Chapter 36

3.1K 129 22
                                    

Rhian's POV

Simula ng pumunta si lablab kaninang mga 10:00 am napansin ko lang na andaming natawag sa kanya. Puro about sa party ng family friend niya ang usapan. Ganun ba sila ka-close ng celebrant to the point na parang siya na ang organizer ng event? Pati si Patty nakailang tawag na din..

"Lab? Ikaw ba ang organizer ng party ng family friend niyo?" tanong ko ng iend niya yung katatapos lang na call.

Natawa siya ng malakas sa tanong ko. (-.-) Anyare?

"Lablab No. Hahaha.. Ano kasi.. Hmmm.. Hay! Ganito kasi yan lab.. Kailangan kong paghandaan yung party na yun kasi hindi basta basta ang mga taong makakasalumuha natin don. I mean, we need protection lalo na ikaw."

"Protection? Lab party naman yun diba? Tsaka family friend niyo yun sabi mo, so i think magiging masaya naman ang party later." naguguluhan paring sagot ko sa kanya.

Ngumiti siya at yumakap sakin.

"Do you know Solenn Garriova? She's a racer too at siya ang may birthday today. Dun naman sa sinabi ko sayong family friend namin siya medyo mali yun lablab.. More on rivalry of our clan."

What the fuck! Si Solenn?! She's freakin' hot kapag nasa race track, pero mas hot ako.. And with that french accent andaming nababaliw sa kanya.. Pero ako? kahit walang french accent maraming baliw na baliw. Pero si lablab lang naman ang gusto kong mawala sa saril dahil sakin.. Ilang beses ko na din siyang nakakalaban pero proud akong sabihing never siyang nanalo sakin. Wahahaha.. Nahahalata niyo na ba? Yeah.. We're not in good terms..

"Si Solenn ang sinasabi mo?!"

"Yup. Sabi na baka kilala mo siya eh." sagot niya.

"Close kayo ng babaeng yon?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Kaimbyerna!

"Super close lablab. She's my childhood friend. She's hot right?" nakangiting sagot niya sakin.

Psh! Tanggalin ko kaya ngipin nito ng hindi makangiti mamaya kay Solenn ng ganyan at hindi mabighani ang bruhang yon!

I just rolled my eyes. Psh!

Tumawa siya at pinihit ako paharap sa kanya. Mas lalong lumaki yung pagkakangiti niya ng taasan ko siya ng kilay.

She start kissing my forehead, down to my nose... And lips. She kiss me gently. Saglit lang yung halik and when i open my eyes naka smile siya sakin. Inilagay niya ang kaliwa niyang kamay sa bewang ko at ang kanan ay pilit na itinutuwid ang nakakunot kong noo.

Sabihin niyo nga sakin kung paano ako magtatampo kung ganito siya lagi magpaamo?! tsk! Talo lagi ako sa pangaakit niya.

"Pero mas nakakabaliw ang pagiging hot mo.. Lablab. You are gorgeously hot." sabi niya in a damn husky tone!

Unti unti ay muli niyang pinapaliit ang space sa pagitan namin. Halos maduling na ang mata ko kaya pumikit ako at nagintay..

Ddiiinng Ddooonggg..

Paksyet! Istorbo!! Uurrrgghh

Parehas kaming napamulat ng mata. Konti nalang eh!

"Ooopss.. Buksan ko lang lab." sabi niya at tatawa tawang umalis. Psh! Masasabunutan ko ang istorbong yun! (-_____-)

Tsk! Umupo ako sa couch at inintay si lablab. Sino nanama kaya yun..

Naririnig kong may kausap siyang lalaki pero di ko naman masyadong maintindihan yung pinaguusapan nila.

Miya miya narinig ko na ang pagsarado ng pinto.

Napalingon ako ng tumabi siya sakin at inilapag ang box na katulad ng box kanina.

"Lab maaga tayo aalis ha? About 5:00 siguro. Dadaan muna kasi tayo sa bahay bago pumunta sa party." sabi niya sakin habang busy sa pagkalikot ng cellphone niya. Tsk. Katext na ata nito ang bruhang yun. ( -.-)

Umayos ako ng upo para itaas ang paa ko sa couch. Hmm.. Di ba niya manlang titingnan kung anong itsura ng gown niya? Curious tuloy ako..

