Chapter 10: "Kian's Confession"

125 24 22
                                    

"THAT'S WHAT I'm saying, Brian!" gigil na bulalas ni Nicky nang tuluyan silang makauwing lahat sa kanilang dorm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"THAT'S WHAT I'm saying, Brian!" gigil na bulalas ni Nicky nang tuluyan silang makauwing lahat sa kanilang dorm. Halos mapatalon pa ito sa tuwa. "Did you see how the song made Avril so much upset?"

"Nah! Not just the song itself. She got upset because of Andrei's presence. It's very obvious that she's getting jealous," dugtong pa ni Mark.

"And that's the very point of every little thing you are now doing, Brian!" sabi pa uli ni Nicky. "Unti-unti nang babalik sa'yo si Avril. I can see that." Bahagya pa itong kumindat.

"Really?" 'di makapaniwalang tanong ni Brian. "Sa tingin niyo kaya nagselos talaga siya?"

"Oo naman, Dude!" mabilis pa sa alas kuwartong sagot ni Mark. "Manhid ka ba? Nakita mo naman ang naging reaksyon niya kanina sa canteen 'diba?"

Napangiti ng malapad si Brian. Ngiting tila nagwagi.

Sa kabilang banda naman ay tahimik lang na nakikinig sina Shane at Kian. Si Shane ay mukhang sumasabay lang sa agos ng kuwentuhan, samantalang si Kian naman ay pagkadisgusto ang umiiral. Iiling-iling ito at halatang hindi nagugustuhan ang mga naririnig mula sa mga kasama.

"I think, this calls for a little celebration!" suggested by Mark. "Nicky, ilabas mo na 'yong beer. Simulan na natin 'to!" Baling na utos nito kay Nicky. Agad namang sumunod si Nicky at nagmamadaling tinungo ang kinalalagyan ng refrigerator.

Agad namang tumayo si Kian mula sa kinauupuan at akmang tahimik na aalis nang mapansin siya ni Brian. "Kian!" tawag nito sa kanya. "Where are you supposed to go?"

"Ahm, I'm tired, Brian. I just wanna go and take a nap," nanlalatang sagot ni Kian.

"Seryoso ka, Kian? Oh no, come on, Dude!" dismayadong bulalas ni Mark. "You're going to spoil the moment!"

"I'm sorry, Guys," hingi naman kaagad ng paumanhin ni Kian sa mga kasama. "There's still some other time."

Si Shane ay tahimik lang din na nakikiramdam dahil tila naiintindihan na nito ang kilos ni Kian.

Nagtataka man ang lahat ay hinayaan na lang nilang magkulong si Kian sa kanyang kuwarto. Tila wala rin naman itong kaso sa kanila kaya naman ipinagpatuloy na lang ng apat ang maliit na celebration.

Iiling-iling namang humiga si Kian sa kanyang kama habang pilit na ini-ignora ang mga halakhak ng mga nagkakatuwaang kasama.

NAGMUMUKMOK sa isang sulok ng higaan habang nakatitig sa bintana ng kanilang kuwarto. Ito ang hitsura ni Andrei nang datnan siya ng kaibigang si Mariz sa loob ng kanilang dorm.

"Andrei, okay ka lang?" tanong ni Mariz.

"Oo," halos pabulong na sagot ni Andrei at hindi man lang nag-abalang lingunin ang kausap.

Naupo si Mariz sa tabi nito. "So, close mo na pala ang Westlife. Kailan pa?" mahinahong saad ni Mariz ngunit mababakas sa boses nito ang tampo.

"Hindi ko alam," tipid na sagot ni Andrei.

Unbreakable[#Wattys2016]Where stories live. Discover now