Chapter 48

1.4K 40 4
                                    


A/N:

This is a special chapter for Patty and Joyce. Hope you like it. Read at your own risk. Sa mga ayaw, eh anong ginagawa niyo dito? Shupi!  Eneweys, enjoy! *wink*




Patty's POV

"Joyce we're here, where's you're key card?"

Inabot niya sakin after niya kunin sa bag. First time ko makapunta sa condo niya kasi usually sa bahay nila kami nagtatambay nila Glaiza before. I like the design of her condo.. very minimalist.

Ibinaba ko ang bag niya sa couch at inalalayan siya papuntang room. Eto nanaman tayo sa tukso.

She's sleeping. Nakatulog na siya sa biyahe. Kaya dahan dahan ko siya nilapag sa kama. Ang problema ko ngayon ay Kung pano siya makakapagpalit Ng damit. Pumunta ako sa closet niya para kumuha ng pang palit niya kaso hindi ko Alam kung pano ko siya bibihisan.

Enebe! Keye ke nemen eh. Kese leng neheheye eke! Ehehehe.


Umupo ako sa kama sa tabi niya, nagiintay na magising siya kahit saglit para maibigay ko ang mga damit na kinuha ko.

She's so beautiful, napaka inosente niya kapag tulog akala mo hindi nananakit. Nilapit ko ang isang daliri ko to trace her nose down to her lips.. *sigh*

"Can you just fall in love with me please?" Bulong ko sa kanya habang tulog na tulog siya. Atleast ngayon hindi siya magagalit kahit magdamag ko siya titigan..

Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw para kamutin ang ilong niya habang pikit na pikit parin, so cute!

"Hmm.. a-ang init.." nakapikit siyang nagpupunas ng pawis niya sa leeg at .... O-onti onti niyang tinatanggal ang butones ng button-down shirt na suot niya. Wooooooh! Parang mas doble Yung nararamdaman Kong init! Oh God help! Patatagin niyo po ako.

Pinigilan ko siya ng halos kalahati na ang natataggal sa butones niya. Di ko kaya, I mean.. gusto ko yung ginagawa niya ngayon. HAHA! Wag madumi utak niyo Hoy! Tao lang ako, marupok din sa tukso. Pero I respect her. Kaya pinigilan ko siya na hubaran ang sarili niya not knowing na nandito ako. Kinumutan ko siya at nilakasan nalang ang aircon. Naglagay ako ng unan sa gitna namin para medyo makapag pigil Naman ako. Nakaramdam ako ng antok sa pagtitig sa kanya dala na din siguro Ng alak na nainom namin kanina.. hanggang sa onti onti na tuluyang pumikit Ang mga mata ko..









Joyce's POV

Ang sakit ng ulo ko.. Ang bigat parin Ng pakiramdam ko. Ano ba nangya- (O.O)

Wait..

I remember na Mara and I went to a bar, she insisted na dun sa bar na madalas puntahan nila Glaiza niya gusto pumunta. And as expected, we saw Patty, Kat and Chynna there. They offer to share their table at libre daw ni Patty kaya wag na kami umayaw.. eh etong pinsan ko sunggab agad kaya wala na ko nagawa.

I noticed that they planned na pagtabihin talaga kami ni Patty sa upuan at wag isali sa usapan nila. Patty tried to open a conversation with me pero I'm not in the mood right now. I answered her question and end it right away. Hindi ko napansin na napaparami na pala ako ng inom.. I was drunk.




And I was in the car with.. P-Patty?





Agad na naimulat ko ang mga mata ko to check kung kumpleto pa ba ako. Mahirap na. Sumilip pa ako sa ilalim ng kumot. Ok, kumpleto naman ang suot ko bukod nga lang sa medyo revealing na pang itaas. Nag inat ako ng katawan at dahil maaga pa naman kaya mamaya na ko babangon.. hmmm.. sarap pa matulog..



That Strange Feeling Called... LOVEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu