Chapter 9

3.7K 146 0
                                    

A/N: Hi guys! :) sana naeenjoy niyo ang kakornihan na pinagsu-susulat ko ditey. Hahahaha.. Eneweyz feel free to comment and please! Vote niyo po pretty please? ... Kung ayaw mo, ok! its your choice. We are in the Philippines, its a free country so you can do whatever you want. :D :p Pero sa nga magbo-vote.. THANK YOU! :) :* <3

Rhian's POV

And we kissed..

We kissed..

We kissed..

\(^o^)/ waaahh!!! Para akong natakasan ng bait habang nagmamaneho pabalik ng condo. Shocks! Rhian?! Anong nangyayari sayo?! Hindi ko na nakontrol yung sarili ko kanina. Parang may sumapi sakin kanina na kung ano. Nakakahiya!! Pero.. I-I like the taste of her lips. Rhian ang bakla mo!! Hahahaha.. Natatawa ako sa sarili ko and kinikilig at the same time.

Yung one week na hindi na ulit kami nagkita para akong stalker na nagiintay lagi ng mga tweets, or kahit anong updates sa mga nangyayari sa kanya. Or kung nasan sya, san yung mga gig niya. Minsan nga pumunta pa ako sa bar kung saan siya nandun. Hindi lang ako nagpapakita. God! I missed her so much! Kaya nga halos masabunutan ko talaga si Bianca sa sobraaang saya nung nag reply si Chynna ng ibang number at sinabing nakitext lang siya dahil lowbat na dw phone niya. Syempre tinanong ko kung kanino at God knows kung gaano ako nag wiwish na sakanya yun. At Yes!! Malakas talaga ako kay God! ;)

When i reached my condo, nagshower kaagad ako. I simply wear my faded jeans and a white crop top na may nakaprint na 'Geek' sa bandang dibdib. Magpapalit din naman ako sa shoot.

"Hi guys!" bati ko kaagad ng makalapit ako sa kanila. Tinanggal ko ang suot kong itim na salamin at lumapit sa Manager ko, may hawak siyang papers. I kissed her cheeks.

"Hey Liz, what's the news?" i asked her at umupo sa tabi niya.

"Wala namang bago, pero mags-start na din tayo miya miya ok? Just relax---, wait?" tumigil siya sa pagsasalita at humarap sa akin. "Bakit ang lapad ng ngiti mo?"

"Ha? Talaga? Hmmm.. Well, Something happened earlier." Fuck! Nag-init nanaman ang mukha ko.

"Hmmm? Your blushing. I know naman na hindi ka magku-kwento, kaya ang masasabi ko lang is.. Im happy for you. Who's the lucky guy? I can see that you already find your 'the one' huh."

Guy? Hindi nga siya guy eh. Ang gulo, kasi babae siya. Sa babae ako kinikilig!

'the one'? S-Si Glaiza?!

At inlove?! I-Im not sure.. Bigla akong nakaramdam ng takot. Talaga bang.. I-Im inlove with her? Shit! Rhian ano bang iniisip mo?! Si-Siguro you find her mysterious kaya ganun.

"Now you look confused. What's with the sudden changed my dear?" nagtatakang tanong nito. Hindi ko alam kung dapat ko bang  sabihin sa kanya to, bigla akong nakaramdam ng kaba at takot.

"Excuse me, Ms. Rhian start na daw po." buti nalang biglang sumingit yung isang staff. Hindi ko alam ang isasagot kay Liz.

Natapos ang photoshoot ko at dumiretso ako sa condo ni Bianca. Alam niya itong kakaibang nangyayari sakin. At naikwento ko na din sa kanya lahat simula nung sa party hanggang sa kabaliwan ko nung isang linggo na stalker lang ang peg.

"Bestie? Anong?.. Wait nga lang, pumasok ka muna." hindi muna nito itinuloy ang pagtatanong, nahalata niya siguro ang gulo na makikita sa mukha ko ngayon.

Umupo ako diretso sa couch samantalang si Bianca pumunta pa sa kusina. Pagbalik niya may hawak hawak na siyang Timtam. Automatic na nagbago yung mood ko. Kyaa!! Timtam baby ko!!

"Hep!" kinuha agad ni Bianca yung Timtam baby ko nung nahalata niya atang nag heart-shape yung mata ko. "Kwento muna."

"Kaya ko namang mag kwento habang nakain ih." sabi ko habang sa Timtam parin nakatingin. Pake niyo ba kung mukha akong patay gutom sa Timtam?! That's my favorite eh!!

"Hay naku!, Sige ayan." inilapag niya yung Timtam sa table "Ano bang nangyari?"

Wiiee!! Timtam! Kumuha ako ng isa at kumain.

"Me and Glaiza just kissed." sagot ko sa kanya habang nanguya.

"Ah.. Wait! WHAT?! Rhian Denise Howell! Umayos ka nga ng kwento! Seryoso kasi!" hindi makapaniwala yung itsura niya ngayon.

"Its true, seryoso ako Bestie, hindi ko din alam kung ano ba pumasok sa utak ko kanina dahil hinalikan ko sya. And you know what's funny? I-I like it. Actually, ang saya saya ko kanina nung nangyari yun not until nung nagkausap kami kanina ni Liz, nakaramdam ako ng takot. Hindi ko maintindihan ang sarili ko Bianca."

"Mukhang totoo yung tawag sa kanya nila Chynna ah?"

"Anong tawag?" tanong ko sa kanya na ngumunguya ng Timtam.

"Yung pagiging 'Great Gender Bender' thingy."

Napaisip ako sa sinabi niya. S-So nabaluktot niya ako?

"Uy? Ok ka lang?" napansin kong nagalala siya ng matigilan ako.

"I-Ibig sabihin that im already a l-lesbian?" natatakot talaga ako sa pagbabagong ito sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako pwedeng dalhin nito. Natatakot akong mahusgahan pati ang family ko. Don't get me wrong guys, wala akong pakialam sa mga opinyon or sasabihin ng ibang tao pero yung madamay ang family ko i-if ever nga na totoo ito.. Dun ako naga-alala.

That Strange Feeling Called... LOVEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن