?"

"No." sagot ko habang nakapikit ang mata at nakangiti.

"Ok."

Nagmulat ako ng mata and there, nakita ko siyang nakangiti sakin.. Di manlang siya kinabahan na nafeel ko nung bigla niyang sabihing mamimeet ko parents niya?!

"Why? are you expecting na aatras ako? Haha you're wrong Galura.." Sabi niya at gave me a wink.

Napaisip ako.. sana ganyan din ang reaksyon niya kapag nalaman na niya ang totoo.. haayy..

That Strange Feeling Called... LOVEWhere stories live. Discover now