Prologue

335 46 39
                                    

This chapter is specially dedicated to all Westlifers and to my good friends AcIreMuE , archangelgabriel22 , and ShawnAndrei4 ...love you guys!
________________________________

"TOOK my hand, touched my heart
Held me close...
You were always there by my side
Night and day through it all
maybe come what may...

Swept away on the wave of emotion
Over caught in the eye of the storm
And whenever you smile I can't believe that you're mine
Believe that you're mine...

This love is unbreakable
It's unmistakable
Each time I look in your eyes
I know why
This love is untouchable
I feel that my heart just can't deny
each time you whisper my name
Oh baby, I know why
This love is unbreakable..."

"Cut!" Malakas na sabi ng kanilang music producer kasama ang manager ng Westlife. Huminto naman kaagad ang grupo at itinuon ang atensyon sa mga ito. "Tama na muna 'yan guys. Let's continue the rehearsal by tomorrow afternoon, okay? This day is long enough. Take time to rest." Maarte ngunit professional na sabi ng baklang producer, pagkuwa'y tumalikod na ito para makipag-meeting sa kanilang manager.

Puspusan na ang kanilang rehearsal dahil malapit na ang kanilang Big Tour Concert sa Africa. Gayunpaman ay hindi parin sila nagpapabaya sa kanilang pag-aaral. Nag-aaral pa ang mga member ng Westlife taking Bachelor's Degree dahil nakikita nilang hindi panghabam-buhay ang pagkanta. Kahit papaano ay gusto parin nilang may matapos at mapatunayan sa sarili maliban sa pagkanta. Assurance in the future din kung baga.

"Wow, thank God! Pagod na pagod na rin ako eh. Parang naubos na ang Gatorade sa katawan ko." Nasabi agad ni Brian sabay talon pababa ng stage.

"I agree. This day is a lo-ng tiring day. At kailangan ko ng hot chic sa tabi ko para makatulog ako ng mahimbing." Mukhang pagod na pagod na sabi naman ni Nicky habang napasalampak ng upo sa isang couch na naroon.

"Baliw ka talaga Nicky!" Natatawang saad ni Shane at tinabihan din ito sa pagupo. Bahagya siyang nagpupunas ng pawis habang naiiling.

Malakas na tumawa si Nicky. "Pare ano ka ba, alam mo namang iyon talaga ang energiser ko eh."

"Naku, puro kayo kalokohan, eh may klase pa tayo bukas ng maaga." Supla naman ni Mark pagkatapos ay ibinato niya kay Kian ang towel na ipinang-punas niya sa kanyang pawis, "Diba Kian?"

"Yuck, pare ano ba 'yan! Kadiri!" Reklamo nito at mabilis na ibinato pabalik ang towel kay Mark.

Tanging tawa lang din ang naging reaksyon ng mga kasama sa kanila.

"Ang arte mo talaga kahit kailan! Ano'ng plano mong gawin ngayon?" Natatawang tanong ni Mark kay Kian.

"Wala. Siguro magmu-mukmok lang ako sa kuwarto ko habang pinag-iisipan kung mag-aasawa ba ako ng negra pagkatapos ng concert natin sa Africa." Pabirong sagot ni Kian.

"Ha ha ha, sira-ulo ka talaga Kian!" Sabay na bulalas nina Brian at Shane, at marahan pa itong binatukan ni Brian habang natatawa.

Ganito talaga ang Westlife tuwing pahinga, puro kalokohan ang pinag-uusapan. Nakaugalian na nila itong pan-tanggal ng kanilang pagod at stress sa kaliwa't kanang pag-perform.

Unbreakable[#Wattys2016]Where stories live. Discover now