"Lab? Sa labas tayo mag lunch?"

Bigla akong naexcite.. This will be our first time na lalabas kami after namin mag public dahil naging busy these past few days..

"Sure!"

May tinawagan lang ulit siya tapos nag ayos na kami para kumain sa labas.

Sa pinaka malapit lang na restaurant kami kumain dahil maaga nga kaming aalis mamaya..

Pagbaba namin ng kotse hinawakan niya yung kamay ko bago kami naglakad. Ang sarap lang sa feeling na ipinakikita niya sa iba na pagaari niya ako.

Mula sa parking ng restaurant hanggang sa makapasok kami sa loob pansin kong halos lahat sila habol tingin or kaya naman nagse-second look samin. Sino ba namang hindi eh grabe ang ganda ng kayabi ko!

Nakasuot lang siya ng jeans at black na shirt plus black rayban pero ang lakas ng appeal abot hanggang pluto! Nakakainis! Kung makatingin tuloy sa kanya yung mga babae kala mo kakagatin na si lablab eh.. Pagkakalbuhin ko kayo!!

"Lab don't mind them nalang ok?." nakangiting sabi niya ng mapansing naiimbyerna na ako sa tingin ng mga tao.

Hinubad niya ang rayban na suot niya ng makapasok kami sa loob. My gaaaad! Naging slow mo yun sa paningin ko at yung pagsasabit niya nito sa tshirt na suot niya. That's... That's.... Absolutely definitely fucking damn hot!!

"Lab, tulo na laway mo." natatawang sabi niya.

Oh Fuck! Dali dali kong pinunasan ang labi ko. Wala naman ah?! Ugh! Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang siya at kumindat sakin.

Tangina! Nakakahiya.
Bumitaw siya sa kamay ko habang naglalakad kami papasok.

Nawala agad yung hiya at kilig na naramdaman ko kanina, nakaramdam ako ng lungkot.. :(

Pagkakita samin ng waiter agad siyang lumapit.

"Hi! Good afternoon Ma'am. Table for two?" nakangiting tanong samin ni kuyang waiter.

"No. Reservation for Ms. Galura. Please?" sagot ni lablab. Ikinapit niya ang kanang kamay niya sa bewang ko.

Nakita kong napatingin si kuyang waiter sa kamay niya. My god! Madamot ang peg ng lablab ko.

"Oh, i see. This way Ma'am" sabi niyang sinabayan kami maglakad papunta sa table sa isang gilid.

"Thank you Dwight." sabi ko after kong mabasa yung name tag nung waiter. Ngumiti naman ito.

"No worries Ma'am." sagot ni Dwight.

"Psh!" napalingon ako ng magreact si lablab. Nakasimangot itong nakatingin sa inabot na menu.

"Just give us your the best menu here. I want all the best for my GIRLFRIEND." sabi ni lablab na ipinagdiinan ang 'girlfriend' kay Dwight matapos i-scan ang menu.

"Sure Ma'am. Give me some minute." sabi nito at nagpaalam para kunin ang order namin.

"Lablab ko wag na tayo dito next time ha?" sabi niya sakin ng makaalis si Dwight.

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko pero i can sense na nagseselos ang lablab ko. At kinikilig nanaman ako. Waaaah!

Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil dumating na si Dwight para ibigay ang order namin.

"Here's your order Ma'am. Enjoy your meal." nakangiti ulit na sabi nito bago umalis.

Nginitian ko lang din siya and lablab just rolled her eyes.

Pagkaalis ni Dwight hinawakan ko ang kamay ni lablab na nakapatong sa lamesa. Alam kong nagseselos na talaga siya so... Ieenjoy ko muna. Hahahaha

"Lab? Selos ka kay Dwight?" tanong ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"No." cold na sagot niya ng hindi tumitingin sakin.

"Ok." sabi ko nalang at binitawan ko na ang kamay niya. Tumingin naman siya ng masama sakin na lalong ikinalaki ng ngiti ko. I winked at her.

"Let's eat." nakangiting sabi ko.Umirap lang ulit siya pero kita kong pinipigilan niyang mapangiti. Hahaha. So cute! Hay naku.. Sarap halikan ng babaeng to..

That Strange Feeling Called... LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon