Chapter 12

3.3K 145 2
                                    

Glaiza's POV

Huminga ako ng malalim. Nasa rooftop na kami ngayon ni Rhian dahil katatapos lang namin magdinner. Tangina! kinakabahan talaga ko! (>.<) Nakatingin lang sya sa mga sasakyan na dumadaan sa ibaba.

"Hey? Kanina ka pa tahimik. Pwede ka namang mag kwento sakin eh." pumunta siya sa likod ko at niyakap ako mula doon. Isiniksik nanaman niya ang mukha niya sa leeg ko. Fuck! lalong bumilis yung tibok ng puso ko! Concentrate Glaiza!

"A-ano ka-kasi.. ahmm.. Rhi?"

"mmm.." Shhiitt! Glaiza wag mo muna unahin ang pagkamanyak mo! ehem! huminga ulit ako ng malalim.

"Rhi" humarap ako sa kanya. Halata ko yung pagtataka niya, pero ngumiti parin ito at yumakap paharap sa kanya. Niyakap ko din siya pabalik. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"I love you" pagkalabas ng mga salitang iyan sa bibig ko napapikit nalang ng kusa ang mata ko. Naramdaman ko ang bumilis ang tibok ng puso niya. Lumuwag yung yakap niya at unti untinng kumalas sakin. I was shocked pero pinilit kong tingnan siya sa mata. Nakaramdam ako ng matinding kaba ng makita ko ang takot sa mga matang iyon.

"R-Rhi, i-im sorry. Na-nagulat yata k-kita." unti unti siyang humakbang patalikod habang nakatingin parin sakin.

"G-Glaiza, i-im sorry." nagsimula ng pumatak ang luha ko at sa kanya din.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya habang patuloy parin ang pag patak ng luha ko. Fuckshit! bakit ba hindi pa nauubos to?! natatakot ako.. natatakot ako sa isasagot niya.

"G-glai... Na-natatakot ako sa mga.. p-pwedeng mangyari sa magiging relasyon natin. N-natatakot ang m-mahusgahan tayo n-ng ibang tao." sagot ni Rhian na naging dahilan para literal na mabasag ang puso ko.

"I-I understand.. *sob* A-Ang tanga ko.. Ka-kaibigan lang pala a-ang tingin mo sakin, i-im sorry.. *sob* na.. nagulo k-ko pa ata isip mo... but p-please, promise me o-one thing.. wa-walang magbabago sa pa-pagkakaibigan natin. Please." Tanginang luha to! ayaw pa tumigil! Hinawakan ko ang kamay niya. "Promise me please.."

Nakatingin lang siya sakin habang patuloy na umiiyak.

"I-im sorry Glaiza.." bumitaw siya sa pagkakakapit ko sa kamay niya. Putangina! durog na nga ang puso ko inapakan pa! Wala akong nagawa kundi panuorin siyang maglakad palayo. Napaka tanga mo Glaiza! Ngayon sinayang mo pati ang pagkakaibigan niyo! Ang bobo ko!

All this time, yung mga gestures na ginagawa niya ay friendly gestures lang pala. Ako naman kasing assuming na umasang may nararamdaman din siya sakin!

At yung kissed? Nadala lang siguro siya sakin. Damn it!! pinunasan ko ang luha ko pero nakakabwiset lang dahil patuloy patin sya sa pag agos. Bakit ba kasi ako umasa in the first place?! Straight siya, nung una palang alam ko na yun pero dahil sa katangahan ko nasasaktan tuloy ako ng ganito.

Naglakad ako pabalik sa kotse at nagdrive pabalik ng condo.

Wala na... Sinayang ko yung pagkakaibigan namin. Sana nakuntento nalang ako kung ano ang meron samin! Napaka tanga mo Glaiza! Fuck! Damn this feeling! Bakit kasi si Rhian pa?!! Hinampas ko ng malakas ang manibela na hawak ko. Fuck this shit!



Rhian's POV

"i love you.."

Nang sabihin niya ang mga salitang yon nakaramdam ako ng excitement pero mabilis na napalitan iyon ng takot at kaba. Pinili kong umalis nalang kanina, ayaw kong nakikita siyang naiyak. Mahal ko siya dahil kaibigan ko siya.. actually.. ugh! di ko na maintindihan ang sarili ko. Naguguluhan ako! Tinawagan ko si Bianca para sunduin ako. Kotse kasi ni Glaiza ang ginamit namin papunta dun kanina. Good thing naman na nasa paligid lang si Bianca kaya nasundo niya kaagad ako. Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari kanina sa rooftop.

"Yun naman pala eh! Nagtapat na siya tapos you rejected her lang, di kita maintindihan. Tapos ngayon iiyak iyak ka jan!" panenermon niya sakin.

"K-kasi i felt scared. Ma-mahal ko siya d-dahil kaibigan ko siya at ayaw ko siyang nakikitang umiiyak."

"Wag ako bestie! kahit nga ako di mo iniyakan ng ganyan eh! Mahal mo siya hindi bilang kaibigan period! bakit kasi ayaw mo nalang tanggapin yun? Natatakot ka sa sasabihin ng ibang tao pero hindi mo naisip na sobra siyang masasaktan dahil sa ginawa mo." Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Totoo naman kasi lahat yun. Tama siya, hindi ko inisip si Glaiza. Kung anong mararamdaman niya.

"Bestie... Di ko na maintindihan ang sarili ko." inimom ko yung bote ng alak na hawak ko.

"Ewan ko sayo! Kung sinabi mong mahal mo din siya kanina edi everybody happy! wala ka ng emote emote jan. Alam mo best kilalanin mo muna yung sarili mo. Para no regrets sa susunod."

Ininom ko ng ininom yung boteng hawak ko ngayon. Gusto ko munang kalimutan ang nangyari ngayon. Sobra akong nasasaktan nag makita siyang ganun kalungkot kanina. God knows gustong gusto siyang yakapin kanina para magsorry.. pero nasaktan ko siya.. sinaktan ko siya. I hate myself!

"UUUUGGHHHH!!" hindi ko na napigilang sumigaw sa sobrang inis!

"Hoy babae?! gusto mo ba akong patayin sa gulat?!" napatingin ako sa kanya. Nakahawak pa siya sa dibdib niya, halatang nagulat nga.

"Bakit pati ako nasasaktan ng ganito dahil sa ginawa ko kanina?! bakit pati ako apektado! Damn!" ipinatong ko ang braso kobsa tuhod ko at tumungo. Ang sakit! g-ganito din ba nararamdaman niya ngayon? Im sorry Glaiza.. Im so sorry..

"It is simply because you love her too, di mo kasi inamin. Masokista ka eh!"

I love her too?

That Strange Feeling Called... LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon